Tagalog news: Mga hinaing ng magniniyog sa Palawan, dininig sa isang forum

  • March 09, 2017

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 9 (PIA) --- Mahigit 100 magniniyog o coconut farmer sa lalawigan ang dumalo sa isinagawang Coconut Industry Stakeholders Consultative Forum kamakailan sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusaling Kapitolyo sa pangunguna ng Philippine Coconut Authority (PCA) katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan.

 

Ang nasabing bilang ng mga magsasaka ng niyog ay nagmula sa mga bayan ng Roxas, El Nido, Balabac, Rizal, Española, Quezon, Aborlan, Brooke’s Point at Bataraza.  

 

Layon ng forum na ito na makuha ang mga saloobin at suhestiyon ng mga magniniyog sa pagpapaunlad ng industriyang ito sa Palawan.

 

Isa sa mga hiniling ng magniniyog sa Palawan ay ang scholarship grant para sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Ang kahilingan ito ay nakapaloob na sa panukalang Palawan Coconut Industry Development Road Map na iprinisenta ng pamahalaang panlalawigan sa PCA.

 

Ayon kay Dr. Myrna O. Lacanilao, hepe ng Livelihood Management Unit, naturang road map ay naglalaman ng mga plano ng lokal na pamahalaan para sa pagsusulong at pagpapaunlad ng industriya ng niyog sa Palawan.

 

Kabilang din dito ang kahilingan ng pamahalaang panlalawigan sa PCA na karagdagang dalawang  milyong coconut seedlings na ipamamahagi sa mga magsasaka ng niyog sa bahaging norte ng lalawigan.

 

Matatandaan na noong taong 2016 ay una nang pinagkalooban ng PCA ang Palawan ng isang milyong coconut seedlings na naipamahagi sa mga magsasaka sa bahaging sur ng Palawan.

 

Base sa datos, umaabot sa mahigit 136,000 na ektarya ang natamnan na ng puno ng niyog sa buong lalawigan at inaasahang madadagdagan pa ito ngayong taon.  

 

Samantala, tinalakay din sa forum ang iba’t-ibang paksa tulad ng malawakang pagtatanim at re-planting ng niyog, rural industrialization at financing scheme.  

 

Bukod dito, iprinisenta naman ng Livelihood Manegement Unit ng pamahalaang panlalawigan ang mga sa mga produktong mula sa niyog tulad ng copra, coconut flour, cooking oil, buko water drink, handicraft, coco vinegar, coco sugar, toyo at iba pa na maaaaring pagkakitaan ng mga magsasaka. 

 

Mismong si PCA Administrator Avelino L. Andal ang nanguna sa pagdinig ng mga hinaing ng mga magsasaka ng niyog sa Palawan. Tiniyak nito na bukod sa scholarship grant ay mabibigyan din ng iba pang benepisyo ang mga anak ng mga magsasaka ng niyog tulad ng health insurance na maari magamit sa oras na kailanganin nila ito.

 

Nagpasalamat si Andal sa pamahalaang panlalawigan at umaasa ito na sa patuloy na pagtutulungan ng kanyang ahensiya at ng pamahalaang panlalawigan ay mas mapapaunlad ng husto ang industriya ng niyog sa Palawan sa pamamagitan ng mga pangkabuhayan mula sa mga produkto nito. (PIO/OCJ-PIA MIMAROPA, Palawan)


Other News

Emergency quick response in PH to get a boost
  • June 24, 2017
MANILA, June 24 (PIA) – Soon, emergency quick response in the Philippines will get a boost as the Japan International Cooperation Agency (JICA), the Department of Public Works and Highways (DPWH) and Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) have teamed up to train Filipino engineers on earthquake emergency quick response.   “The Philippine experience in recent earthquakes showed that there’s a need to build the capacity of local engineers to conduct quick inspection and evaluation of vital infrastructures after the earthquake,” said JICA Chief Representative Susumu Ito. ...Read more
Feature: The Bohol Bee Farm Story
  • June 24, 2017
“It started with a dream.” Victoria Sandidge vividly recalls how it all began as she looks back with fondness on how a budding business she started about 15 years ago has since turned into a thriving entrepreneurial venture it is today. She owns and manages the Bohol Bee Farm Resort, a booming eco-tourist destination ensconced in a wooded coastal enclave that not only offers idyllic look and feel of tropical countryside living but also provides a kind of service that lends itself to organic,  sustainable lifestyle and work environment. Located on Panglao Island, Bohol, th...Read more
DOLE issues pay rules for Eid’l Fitr, a regular holiday
  • June 24, 2017
MANILA, June 24 (PIA)--Labor Secretary Silvestre Bello III reminded private sector employers to pay their workers correctly and observe applicable pay rules on June 26, Eid’l Fitr, a regular holiday.    “As the Filipino nation unites with the Muslim community in celebration of the Feast of Ramadhan, we are reminding employers to comply with general labor standards, particularly with the proper payment of wages,” Bello said.   Pursuant to Proclamation No. 235 issued by President Rodrigo R. Duterte, Secretary Bello issued Labor Advisory No. 8, Series of 2017 prescribing the ...Read more
Hiligaynon news:  DSWD ginahimo ang tanan agud masabat ang krisis sa Marawi
  • June 24, 2017
Manila, Hunyo 23, (PIA6) – Ang  Department of Social Welfare and Development (DSWD) nagsiling nga ini nakagasto na sang   P294 milyones sa pagkaon, mga indi pagkaon,  iban pa kag cash nga dugang agud masabat ang pagkinahanglan sang mga pamilya nga na apektuhan sang krisis sa Marawi.   Bilang chair sang  Response Cluster, si DSWD Secretary Judy Taguiwalo nagsiling nga ang DSWD amo ang gintugyanan nga maghatag sang pagkaon kag mga indi pagkaon nga mga bagay kag koordinasyon sa kampo kag ang pagdumala sang mga nag bakwit.  Sang Hunyo 21, may mga 69,434 ka mga pamilya ang napahalin...Read more