Tagalog news: Mga aktibidad sa pag-obserba ng ‘Rabies Awareness Month’ isinasagawa sa Palawan

  • March 09, 2017

PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 9 (PIA) --- Iba’t-ibang aktibidad ang isinasagawa ngayong Marso ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ng pamahalaang panlalawigan kaugnay ng pag-obserba ng Rabies Awareness Month.

                

Ang pagsisimula ng ‘rabies awareness month’ sa Palawan ay isinagawa sa Bayan ng Brooke’s Point kamakailan sa pamamagitan ng isang motorcade na sinundan ng maikling programa at rabies awareness forum na ginanap sa Octagon Covered Plaza ng nasabing bayan.  Dinaluhan naman ito ng mga kawani ng lokal na pamahalaan tulad ng Municipal Agriculture Office at Municipal Health Office gayon din ang mga representante mula sa Provincial Health Office, Philippine National Police-Palawan Provincial Police Office, Rescue 165, DepEd-Palawan, mga guro at mga estudyante.

 

Ayon kay Dr. Benito del Rosario, Supervising Veterinarian ng ProVet, ang pagsasagawa ng naturang gawain ay hiniling mismong ng alkalde ng bayan ng Brooke’s Point.

 

Base sa talaan ng ProVet, ang bayan ng Brooke’s Point ang may pinakamataas na bilang ng aso o dog population sa buong lalawigan.

 

Samantala, sa araw ding iyon ay isinagawa sa mga barangay ng nasabing bayan ang pagbabakuna sa mga alagang aso laban sa rabies at pagpupurga sa mga baka at kalabaw na pinangunahan ng ProVet katuwang ang mga Barangay Veterinary Aide.

 

Nakatakda ring magsagawa ng malawakang pagbabakuna laban sa rabis ang ProVet sa Marso 6-10 sa barangay Rio Tuba sa Bataraza; sa Marso 13-17 sa bayan ng Quezon; at sa Marso 20-24 sa bayan muli ng Brooke’s Point.          

 

Ayon pa kay Dr. del Rosario, inaasahan nila ang kooperasyon ng mamamayan ng Palawan sa mga gagawing aktibidad para sa patuloy na pagsugpo sa rabies sa buong lalawigan. Hangad aniya ng pamahalaang panlalawigan na maideklarang rabies-free ang buong lalawigan ng Palawan sa darating na panahon. (PIO/OCJ-PIA MIMAROPA Palawan)


Other News

ASEAN to hold first Prosperity for All Summit
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma “Joey” Concepcion III on Thursday, April 27, announced the holding of the first Prosperity for All Summit of the ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) during a press briefing held at The Conrad Manila. PA Concepcion, also the Chairman of the ASEAN – BAC, hopes to convince the more developed countries in the region to help those countries lagging behind, and for big business to give a lending hand to micro, small and medium enterprises (MSMEs). “ASEAN stands as 10 countries and it is my belief that 10 coun...Read more
DOLE issues pay rules for April 28 special non-working day in Metro Manila
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- The Department of Labor and Employment (DOLE) issued yesterday Labor Advisory No. 4, series of 2017 or the Payment of Wages for the Special Non-Working Day today, 28 April 2017, as the country hosts the summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) this week.  "Malacanang has declared April 28 as a non-working day in view of the ASEAN Summit meeting, but some of our workers are still required to go to work. We are issuing this pay rules advisory for the guidance and compliance of both workers and employers," Labor Secretary Silvestre Bello III said....Read more
KWF to launch first-ever Sebwano novel in Filipino
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Walay Igsoon, the first-ever Sebwano novel written by the first Sebwano novelist Juan Villagonzalo, will be launched by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) in this year’s Philippine International Literary Festival (PILF). Published in 1912—more than a century ago—Walay Igsoon, which means “without a brother,” is a story of two brothers who got orphaned and separated from each other because of the cruelties of the Spanish occupation—a separation that will later tear them apart as brothers because of the differences in their beliefs and in the social class t...Read more
Feature: Technological innovation can be affordable for PH - PIDS
  • April 28, 2017
In a world where everything is fast-paced because of advancement brought by technology, companies have to think about different ways to cope up. Fortunately, it doesn’t always have to be costly. While research and development (R&D) is crucial in maintaining competitiveness in the industry and sustaining economic growth, not all technological innovations are born out of it, according to a study published by state think thank Philippine Institute for Development Studies (PIDS). A discussion paper by Fatima Lourdes E. del Prado and Maureen Ane D. Rosellon, former research specialist and s...Read more