Panganib ng cervical cancer sa mga kababaihan, ipinaalala sa publiko ng DOH at PHO sa Camarines Norte

  • May 15, 2017
  • Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Mayo 12 (PIA) -- Ipinaalala sa publiko ang panganib at pag-iingat dulot ng cervical cancer sa mga kababaihan kaugnay ng isinagawang Media Kapihan na pinangunahan ng Department of Health (DOH) at  Provincial Health Office (PHO) ng pamahalaang panlalawigan kamakailan dito.

 

Ayon kay Dr. Tess Cortez, medical specialist ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH), ang cervical cancer ay ikalawa sa breast cancer na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga kababaihan.

 

Batay sa datus ng DOH umaabot sa 500 kababaihan sa buong mundo ang na-diagnose na may cervical cancer sa bawat taon at isa sa mga ito ang namamatay sa bawat dalawang minuto.

 

Ayon pa kay Cortez na umaabot sa 97 porsiyento ng cervical cancer ay sanhi ng tinatawag na Human Papilloma Virus (HPV) na karaniwang sexually transmitted disease sa Amerika.

 

Aniya, hindi tulad sa Amerika, sa Pilipinas ay walang masyadong naidokumento dahil mahirap itong ma-diagnose.

 

Dagdag pa ni Cortez na umaabot sa 50 hanggang 80 porsiyento ng mga kababaihan sa Pilipinas ay nanganganib na magkaroon ng HPV infection at 56 porsiyento na may cervical cancer ay namamatay sa loob ng limang taon dahil hindi agad natutuklasan at kung ma-diagnose man ay huli na.

 

Pero kung matutuklasan ng mas maaga maaaring 100 porsiyento na gumaling ang pasyente ayon pa rin kay Cortez.

 

Sinabi pa ni Cortez na ang cervical cancer ay nakakahawa sa pamamagitan ng skin to skin genital contact o sexually transmitted at hindi kailangan ang ganap na pagtatalik dahil hindi nakakatulong ng 100 porsiyento ang paggamit ng condom.

 

Karamihan na mayroong HPV infections ay kusang nawawala subalit ang ibang infections ay maaaring manatili sa kwelyo ng matres ng babae at makaraan ang ilang taon ay magiging cervical cancer na ito.

 

Sa umpisa ay mahirap itong malaman dahil walang sintomas na lumalabas.

 

Ayon pa sa pahayag ni Cortez na ang mga sintomas ng cervical cancer ay pagdurugo sa pwerta na karaniwan nangyayari matapos ang pakikipagtalik at sa pagitan ng buwanang dalaw, matubig na discharge na may amoy, pananakit ng puson at balakang habang nakikipagtalik.

 

Payo naman ni Cortez na maging tapat sa mga asawa upang maiwasan ang HPV.

 

Sinabi pa ni Cortez na ang pap smear ay hindi nakakalinis ng matres dahil ito ay diagnostic procedure lamang at simulan ito sa tatlong taon matapos makaranas ng unang pagtatalik at gawin ito sa bawat taon sa edad na 30 taong gulang at kung negatibo ito ay pwedeng gawin bawat dalawa hanggang tatlong taon.

 

Mayroong ng bakuna para sa cervical cancer at maaaring maiwasan ito kung agad na maaagapan upang mabigyan ng lunas at pinakamabisang paraan upang maiwasan ang cervical cancer ay sa pamamagitan ng pagpapabakuna at ang regular na pap smear ayon pa rin kay Cortez.

 

Ang cervical cancer ay pangalawang pangunahing sakit ng mga kababaihan na katulad ng breast cancer at ang HPV ay karaniwan ng dahilan ng cervical cancer.

 

Isagawa pa rin ang healthy lifestyle sa pamamagitan ng pag-iwas sa ibat-ibang karelasyon (sexual partner) at iwasan rin ang makipagrelasyon sa murang edad ganundin ang paninigarilyo. (RBM/ROV/PIA5-Camarines Norte)


Other News

President Duterte arrives in Russia for official visit
  • May 24, 2017
MOSCOW, Russia, May 24 -- President Rodrigo Roa Duterte arrived here on Monday, May 22, for a four-day official visit which aims to further strengthen bilateral relations with Russia. The plane carrying President Duterte and his official delegation touched down at Vnukovo International Airport at 11:18 p.m. (Moscow time). Moscow is five hours behind Manila. The President was accompanied by Cabinet members led by Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Finance Secretary Carlos Dominguez, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Agriculture Secret...Read more
Avail of DOLE’s job facilitation services
  • May 24, 2017
MANILA, May 24 -- Labor Secretary Silvestre H. Bello III encouraged jobseekers anew to make full use of the government’s employment facilitation services to ease unemployment and underemployment in the country. “We are bringing employment facilitation services closer to the public. Jobseekers may browse PhilJobNet, search for vacancies, and conveniently apply online. They may also look up the job fair schedules posted at the online portal and personally go to the job fairs in their areas,” Bello said.    PhilJobNet is the internet-based job and applicant matching system of the D...Read more
DPWH to complete P114-M bypass road project in Iloilo this year
  • May 24, 2017
MANILA, May 24 -- A new by-pass road would soon be serviceable to lessen the traffic congestion within the highly urbanized roads of Iloilo City, providing more convenient trip for local residents and tourists. The Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office 6 is presently undertaking the construction of four lanes Nabitasan – San Rafael Bypass Road in the amount of P114.461-million to shorten the travel time from Iloilo City downtown area to Benigno S. Aquino, Jr. Avenue by ten (10) to fifteen (15) minutes. The project involves the construction of 834 lineal meters...Read more
DSWD allocates additional P1B for the twice-a-day feeding program for daycare children
  • May 24, 2017
 QUEZON CITY, May 24, (PIA) – The government through the Department of Social Welfare and Development (DSWD) has allocated an additional P1 B for the pilot implementation of twice-a-day feeding program for daycare (DC) children in 450 local government units (LGUs) nationwide through its Supplementary Feeding Program (SFP).    DSWD regularly implements a 120-day feeding program which provides hot meals once a day in all LGUs nationwide to ensure that daycare children are able to consume nutritious food for their well-being. Under the regular SFP, hot meals are provided to children en...Read more