Tagalog news: Mga doktor mula Amerika, nagsagawa ng medical mission sa Calapan

  • March 10, 2017

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 10 (PIA) – Sa ikalawang pagkakataon, naghandog ng isa pang medical mission ang samahan ng mga duktor mula sa bansang Amerika sa mga mamamayan ng Calapan noong nakaraang buwan ng Pebrero 2017 at ang nauna rito ay isinagawa noong Enero 2017.

 

Nagbigay muli ng libreng konsultasyon at panggagamot ang dalawang grupo ng mga duktor mula sa Amerika –  ang World Outreach Foundation ng Kansas City, na nagsagawa ng medical mission sa ikalawang pagkakataon sa lungsod noong Enero, at nito lamang Pebrero, ang isa pang team ng volunteer doctors mula sa New Jersey at Georgia.

 

Sa naunang medical mission, mahigit sa 2,000 pasyente ang nakapagpa-checkup, habang nasa 300 sa dental, at may 60 naman ang sumailalim sa major surgeries o operasyong isinagawa sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) na naging lugar ng paggagamot.

 

Samantala, nasa halos 2,000 din ang naging pasyente sa general consultations at surgeries ng ikalawang grupo na ginawa sa Catholic Center Hall ng Santo Niño Cathedral Parish, habang sa Medical Mission Group (MMG) at Ma. Estrella General Hospital naman isinagawa ang surgical operations para sa iba’t ibang kaso ng sakit.

 

Ang medical mission ay tumagal ng halos tig-isang linggo upang matugunan ang pangangailangan ng serbisyong-medikal ng mga mamamayan.

 

Naging instrumento rito si Dr. Leila Bush, isang Fil-Am na miyembro ng World Outreach Foundation at tubong-Naujan sa pagkapili sa Oriental Mindoro upang ganapin ang naunang misyon kaya naman ibayong atensyon ang naibigay sa maraming pasyente sa magkaratig na bayan ng Naujan at lungsod ng Calapan.

 

Sa pangalawang grupo naman, lubos na kinikilala ang dalawang Fil-Am doctors na parehong Calapeña sa katauhan nina Dr. Mary Rose Nieva-Ang, coordinator ng grupo at Dr. Nimfa Medina-Saunders na siyang bumuo sa kanilang team upang makapaglingkod sa mga mamamayan.  (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

 


Other News

President Duterte arrives in Russia for official visit
  • May 24, 2017
MOSCOW, Russia, May 24 -- President Rodrigo Roa Duterte arrived here on Monday, May 22, for a four-day official visit which aims to further strengthen bilateral relations with Russia. The plane carrying President Duterte and his official delegation touched down at Vnukovo International Airport at 11:18 p.m. (Moscow time). Moscow is five hours behind Manila. The President was accompanied by Cabinet members led by Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Finance Secretary Carlos Dominguez, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Agriculture Secret...Read more
Avail of DOLE’s job facilitation services
  • May 24, 2017
MANILA, May 24 -- Labor Secretary Silvestre H. Bello III encouraged jobseekers anew to make full use of the government’s employment facilitation services to ease unemployment and underemployment in the country. “We are bringing employment facilitation services closer to the public. Jobseekers may browse PhilJobNet, search for vacancies, and conveniently apply online. They may also look up the job fair schedules posted at the online portal and personally go to the job fairs in their areas,” Bello said.    PhilJobNet is the internet-based job and applicant matching system of the D...Read more
DPWH to complete P114-M bypass road project in Iloilo this year
  • May 24, 2017
MANILA, May 24 -- A new by-pass road would soon be serviceable to lessen the traffic congestion within the highly urbanized roads of Iloilo City, providing more convenient trip for local residents and tourists. The Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office 6 is presently undertaking the construction of four lanes Nabitasan – San Rafael Bypass Road in the amount of P114.461-million to shorten the travel time from Iloilo City downtown area to Benigno S. Aquino, Jr. Avenue by ten (10) to fifteen (15) minutes. The project involves the construction of 834 lineal meters...Read more
"No helmet, no travel policy" strictly implemented in Catanduanes town
  • May 24, 2017
VIRAC, Catanduanes, May 22 (PIA) -- The Philippine National Police (PNP) San Andres has since within this month strictly enforced the “No Helmet, No Travel” policy in the municipality to prevent serious head injuries and worst, death among riders of motorcycles in time of accidents.   According to PNP San Andres acting chief of police  SInsp. Jonnel N. Averilla, the implementation is pursuant to Republic Act 10054 known as “Motorcycle Helmet Act of 2009”, an act mandating all motorcycle riders to wear standard protective motorcycle helmets while driving.   He further...Read more