Inter-Agency Council Against Trafficking Banner
Tagalog news: Karapatan ng mga kababaihan, tampok sa buwan ng katarungan sa Bulacan
By: Vinson F. Concepcion
Monday 12th of August 2013
LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Agosto 12 (PIA) -- Ang karapatan ng mga kababaihan ang sentro ng isinasagawa ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Limang Haligi ng Katarungan sa Bulacan.

Sa ginawang paglulunsad kamakailan sa Captiol Gymnasium, sinabi ni dating executive judge at tagapangulo ng Board of Pardons and Parole Natividad Hiron-Dizon na malaki ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa ngayon hindi lamang sa loob ng tahanan kundi maging sa pulitika, ekonomiya, isports, at iba pang larangan.

Dagdag pa ni Hiron-Dizon na sa panahong ito ay pantay ang karapatan ng kababaihan sa kalalakihan. Hindi pwedeng 70-30, dapat 50-50.

Sinabi naman ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado na napapanahon ang pagbibigay pansin sa karapatan ng mga kababaihan sa dahilang talamak ngayon ang mga babaeng naabuso at nagiging biktima ng kawalang-katarungan.

Ani Alvarado, hindi magiging kabahagi ang lalawigan sa mga kawalang-katarungan talamak sa lipunan.

Ang Limang Haligi ng Katarungan ay binubuo ng Prosecutor’s Office, Philippine National Police, Regional Trial Court, Probation and Parole Office, at ang komunidad na kinabibilangan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Integrated Bar of the Philippines.

Kabilang sa mga aktibidad na isasagawa ng mga nabanggit ang seminar hinggil sa Republic Act o RA 9262, RA 9208, RA 9344, Katarungang Pambarangay partikular na ang execution at Rules on Inquest na gaganapin sa bayan ng Santa Maria, Lungsod ng San Jose Del Monte, Calumpit, Plaridel at Norzagaray sa Agosto 6, 13, 16, 20, at 23; outreach programs sa Epesus at Bahay Pangarap Women’s Center Foundation, Inc.; mga programang pangkabuhayan tulad ng flower arrangement, fish deboning/relyeno making, malunggay noodles at candy making na lalahukan naman ng mga kababaihang jail inmates sa Bulacan Provincial Jail; at cycling event kung saan aabot sa 1,000 miyembro ng pulisya at mga siklista ang lalahok sa Agosto 24. (CLJD/VFC-PIA 3)

Transparency Seal   Bayani Challenge Logo
New DepEd Employees
New DepEd officials
New DepEd officials
DPWH new appointees
DTI welcomes French biz delegation
free counters