Tagalog news: OrMin, tinukoy na food supplier ng bansa

  • May 15, 2017

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 15 (PIA) – Planong gawing pangunahing food production area ng kalakhang Maynila at ng buong bansa ang lalawigan ng Oriental Mindoro sa darating na mga panahon.

 

Ito ang binigyang-diin ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa kaniyang pinaka-huling pagbisita sa lalawigan kamakailan lamang.

 

Ayon kay Piñol, nakatutok ang pamunuan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa pagpapaunlad ng agrikultura partikular sa isla ng Mindoro upang maging pangunahing food supplier ng bansa. 

 

Sinabi pa ni Piñol na sa Oriental Mindoro, umaabot na sa 87,289 ektarya ang may irigasyon samantalang 16,701 ektarya naman ang umaasa lamang sa ulan bilang patubig.  Kaya lamang, nakakapag-ani lamang ng palay sa lalawigan aniya, ng 3.7 metriko tonelada sa isang ektarya kada anihan.  Mababa ito kumpara sa apat na metriko tonelada na national average, ani Piñol.

 

Binanggit din niya ang limang bahagi ng programang ipinatutupad ng kanilang tanggapan upang pataasin ang produksyon ng palay sa buong bansa. Una sa listahan ang irigasyon.  Simula 2017, libre na para sa magsasaka ang patubig mula sa National Irrigation Administration.  Bukod pa rito, ilulunsad na ang solar powered irrigation technology.  Pangalawa, kailangan aniya, na maging moderno na ang mga kagamitan sa pagsasaka tulad ng dryer, harvester at iba pa.  Ang pagpapababa sa halaga ng fertilizers ang pangatlo, pang-apat ang paggamit ng hybrid seeds at panglima, ang mabilis na pagpapautang sa mga magsasaka.

 

Ipinaalam din niya ang mga ginawa nilang amyenda sa paraan ng pagpapautang sa mga magsasaka. Nakapagsumite na aniya ang kanilang tanggpan ng panukala sa Kongreso hinggil sa Farmer’s and Fishermen’s Quick Credit Facility kung saan wala ng kailangang collateral para makautang ang mga magsasaka na myembro ng farmer at fishermen’s registry.  Hanggang P50,000 ang maximum na mauutang, ire-release ang loan sa loob ng tatlong araw samantalang lima hanggang 10 taon ang maturity ng loan.

 

Lahat, aniya, ng mga ito ay dahil sa hangarin ng Pamahalaang Nasyunal sa ilalim ng administrasyong Duterte na magkaroon ng rice sufficiency ang bansa.

 

 “Mindoro will be one of the food production areas for the DA sapagkat gusto naming manggaling dito ang ating mga pagkain.  We will be able to fulfill the commitment of the President of available and affordable food for the people," pahayag ni Piñol.  (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

 


Other News

President Duterte arrives in Russia for official visit
  • May 24, 2017
MOSCOW, Russia, May 24 -- President Rodrigo Roa Duterte arrived here on Monday, May 22, for a four-day official visit which aims to further strengthen bilateral relations with Russia. The plane carrying President Duterte and his official delegation touched down at Vnukovo International Airport at 11:18 p.m. (Moscow time). Moscow is five hours behind Manila. The President was accompanied by Cabinet members led by Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Finance Secretary Carlos Dominguez, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Agriculture Secret...Read more
Avail of DOLE’s job facilitation services
  • May 24, 2017
MANILA, May 24 -- Labor Secretary Silvestre H. Bello III encouraged jobseekers anew to make full use of the government’s employment facilitation services to ease unemployment and underemployment in the country. “We are bringing employment facilitation services closer to the public. Jobseekers may browse PhilJobNet, search for vacancies, and conveniently apply online. They may also look up the job fair schedules posted at the online portal and personally go to the job fairs in their areas,” Bello said.    PhilJobNet is the internet-based job and applicant matching system of the D...Read more
DPWH to complete P114-M bypass road project in Iloilo this year
  • May 24, 2017
MANILA, May 24 -- A new by-pass road would soon be serviceable to lessen the traffic congestion within the highly urbanized roads of Iloilo City, providing more convenient trip for local residents and tourists. The Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office 6 is presently undertaking the construction of four lanes Nabitasan – San Rafael Bypass Road in the amount of P114.461-million to shorten the travel time from Iloilo City downtown area to Benigno S. Aquino, Jr. Avenue by ten (10) to fifteen (15) minutes. The project involves the construction of 834 lineal meters...Read more
DSWD allocates additional P1B for the twice-a-day feeding program for daycare children
  • May 24, 2017
 QUEZON CITY, May 24, (PIA) – The government through the Department of Social Welfare and Development (DSWD) has allocated an additional P1 B for the pilot implementation of twice-a-day feeding program for daycare (DC) children in 450 local government units (LGUs) nationwide through its Supplementary Feeding Program (SFP).    DSWD regularly implements a 120-day feeding program which provides hot meals once a day in all LGUs nationwide to ensure that daycare children are able to consume nutritious food for their well-being. Under the regular SFP, hot meals are provided to children en...Read more