Tagalog news: Alkalde ng Calapan, naging tagapagsalita sa 8th East Asia Summit sa Thailand

  • March 17, 2017

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso 17(PIA) – Napiling tagapagsalita kamakailan si Calapan Mayor Arnan C. Panaligan sa katatapos na 8th East Asia Summit High-Level Seminar on Sustainable Cities na ginanap sa Chang Rai City, Thailand.

 

Ang lungsod ng Calapan ay isa sa mga lungsod na may sustainable na programang pangkalikasan sa bansa.

 

Ang naturang summit ay taunang pagtitipon ng mga eksperto at taga-likha ng mga polisiya para sa “malinis, luntian at sustenableng mga lungsod” sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asia.

 

Matatandaan na mula taong 2010, pangunahing nagtitipon ang matataas na opisyal at mga katuwang na personalidad sa pangkaunlaran ng iba’t ibang syudad sa Asya, kasama ang mga environmental at urban authorities upang makipag-talakayan at magbahagi ng mga napapanahong ideya, mga plano at rekomendasyon tungo sa lalo pang ikauunlad ng tinatawag na environmentally sustained cities in Asia-Pacific o ESCAP.

 

Sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), natukoy ang Calapan bilang isa sa apat na mga bagong syudad na may mga sustainable na programang pangkalikasan sa bansa. Ito ang nagbigay-daan upang maimbitahan sa nabanggit na okasyon at mapili ang punong lungsod na maglahad ng sitwasyon at environmental programs ng  syudad sa harap ng mga kinatawan ng mga bansa mula sa Asya.

 

Sa talumpati ni Panaligan para sa temang “The Power of Public Participation in Green Sustainable City Development: Scaling Up of Good Models,” inilahad niya ang sitwasyon ng mabilis na urbanisasyon sa Rehiyong Asya at Timog-Silangan, at kung paanong naaapektohan ng industriyalisasyon ang likas na kapaligiran at yaman, ang kabundukan, kagubatan, mga bukid at karagatan. Aniya, sa kalagayang nabanggit, higit na dapat pagsikapan at pag-ibayuhin ng mga lider ang mga programang mag-aangat sa kalalagayang pang-tao at kung paano iaangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa bawa’t bansa.

 

Ibinahagi rin ng Alkalde ang mga programang pangkapaligiran at pangkalikasan ng kanyang administrasyon gaya ng Forest Park Initiatives, Mangrove Forest Park Development, Establishment of Marine Protected Areas, Launching of Most Eco-Friendly & PRO (progressive, responsible and outstanding) Schools at mga inisyatiba para sa Green Development, kabilang na ang Urban Development Gardening at Calapan River Rehabilitation na isang pinaglalaanan ng atensyon ng kanyang pamunuan.

 

Sa kabuuan ng pagtitipon, 13 bansa sa rehiyon ang representado, kabilang ang Pilipinas kung saan dalawang syudad lamang ang naimbitahan –  Davao at ang Calapan.  Ang naturang pagdalo ni Panaligan ay patunay ng kanyang maayos na liderato na magluluklok sa Calapan bilang isa sa mga kikilalalning lungsod sa bansa sa mga darating na panahon.

 

Bukod sa mga layunin ng kalipunang ito ng environmental planners at experts at mga lider ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN, target din ang pagpapa-igting ng kooperasyon at tulungang pang-ekonomiya sa pagitan ng mga bansang ito tungo sa higit na pag-unlad at pagyabong ng relasyong pang-komersyo at pangkapayapaan sa rehiyon. (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)


Other News

DOF, DOH ink pact on Chinese grant for drug rehab/rehabilitation facilities
  • April 26, 2017
MANILA, April 26 -- The Departments of Finance (DOF) and of Health (DOH) have signed a memorandum of agreement (MOA) on the construction of drug rehabilitation facilities to be funded by a RMB 50-million yuan grant from China. The RMB 50-million yuan aid, equivalent to US$7.5 million, is half of the RMB 100-million yuan grant that China has pledged to the Philippines during President Duterte’s state visit to Beijing last October, through an Agreement on Economic and Technical Cooperation signed by DOF Secretary Carlos Dominguez III and China Commerce Minister Gao Hucheng. The Agreemen...Read more
228 Tarlac farmers now landowners
  • April 26, 2017
SAN VICENTE, Tarlac City, April 26 -- Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano led the distribution of certificates of land ownership award (CLOAs) covering 349 hectares of land to 228 agrarian reform beneficiaries (ARBs) today at Diwa ng Tarlac Convention Center here. Mariano, assisted by DAR Undersecretary for Support Services Rosalina Bistoyong and Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) Ileona Pangilinan awarded to the beneficiaries the 303 CLOAs situated in the municipalities of Anao, Camiling, Moncada, San Jose, San Manuel, Tarlac and Victoria. “The CLOAs are just the...Read more
Cordillera factions unite for peace
  • April 26, 2017
  BAUKO, MOUNTAIN PROVINCE, April 26 -- Five major rebel factions and groups in Cordillera converged here on Monday to unify their ranks towards healing and reconciliation, as they strongly pushed for Cordillera autonomy as a step towards federalism. Leaders and representatives of various Cordillera rebel factions and other groups namely the Cordillera People's Liberation Army (CPLA) and Cordillera Bodong Association (CPLA-CBA), Cordillera Peoples Alliance (CPA), Cordillera Broad Coalition (CBC), Cordillera Regional Consultative Commission (CRCC), and North Luzon Coalition fo...Read more
DepEd receives courtesy visit from Thai Minister of Education and SEAMEO Council President
  • April 26, 2017
PASIG CITY, April 26 – Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Magtolis Briones received a courtesy visit from the Minister of Education of the Kingdom of Thailand, in his official capacity as the concurrent Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Council President,His Excellency (H.E.) Teerakiat Jareonsettasin on 19 April 2017 at the DepEd Central Office (CO) in Pasig City. This meeting was part of the SEAMEO Council President’s two-day visit in the Philippines, which aimed to meet the DepEd Secretary and other DepEd Executive Committee (ExeCom) members t...Read more