World Elder Abuse Awareness Day
Inter-Agency Council Against Trafficking Banner
Tagalog news: Bagong computer laboratory pinasinayaan sa Lucena
By: Ruel M. Orinday
Wednesday 3rd of April 2013
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Abril 3 (PIA) --Pormal na pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang Serbisyong Suarez Computer Literacy Program Computer Laboratory sa Gulang-Gulang National High School sa lungsod na ito noong Abril 1.

Sinabi ni Quezon governor David Suarez na siyang nanguna sa pagpapasinaya na napakahalaga sa mga mag-aaral ang nasabing programa dahil aniya sa modernong panahon ay kinakailangan ang may sapat na kaalaman tungkol sa computer ang mga kabataang mag-aaral.

Aniya, ang programa ay naisip na tugon ng pamahalaang panlalawigan upang mas matulungan maging modernisado ang pag-aaral ng mga kabataan sa mga pampublikong eskuwelahan. Inaasahan rin na masasagot ng programang ito ang nagiging problema ng mga naghahanap ng trabaho dahil sa kawalan ng kaalaman sa paggamit ng computer.

Sa kasalukuyan, umabot na sa limampu’t limang computer laboratory ang naipagawa ng pamahalaang panlalawigan sa buong lalawigan ng Quezon at ginawa na din na mandatory ang pagkakaroon ng computer education sa mga high school.

Bukod sa pagiging computer laboratory, gagawin din na isang english speech laboratory ang mga gusali upang maging bihasa ang mga mag-aaral sa pagsasalita ng wikang Ingles na makakatulong sa magiging trabaho ng mga ito sa hinaharap.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga guro sa pamumuno ng principal nito na si Myla Rosanna Berry at ng mga magulang sa pamumuno ng PTA President na si Alberto Casido.

Ayon sa mga ito, malaking tulong sa kanilang mga mag-aaral ang naturang computer laboratory na "fully airconditioned" at bukod sa mga computer set ay mayroon din itong LCD projector.

Nakiisa sa aktibidad ang opisyal ng naturang barangay, mga guro at magulang ng naturang paaralan, mga miyembro ng Kalipunan ng mga Babaeng Pinuno sa Lucena Inc. at ng Kalipunan ng Liping Pilipina sa naturang barangay. (PIO/CPG/RMO/PIA4A)


Transparency Seal   Bayani Challenge Logo
Apolinario Mabini Museum
Apolinario Mabini Museum
Mabini @150
Mabini @150
Mabini @150
free counters