Tagalog news: 16M halaga ng shallow tube well, ipinagkaloob sa bayan ng Bongabong

  • April 18, 2017

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 18 (PIA) – Umabot sa P16 milyon ang kabuuang halaga ng shallow tube well na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan at ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka ng bayan ng Bongabong kamakailan.

 

Pinangunahan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr., kasama sina Bongabong Mayor Elegio A. Malaluan at mga kinatawan ng DA ang pagkakaloob ng 189 units ng shallow tube well  na  nagkakakahalaga  ng P16,065,000.

 

Nakiisa rin sa naturang gawain si 2nd District Board Member Paulo Jean Umali at iba pang indibidwal.

 

Ayon kay Mayor Malaluan, ang naturang shallow tube well ay malaking tulong sa mga magsasaka lalo pa’t ang  pangunahing suliranin nila sa lugar ay kawalan ng sapat  na patubig sa  mga  sakahan.

 

Aniya pa, nagpapasalamat  siya sa pamahalaang nasyunal at sa pamahalaang panlalawigan dahil  sa lubos  na suporta sa kanilang bayan, lalo pa’t nakikilala na ngayon ang Bongabong bilang Organic Farm Capital ng lalawigan.

 

Sinabi naman ni Gob. Umali na kalamangan ng lalawigan sa pagkakaroon ng malalaking proyekto ang pagkakaroon ng Seal  of  Good  Local Governance (SGLG). Dahil aniya, sa pagkakaroon ng SGLG  na ito, mas  marami pang programa at proyekto ang  maaaring  makuha  ng mga bayan  sa lalawigan.

 

Samantala, malugod ding ibinalita ng punong ehekutibo na maging  ang iba pang mga bayan ay suportado rin ng pamahalaang nasyunal  kung saan  may mga malalaki ring proyektong natanggap partikular  na sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.

 

Malaking tulong rin ayon sa gobernadora, ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagsasama-sama ng  mga mamamayan at mga lider sa lalawigan kung kaya  mabilis  at  marami pang biyaya  ang natatanggap ng Oriental Mindoro.  (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

 


Other News

ASEAN to hold first Prosperity for All Summit
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma “Joey” Concepcion III on Thursday, April 27, announced the holding of the first Prosperity for All Summit of the ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) during a press briefing held at The Conrad Manila. PA Concepcion, also the Chairman of the ASEAN – BAC, hopes to convince the more developed countries in the region to help those countries lagging behind, and for big business to give a lending hand to micro, small and medium enterprises (MSMEs). “ASEAN stands as 10 countries and it is my belief that 10 coun...Read more
KWF to launch first-ever Sebwano novel in Filipino
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Walay Igsoon, the first-ever Sebwano novel written by the first Sebwano novelist Juan Villagonzalo, will be launched by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) in this year’s Philippine International Literary Festival (PILF). Published in 1912—more than a century ago—Walay Igsoon, which means “without a brother,” is a story of two brothers who got orphaned and separated from each other because of the cruelties of the Spanish occupation—a separation that will later tear them apart as brothers because of the differences in their beliefs and in the social class t...Read more
DOLE issues pay rules for April 28 special non-working day in Metro Manila
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- The Department of Labor and Employment (DOLE) issued yesterday Labor Advisory No. 4, series of 2017 or the Payment of Wages for the Special Non-Working Day today, 28 April 2017, as the country hosts the summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) this week.  "Malacanang has declared April 28 as a non-working day in view of the ASEAN Summit meeting, but some of our workers are still required to go to work. We are issuing this pay rules advisory for the guidance and compliance of both workers and employers," Labor Secretary Silvestre Bello III said....Read more
DSWD-7 wins national awards
  • April 28, 2017
CEBU CITY, April 23 (PIA) --- The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VII under Regional Director Ma. Evelyn Macapobre took home several awards during the recently concluded DSWD Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) awarding ceremony at the Land Bank Auditorium in Ermita, Manila.  According to Regional Information Officer Leah Quintana, DSWD-7’s Social Marketing Unit (SMU)  won first place for the Gawad #DSWDMayMalasakit.   The award recognizes the proactive move of the Department through the use of social media such as Fa...Read more