Tagalog news: Natural closed season sa 'Reef-Fish-For-Food', ipatutupad sa Taytay, Palawan

  • April 18, 2017

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 18 (PIA) --- Magkakaroon na ng natural closed season sa ipinatutupad na Administrative Order No. 5 series of 2014 ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) o ang open and closed season ng Reef Fish-for-Food (RFF).

 

Ito ang isa sa mga usaping napagkasunduan sa isinagawang diyalogo kamakailan sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pangunguna ni Gob. Jose Chavez Alvarez, pamunuan ng PCSD, Lokal na Pamahalaan ng Taytay, Palawan sa pamumuno ni Mayor romy Salvame at ng mga miyembro ng Pinag-isang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya-Palawan Chapter sa pangunguna ni Fernando Buante.

 

Ang nasabing natural closed season ay ipatutupad lamang sa bayan ng Taytay, Palawan mula buwan ng Nobyembre hanggang Marso kada taon kung saan ito ang panahon na malakas ang hanging amihan at hindi makapangisda ang mga tao sa nasabing bayan.

 

Ang Administrative Order No. 5 series of 2014 ng PCSD ay ipinapatupad upang mapangalagaan ang industriya ng buhay-buhay sa Palawan.  Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang pagkaubos ng buhay-buhay o live fish dulot ng malabisang pangingisda o over fishing.

 

Kasama rin sa napagkasunduan ang pagbuo ng task force sa bawat barangay na tututok sa paghuli sa mga mangingisda na nagsasagawa ng mga iligal na paraan ng pangingisda tulad ng paggamit ng sodium cyanide at dinamita sa mga karagatang sakop ng munisipyo ng Taytay at iba pang karatig bayan nito.

 

Ipinaabot din ni Gob. Alvarez na ang pamahalaang panlalawigan ay maglalaan ng Php5 milyong pondo na gagamitin bilang educational trust fund na ipapahiram sa mga apektadong mangingisda para sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng kanilang mga anak.  Ang pangangasiwa ng naturang pondo ay ilalagak sa pamahalaang bayan ng Taytay sa ilalim ng tanggapan ng Punong Bayan.

 

Samantala, nilinaw ng Gobernador na bago maipatupad ang kasunduan ay kinakailangan muna niyang humingi ng pahintulot sa Sangguniang Panlalawigan para sa legal na proseso ng pagbalangkas ng kasunduan.

 

Ang nasabing diyalogo ay dinaluhan ng mahigit 1,000 miyembro ng Pamalakaya-Palawan Chapter. (PIO/OCJ-PIA MIMAROPA, Palawan)


Other News

La Union prides itself on being PGS Compliant, Silver Trailblazer awardee  
  • June 27, 2017
SAN FERNANDO CITY, June 27 (PIA) – After months of implementation, the Provincial Government of La Union (PGLU) received the governance medallion for its Performance Governance System (PGS) Compliance Stage and the Silver Trailblazer Award during the Public Revalida conducted by the Institute for Solidarity in Asia (ISA) on June 21.   The adoption of the PGS fostered transformation and instilled positive change in the province and facilitated the translation of the province’s governance charter to actionable strategies and commitments leading to breakthrough results.   Geared...Read more
DepEd, partners conduct Psychological First Aid for displaced Marawi teachers, personnel
  • June 26, 2017
CAGAYAN DE ORO CITY, June 26 – A total of 44 public school teachers and personnel form Marawi City were among the first to receive Psychological First Aid (PFA) conducted by the Department of Education (DepEd) and its partners from June 20 - 22, 2017 at the National Educators Academy of the Philippines (NEAP) Region 10 in Cagayan de Oro City. Reaffirming Education Secretary Leonor Magtolis Briones’s commitment to help and assist all affected learners, teachers and other DepEd personnel in re-establishing a sense of normalcy, DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) D...Read more
Report establishments that refuse to give Senior Citizen privileges-Angeles
  • June 26, 2017
TARLAC CITY, June 26 (PIA) -- Mayor Cristy Angeles encouraged the elderly to report establishments that refuse to give Senior Citizen privileges.   In her speech during the recently concluded Federation of Senior Citizens Association of the Philippines Leadership and Records Management Training and Seminar, Angeles reiterated that the city government strictly implements the privileges and benefits for the senior citizens as mandated by Republic Act 9994 or the Expanded Senior Citizens Act of 2010.   “According to RA 9994, senior citizens shall be entitled to 20% discount and ex...Read more
Feature: Burned public school regains strength
  • June 26, 2017
CURRIMAO, Ilocos Norte, June 26 (PIA) – Faces of grief and hopelessness dominate after Currimao National High School (CNHS) burned into ashes, leaving the school with a ruined administration building, damaged equipment and facilities, and disappeared school records that teachers and officials took years to complete.   It was in December 2016 when a huge fire destroyed the school community that was established in a little village in Currimao, Ilocos Norte, no less than five minutes from the town’s municipal hall.   CNHS had lost an estimated damage of P2.7 million in their sch...Read more