Turismo tampok sa 'Kapihan sa Metro Naga Chamber'

  • May 18, 2017
  • Danilo Abad

LUNGSOD NG NAGA, Mayo 18 (PIA)—Turismo sa Camarines Sur ang paksang nangibabaw sa Kapihan sa Metro Naga Chamber na ginanap kahapon sa Sogo Hotel Naga.  

Naging panauhin sina Naga City Arts,Culture and Tourism Officer Alec Francis Santos, Ateneo De Naga University-Tourism Department chairperson Kristine Lizardo, Camarines Sur Tourism Council Chairperson Efren Daniel De Leon at Kapihan sa Metro Naga Chamber chairperson Leanne Zuniga Montemayor.

 

Tampok sa talakayan ang mga mungkahi ng mga panauhin kung paano lalong mapaunlad ang turismo sa buong Camarines Sur at Naga City.

 

Ayon kay Santos, ang turismo ay hindi lamang trabaho ng gobyerno kundi kasama na ang pribadong sektor sa paghahanap ng tamang pag-uugnayan.

 

“Kasi trabaho ng pamahalaan na siguruhin na andyan ang pangunahing pasilidad, serbisyo at seguridad ng mga bisita samantalang trabaho naman ng pribadong sektor ang pagtaguyod at pagbibigay ng tamang serbisyo at produkto sa mga turista,” ani Santos.

 

Binigyang-diin ni Santos na ang turismo ay negosyo.

 

“Makikinabang dito ang private sector na siyang dapat manguna sa pagsulong ng turismo,” ani Santos. “Ang hamon dito ay kung paano makahanap ng suporta sa lahat na stakeholders ng turismo.”

 

Inihayag naman ni Lizardo na ang turismo sa hanay ng akademya ay  “managerial.”

 

Kabilang aniya sa maraming industriya na pag-pipilian ang mga estudyante ang hotel, airline, resorts, at souvenirs.

 

Sa kanyang bahagi,  iginiit ni De Leon na “kapag may turista ay may trabaho, may kita at ginhawa.”

 

“Kasi pagbisita sa lugar ang turista ay may dalang pera na hindi na iuuwi sa kanila. Ibabayad yan sa hotel, restaurant, serbisyo, pamasahe, pambili ng pasalubong at iba pang gastusin sa paglalakbay ma makikinabang ang mga pribadong sektor.”.

 

Batay sa record ng regional office ng Department of Tourism, halos 1.3 milyong turista ang naitala sa Lungsod ng Naga noong 2016 at 900,000 naman sa Camarines Sur.

 

Ang kapihan ay sama-samang itinaguyod ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI), Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Camarines Sur Chapter at Philippine Information Agency (PIA)-Camarines Sur. (EAD/DAbad/PIA5/Camarines Sur)


Other News

Asia’s economic experts push for SMEs’ clustering to sustain PH’s economic growth
  • June 24, 2017
PASIG CITY, June 24 -- To sustain economic gains in the country, Philippine Institute for Development Studies (PIDS) Board of Trustees Alfredo Pascual urged the implementation of a cluster approach in doing business especially among small and medium enterprises.   “I think we need to promote the clustering of these enterprises so they can work closely with large anchor enterprises which can provide them with markets, production technology, and financing,” he said, adding that this strategy “will make the economic growth inclusive”.   Pascual made this statement as one of the spe...Read more
DOLE to OFWs: Verify legitimacy of recruiter
  • June 24, 2017
MANILA, June 24 -- The Department of Labor and Employment (DOLE) reminded yesterday overseas Filipino workers and job seekers to verify the status, license, and the legitimacy of placement agencies before applying for overseas employment. This is to prevent migrant workers from being victimized by illegal recruitment and human trafficking, DOLE said. DOLE enumerated various ways in checking the legitimacy of a recruitment agency before pursuing a job application. First log onto the website of Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Then check all the status of licensed r...Read more
DOST’s latest innovations for textiles to be featured at the S&T week
  • June 24, 2017
QUEZON CITY, June 24 -- Some of the country's finest and most fabulous researches on textile industry will be put in display in the upcoming 2017 National Science and Technology Week (NSTW) on July 11 to 15 at the World Trade Center in Pasay City.  During the six-day NSTW, Department of Science and Technology-Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) will show to the public the latest innovations, including technologies and products, that would help boost the country’s growing local textile industry.  Anchored by their Lab to FAB (Fabric and Beyond) concept, DOST-PTRI w...Read more
Emergency quick response in PH to get a boost
  • June 24, 2017
MANILA, June 24 (PIA) – Soon, emergency quick response in the Philippines will get a boost as the Japan International Cooperation Agency (JICA), the Department of Public Works and Highways (DPWH) and Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) have teamed up to train Filipino engineers on earthquake emergency quick response.   “The Philippine experience in recent earthquakes showed that there’s a need to build the capacity of local engineers to conduct quick inspection and evaluation of vital infrastructures after the earthquake,” said JICA Chief Representative Susumu Ito. ...Read more