Quezon, hindi naiiwan pagdating sa kaunlaran at industriyalisasyon -RDC

  • March 14, 2017
  • Ruel M. Orinday

LUCENA CITY, Quezon, March 14 (PIA)- Nilinaw  ni Regional Development Council Vice Chairperson NEDA Director Luis Banua sa idinaos na press conference sa lungsod na ito kamakailan na hindi naiiwan ang lalawigan ng Quezon pagdating sa kaunlaran at industriyalisasyon.

 

Ayon kay Dir. Banua may  mga  programang inihahanda ang  National Economic Development Authority (NEDA) para sa lalawigan katulad ng pagpapasigla ng turismo  gayundin ang  paglalagay ng mga processing plant dahil kilala ang lalawigan ng Quezon bilang agricultural land o may malaking lupaing agrikultural

Ayon pa sa ibang mga mga opisyal ng RDC na dumalo sa press conference, mas malaki ang kikitain ng mga magsasaka kung ang kanilang mga produkto ay dadaan sa processing plant.

Inihayag naman ni Dir. Maria Zenaida Campita ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region-4A ang kanilang ibinigay na tulong sa mga bayan sa Quezon kagaya ng pagpapaunlad ng proyektong coco-sugar  production sa bayan ng Alabat  na malaki ang naitutulong sa mga magsasaka ng niyog upang kumita sa paggawa ng coco-sugar at iba pang mga produkto mula sa niyog.

Samantala, ipinagmalaki naman ni Quezon Governor  David “Jayjay” C. Suarez ang Quezon’s First 1000 Days of Life o Q1K Project, na sa kasalukuyuan ay nasa tatlong taon na itong ipinatutupad sa lalawigan ng Quezon

Sa tulong at suporta ng mga opisyal mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan, ang nasabing proyekto ay nagkaroon na ng pagkikilala mula sa UNICEF Foundation na kung saan ay nagkaroon rin ng kolaborasyon ang organisasyon sa lokal na gobyerno sa pagbuo ng mga aklat at modyul tungkol sa Q1K project na naglalayong mas makapagbigay tulong at impormasyon sa mamamayan o mga nagbubuntis.

Samantala isa  rin sa sa binigyang pansin at isinulong ng council ay ang kahilingan sa nasyunal na pamahalaan na agad ng pasimulan ang TR4 o extension ng South Luzon Expressway mula sa Sto. Tomas, Batangas hanggang sa Lucena City. (GG/Ruel Orinday/ PIA-Quezon/ may ulat mula sa Quezon PIO)


Other News

DAP forges partnership with American universities
  • March 31, 2017
 MANILA, March 31 -- The Development Academy of the Philippines, through its Institutional Marketing Center, has forged partnerships with two American universities in its effort to explore and create partnerships with academic institutions in the United States while strengthening relations with similar groups and organizations in general.   This was done through memorandums signed during the US visit of DAP President Antonio Kalaw Jr. and IMC Managing Director Merliza Makinano, with a memorandum of agreement being forged with American University in Washington, D.C., and a memorandum o...Read more
SSS to release P71M for P1,000 benefit under special cases
  • March 31, 2017
QUEZON CITY, March 31 --  State-run Social Security System on Thursday said it has released about P71.84 million to its partner banks for the P1,000 additional benefit of the first batch of pensioners under special cases.   SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc said that the first batch of the pensioners under the special cases may withdraw their additional P1,000 benefit on Friday, Mar 31.   “We are glad to announce that some 41, 000 pensioners under the special cases may withdraw their additional P1,000 benefit for the months of January to March on Frid...Read more
44 barangays in Iligan city conduct barangay assembly
  • March 31, 2017
ILIGAN CITY, March 31 (PIA)—Barangays in Iligan city have complied the mandatory conduct of Barangay Assembly for the first semester set March 25 this year.   According to Elizabeth Buna, local government operations officer of the Department of Interior Local Government (DILG) Iligan City, all the 44 barangays in the city have joined the nationwide Barangay Assembly Day.   Buna said, through this Assembly, barangay constituents would be informed on how barangay officials are spending barangay funds, and this is the proper venue to discuss community concerns. The punong barang...Read more
QC opens animal bite treatment center in Batasan
  • March 31, 2017
QUEZON CITY, March 31 (PIA)--Quezon City Mayor Herbert Bautista recently opened a satellite animal bite treatment center in Barangay Batasan Hills.   The newly-inaugurated center now brings to two the number of animal bite facilities maintained by the QC government. The other animal bite center is located at QC Hall.   The Batasan animal bite treatment center provides at least four free post-exposure treatments to animal bite patients.   Bautista, in his speech, underscored the importance of establishing additional animal bite centers for rabies prevention and control. ...Read more