Tagalog news: Serbisyo Ora Mismo ng LGU Calapan, naglingkod sa bayan ng Naujan

  • April 20, 2017

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 20 (PIA) – Ang Serbisyo Ora Mismo sa ilalim ng programang Kapitolyo Para Sa Mamamayan (KPSM) ay nagbigay-serbisyo kamakailan sa mga mamamayan ng bayan ng Naujan.

 

Ang mga barangay na nabigyan ng serbisyo sa District 7 ng bayan ng Naujan ay ang Evangelista, Masagana, Metolza, Aurora, Paitan at Magtibay.

 

Pangunahing layunin ng programa ay madala ng Kapitolyo ang mga serbisyong panlipunan sa malalayo at liblib na barangay sa lalawigan.  

 

Umabot sa 1,787  katao mula sa anim na barangay ng nabanggit na distrito ang nabiyayaan ng iba’t ibang serbisyo.

 

Sa serbisyong medikal, 488 mamamayan ang nabigyan ng libreng konsultasyon.  Pinangasiwaan ang naturang gawain ng Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni Dr. Normando Legaspi, katuwang ang mga staff ng Oriental Mindoro Provincial Hospital na pinangangasiwaan ni Chief of Hospital Dr. Marpheo E. Marasigan, ang Naujan Community Hospital, gayundin ang Naujan Rural Health Unit, Philippine Academy of Family Physicians at Oriental Mindoro Medical Society.

 

Sa pamamagitan naman ng mobile dental clinic, 187 indibidwal ang libreng na-check-up at nabunutan ng ngipin.  Katuwang dito ng PHO ang Oriental Mindoro Dental Society at Philippine National Police (PNP) Regional Health Services.

 

May pansamantalang lugar na ginawan ng pharmacy kung saan 601 katao ang nabigyan ng libreng gamot samantalang 80 bata ang napakain sa libreng soup kitchen.

 

Nagbigay ng gabay sa livelihood programs ng Pamahalaang Panlalawigan at namigay ng brochure hinggil dito sa 23 indibidwal ang Investment and Enterprise Development Division ng Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO).

 

May limang indibidwal ang sumangguni sa Provincial Legal Office (PLO), 84 naman ang naging kliyente ng Philhealth, anim na barangay ang nabigyan ng butong pananim ng Provincial Agriculturist’s Office (PAgO) samantalang 42 aso ang nabakunahan kontra-rabies ng Provincial Veterinay Office (PROVET).

 

Nakapagkaloob din ng civil registration services sa 144  na indibidwal ang Philippine Statistics Authority (PSA) samantalang nagsagawa naman ng Drug Awareness Symposium ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

Pinangunahan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. ang pamamahagi ng sports equipment mula sa Office of the Governor, Special Concerns Division sa anim na barangay at sa tatlong paaralang sekondarya at anim na paaralang elemntarya. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)


Other News

ASEAN to hold first Prosperity for All Summit
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma “Joey” Concepcion III on Thursday, April 27, announced the holding of the first Prosperity for All Summit of the ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) during a press briefing held at The Conrad Manila. PA Concepcion, also the Chairman of the ASEAN – BAC, hopes to convince the more developed countries in the region to help those countries lagging behind, and for big business to give a lending hand to micro, small and medium enterprises (MSMEs). “ASEAN stands as 10 countries and it is my belief that 10 coun...Read more
KWF to launch first-ever Sebwano novel in Filipino
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Walay Igsoon, the first-ever Sebwano novel written by the first Sebwano novelist Juan Villagonzalo, will be launched by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) in this year’s Philippine International Literary Festival (PILF). Published in 1912—more than a century ago—Walay Igsoon, which means “without a brother,” is a story of two brothers who got orphaned and separated from each other because of the cruelties of the Spanish occupation—a separation that will later tear them apart as brothers because of the differences in their beliefs and in the social class t...Read more
DOLE issues pay rules for April 28 special non-working day in Metro Manila
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- The Department of Labor and Employment (DOLE) issued yesterday Labor Advisory No. 4, series of 2017 or the Payment of Wages for the Special Non-Working Day today, 28 April 2017, as the country hosts the summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) this week.  "Malacanang has declared April 28 as a non-working day in view of the ASEAN Summit meeting, but some of our workers are still required to go to work. We are issuing this pay rules advisory for the guidance and compliance of both workers and employers," Labor Secretary Silvestre Bello III said....Read more
DSWD-7 wins national awards
  • April 28, 2017
CEBU CITY, April 23 (PIA) --- The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VII under Regional Director Ma. Evelyn Macapobre took home several awards during the recently concluded DSWD Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) awarding ceremony at the Land Bank Auditorium in Ermita, Manila.  According to Regional Information Officer Leah Quintana, DSWD-7’s Social Marketing Unit (SMU)  won first place for the Gawad #DSWDMayMalasakit.   The award recognizes the proactive move of the Department through the use of social media such as Fa...Read more