Tagalog news: Rehabilitasyon ng Calapan River patuloy na isinasagawa

  • March 09, 2017

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso 9 (PIA) – Patuloy ang isinasagawang rehabilitasyon ng Calapan River partikular sa bahagi ng Brgy. Lalud patungong Brgy. Camilmil sa pamamagitan ng pagpapalalim nito bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan.

 

Ito ay isinasagawa ng pamahalaang lungsod ng Calapan bilang priority project ngayong summer.

 

Kasama rin sa programa ang dredging at ang pag-aalis ng mga sagabal na halaman tulad ng water lilies at sasa na sumasakop na sa daanan ng tubig at pumipigil sa maayos na daloy ng tubig sa ilog patungong Calapan Bay.

 

Ang paglilinis at rehabilitasyon ng nasabing ilog ay isa sa mga solusyon na nakapaloob sa Drainage Master Plan na inihain ng grupo ng engineers at consultants na katuwang ng Pamahalaang Lungsod upang masolusyunan ang mga pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod.

 

Ayon kay sa alkalde ng siyudad, Arnan C. Panaligan, matagal na niyang programa ito dahil napakahalaga ng maintenance ng Calapan River bilang kahandaan sa biglang pagragasa ng tubig tuwing tag-ulan na nagdudulot ng pagbaha sa mabababang lugar.

 

Dahil dito, hinihikayat ng punung-lungsod ang mga mamamayan na huwag magtapon ng kahit anong basura sa ilog na nagiging dahilan ng pagbabara nito, gayundin ng mga pangunahing daanan ng tubig o waterways.

 

Dagdag pa niya na sana ay pairalin ng mga taga-Calapan ang pagiging disiplinadong mamamayan at magtulungan para sa mas ikauunlad ng lungsod.  Aniya, bagama’t lubhang matrabaho at kailangan ng puspusang maintenance ang rehabilitasyon ng Calapan River, pinagsisikapan naman itong gampanan ng pamahalaang lokal upang mapanatili ang magandang imahe na ibibigay nito sa syudad sa pangkalahatan, bukod sa malaking bentahe para sa turismo ng Calapan kapag tuluyan nang nalinis at napaganda ang kahabaang-baybayin makasaysayang Calapan River.  (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

 


Other News

DAR, LBP to go automated land amortization collection
  • March 24, 2017
QUEZON CITY, March 24 -- Good news for agrarian reform beneficiaries (ARBs). They will be spared from the tedious process of accomplishing payment slips for annual land amortization as the Department of Agrarian Reform (DAR) has gone high-tech, availing itself of the SIM-based wireless point of sale-type mobile automated collection system. Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano said the device works conveniently for the ARBs as they only need to hand to the field collectors of the Land Bank of the Philippines (LBP) their annual land amortization dues and they will be provided receipts rig...Read more
DOLE assures labor on D.O. 174
  • March 24, 2017
MANILA, March 24 -- Labor Secretary Silvestre H. Bello III assured various labor groups that the labor department will strictly enforce the new department order which imposes a total ban on labor-only contracting and other forms of unlawful contractual arrangements.   “Kahit na anong ganda ng order, kung sa implementasyon eh walang saysay, wala ring mangyayari dyan. That’s why I am deputizing you [labor groups] to inspect various establishments for their compliance with the new department order,” Bello said addressing workers picketing at the DOLE office in Manila.   He sa...Read more
Briones emphasizes women's role in bringing positive changes
  • March 24, 2017
PASIG CITY, March 24 --  “Women should be active drivers in bringing about positive changes and that they should also reap from development efforts.”   This was the statement of Education Secretary Leonor Briones in an issued Memorandum No. 52 s. 2017 in line with the celebration of March as Women’s Month this year.   With the theme, “We Make Change Work for Women,” the month-long celebration aims to empower women and encourage them to engage in developmental activities, particularly in the implementation of Magna Carta for Women as one of the directives of the Preside...Read more
Bautista encourages QC women to become entrepreneurs
  • March 24, 2017
QUEZON CITY, March 24 (PIA)--Mayor Herbert Bautista encouraged women in Quezon City to become entrepreneurs.   “Creating more entrepreneurs is one of the key solutions to address the lack of employment opportunities in the city,” Bautista said during the Quezon City Women Entrepreneur’s Forum recently held at the Quezon City Performing Arts Theatre.   The mayor said that he is determined to provide more economic opportunities to women in QC in a bid to encourage them to become entrepreneurs.    He also underscored the need to teach women, especially homemakers, how ...Read more