Tagalog news: Provincial Breeding Station ng OrMin, planong gawing EcoPark

  • May 14, 2017

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 14 (PIA) – Bukod sa pagiging breeding station ay plano ring  gawing EcoPark ang Provincial Breeding Station  ng lalawigan sa Brgy. Nacoco, Lungsod ng Calapan sa hinaharap.

 

Ito ang binigyang-diin ni Provincial Veterinarian Dr. Grimaldo Catapang sa isang panayam na isinagawa ng Kapitolyo Para Sa Mamamayan (KPSM) news team kamakailan.

 

Ang mga planong isasagawa sa Provincial Breeding Station ay ayon sa Master Plan na iprinesenta ni Dr. Catapang sa pagpupulong sa katatapos na Management Committee meeting.

 

Ang Master Plan ay kinapapalooban ng mga bahay para sa palahiang baboy, kambing, at kalabaw.  Itatayo rin ang artificial insemination center para sa baboy, kung saan magiging bahagi ito ng kasalukuyang nakatayo ng Liquified Nitrogen Plant na nagsisilbing imbakan ng semilya ng malalaking hayop tulad ng baka at kalabaw, kulungan ng manok at bio-gas digester para sa breeding station.

 

Samantala, makikita naman sa planong EcoPark ang forage nursery na pagkukunan ng mga damong pagkain ng mga hayop na aalagaan doon at gazebo cottages na magsisilbing pahingahan para sa mga bisitang mamamasyal.  Balak din itong taniman ng mga punungkahoy na sa lalawigan lamang makikita.  Magsisilbi rin itong kanlungan para sa lahat sa panahon ng tag- init.

 

Ang breeding station at ang Eco Park  ay magkakaroon ng kani-kaniyang entry points, opisina at gusali para sa mga nais magsanay at mag-aral sa paghahayupan.

 

Sa kasalukuyan, patuloy ang paglalagay ng bakod sa pinaplanong EcoPark at breeding station ng lalawigan.  Ito ay habang inaayos ang mga usaping legal at mga papeles tungkol sa lugar. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)


Other News

PNP, water district sign MOA to protect Isarog watershed in Bicol
  • August 17, 2017
NAGA CITY, Aug. 16 (PIA) – With its mandate to protect, manage, develop and conserve the Mt. Isarog Natural Park (MINP) in Camarines Sur, the Metro Naga Water District (MNWD) had the Naga City Police Station as its newest stakeholder in the collaboration to protect and conserve the MINP. On Aug. 7, the Naga police and the MNWD signed a memorandum of agreement (MOA) to firm up the cooperation and collaboration between the two entities.   MNWD Board Chairman Jorge T. Palma said the MOA intends to address the protection, conservation and rehabilitation of a portion of the MINP wate...Read more
Surigao delegates join global waste management confab in Bangkok
  • August 17, 2017
SURIGAO CITY, Surigao del Norte, Aug. 17 (PIA) – In an effort to gain insights and learn best practices of proper waste management abroad, Governor Sol F. Matugas led the Surigao del Norte delegation who participated in the Global Waste Management Conference 2017 in Bangkok, Thailand last August 1-2. With the theme, “Building Sustainability in an Urbanized World through Strategic Waste Management,” the International Global Waste Management Conference 2017 is the first in Asia, designed to provide a platform to address the rising issues in relation to the negative impacts of waste on h...Read more
DepEd School Building Program: A Briefer
  • August 17, 2017
PASIG CITY, Aug. 17 -- On par with the President’s directive to “Build, Build, Build”, the Department of Education (DepEd) has entered into a Memorandum of Agreement with the Department of Public Works and Highways (DPWH) to outline the strategy for the implementation of the Basic Education Facilities Fund (BEFF).   Part of the agreement was for DepEd and DPWH to jointly conduct the validation of proposed school building to determine: a) buildable spaces, b) classroom building types, and c) actual project costs. An important part of this strategy is the conduct of geo-technical...Read more
Congressman Bordado highlights achievements in State of the District Address
  • August 17, 2017
NAGA CITY, Aug. 17 (PIA) –Camarines Sur Rep. Gabriel H. Bordado Jr. (third district) delivered the first ever State of the District Address last Saturday, Aug. 12, at the Eurotel Convention Center here.   Before a well-attended gathering of local officials and civil society leaders in his district, Bordado presented a summary of his accomplishments for July 2016  to July 2017.   For his legislative work, Bordado had a perfect attendance during sessions in Congress where he was present 97 times in 97 session days.  He also authored and co-authored 93 Bills, made five manife...Read more