Seguridad sa paggunita ng Semana Santa sa Camarines Norte, siniguro ng DPWH, PNP at BFP

  • April 11, 2017
  • Reyjun Villamonte

DAET, Camarines Norte, Abr. 10 (PIA) -- Siniguro ng mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan ang seguridad sa paggunita ng Semana Santa sa Camarines Norte sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) at Bureau of Fire Protection (BFP).

 

Ayon kay Engr. Romeo D. Doloiras, district engineer ng DPWH, naglagay ang kanilang pamunuan ng motorist assistance team sa bahagi ng barangay Tabugon sa bayan ng Sta. Elena para sa Lakbay Alalay na tutulong sa mga motorista na papasok at lalabas ng lalawigan.

 

Ayon pa kay Doloiras na handa na rin ang kanilang mga kagamitan kung saan magsisimula sila ng Abril 10 sa ganap na alas 12:00 ng tanghali at magtatapos sa tanghali ng Abril 17.

 

Sinabi naman ni Deputy Provincial Director for Administration PSupt. Bernett M. Nabunat na nagsimula na ang kanilang Oplan Summer Vacation (SUMVAC) para sa pagdating ng mga bakasyunista at tapos na rin ang mga graduation sa ibat-ibang paaralan.

 

Ayon pa kay Nabunat, nagtalaga na rin ng mga Police at Motorist Assistance Center sa bawat bayan ng Camarines Norte at Police Assistance Desk naman sa mga lugar kung saan pumupunta ang mga turista at mataong lugar.

 

Dagdag pa niya na may mga nakatalaga rin na mga kapulisan sa mga lugar kung saan dinadagsa ng tao at maaari nila itong lapitan upang humingi ng tulong kung kinakailangan.

 

Ayon kay FO2 Maribeth B. Arandia, public information officer ng BFP na ipinatupad na ng BFP ang Oplan Semana Santa at ang Lakbay Alalay ganundin ang paglalagay ng mga Safety Booth na mayroong mga nakatalagang personel at mga nurses sa bawat bayan dala ang kanilang mga emergency medical rescue kit.

 

Sa katatapos lamang na selebrasyon ng Fire Prevention Month sa nakaraang buwan ng Marso ay nagsagawa ang BFP ng mga aktibidad para sa kaligtasan ng mga mamamayan sa panahon ng bakasyon lalo na sa paggunita ng Semana Santa sa Camarines Norte.

 

Ito ay kaugnay sa isinagawang Talakayan sa PIA on air ng Philippine Information Agency (PIA) provincial office dito sa himpilan ng DWCN-FM Radyo ng Bayan (RNB) sa kapitolyo probinsiya kamakailan. (MAL/RBM/ROV/PIA5-Camarines Norte)


Other News

BPO tops job vacancy list at PhilJobNet - DOLE
  • August 24, 2017
MANILA, August 24 (PIA) – The Department of Labor and Employment (DOLE) reported that business process outsourcing (BPO) was listed on the Top 20 Job Vacancies at PhilJobNet, an internet-based job applicant matching portal.   According to the Bureau of Local Employment of DOLE, the BPO service posted a total of 8,588 vacant jobs wherein more than half or 4,487 vacant positions are for call center agents.   Other jobs posted online are Staff Nurse with 545 vacant positions; Specialized Nurse – 400; Line Installer – 400; Customer Service Assistant – 321; Food Server – 300...Read more
DA: Cagayan Valley is bird-flu free
  • August 24, 2017
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, August 24 (PIA) – The Department of Agriculture (DA)  in Cagayan Valley assured the public that region 2 remains free from avian influenza, also known as bird flu.   Narciso Edillo, regional executive director, said despite this assurance, they are still implementing precautionary measures to bar possible entry of poultry and poultry products coming from the 7km radius bird flu-infected areas in Pampanga.   He said they intensified their monitoring and checkpoint activities especially in Nueva Vizcaya and Quirino to prevent the possible entry of poult...Read more
DILG to LGUs: Ensure public compliance to smoking ban
  • August 24, 2017
MANILA, Aug. 24(PIA) -- The Department of the Interior and Local Government (DILG) said local chief executives should undertake efforts to inform persons-in-charge of their key role in the implementation of Executive Order No. 26 as well as their duties and obligations under the said law.   In a statement, the DILG said local government units should ensure the support and compliance of company and school heads and other persons-in-charge to the nationwide smoking ban or the latter will be held liable and face corresponding sanctions if they fail to do so.   EO 26, which took eff...Read more
QC Mayor Herbert Bautista all praises for PH athletes in SEA Games
  • August 24, 2017
  Agatha Wong gets gold in Wushu for PH sixth #SEAGames2017 QUEZON CITY, Aug. 24 (PIA)-- Mayor Herbert M. Bautista has extended congratulations to the athletes competing in the ongoing 29th Southeast Asian Games in Kuala Lumpur, Malaysia.   “On behalf of the people of Quezon City, let me congratulate  Reyland Capellan and Kaitlin de Guzman and our bets in triathlon, wushu, sepak takraw who will come home with medals. Of course, the entire Philippine team deserves commendation. By earning the right to carry our nation’s colors is in itself a victory and recognition of you...Read more