Tagalog news: “Biyaheng Bukid” ni DA Sec. Pinol, hatid ay mga programang pang-agrikultura sa Batangas

  • August 11, 2017

LUNGSOD NG BATANGAS, Agosto 11 (PIA) –Iba’t ibang mga programang pang-agrikultura ang hatid ni Department of Agriculture (DA) Sec. Manny Pinol sa pagbisita sa lalawigan ng Batangas sa ilalim ng programang “Biyaheng Bukid.”

 

Sa pamamagitan ng DA Regional Field Unit IV-A, pinangunahan ni Sec. Pinol ang pagkakaloob ng P1.4M sa pamahalaang lungsod ng Tanauan bilang pambili ng refrigerated van. Sa ilalimg ng programang “Agri-Pinoy Trading Center-Transport Facility,” ang van magsisilbing transport facility sa paghahatid ng mga produktong agricultural ng lungsod sa mga pinagbabagsakan institusyon at pambulikong pamilihan.

 

Binisita din ni Sec. Pinol ang kasalukuyang ginagawang palengke, bagsakan at ang Triple A (AAA) slaughterhouse na matatagpuan sa barangay Sambat. Tanauan City.

 

Matapos ang pagbisita sa Tanauan, dumalo si Sec. Pinol sa “Tapatan: Gobyerno at Mamamayan,” isang dayalogo sa pagitan ng mga punumbayan at punonglungsod at samahan ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan sa STIARC, barangay Marawoy, Lipa City.

 

Mahigit P100M farm equipment ang ipinamahagi na personal na tinanggap ng mga mayors ng iba’t-ibang bayan sa lalawigan.

 

Sa panayam kay Pinol, sinabi nito na ang pakikipag-ugnayan sa mga nasa sektor ng agrikultura ay pinangungunahan na ng kanilang departamento dahil ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa mga mahiyaing grupo at dapat ay magsimula sa DA ang inisyatibo.

 

‘Ang pagbisita ko sa Batangas ay dapat matagal ng nagawa noong isang taon pa talaga ang schedule ko ditto, ngunit naging sobrang tight ng aking schedule kaya ngayon lang naisakatuparan. Pero natutuwa ako sa positive responses ng ating mga magsasaka at mangingisda lalo na sa reaksyon ng ating mga magsasaka na ang pamahalaan pala ay maaaring gumalaw ng mabilis,”ani Pinol.

 

Ilan sa mga naging paksa ay ang pagbibigay-tuon sa pagpapayaman ng industriya ng gatas at paghahayupan. Sinabi ng Kalihim na iisang porsiyento ng dairy requirements ng bansa ang napupunuan ng ating lokal na paghahayupan samantalang 99 porsyento ang inaangkat pa sa ibang bansa.

 

Isang magsasaka mula sa Sto. Tomas ang nagbigay ng ulat ukol sa kagustuhang mapataas ang antas ng pagtatanim ng bawang at sibuyas sa kanilang lugar kung saan ilang magsasaka na ang gumagawa nito.

 

Binanggit ni Pinol na ang dapat lamang na mawakasan ang monopolya sa bawang kung kaya’t 100 porsyento niyang suportado ang mga magsasakang nagtatanim nito.

 

Hinikayat pa nito ang mga magsasaka na gumamit ng hybrid seeds dahilan sa kahit malaki ang gastos ukol dito ay malaki din ang kita at mas mataas ang kalidad ng produktong mula ditto.

 

Bukod dito, tinalakay din ni Pinol ang ilan sa mga programa ng kanilang ahensiya tulad ng municipal multiplier farm kung saan parang “iwi system.” Sa isang lugar lamang maaaring alagaan ang mga hayop tulad ng baka at hindi ito maaring iwan sa mga magsasaka.

 

May tatlong bagay din na tinututukan ang DA upang mas mapataas ang antas ng kanilang programa tulad ng: teknolohiya na kinapapalooban ng pag-alam ng soil nutrient at uri ng abono sa isang uri ng lupa; pagkakaroon ng solar powered irrigation at paggamit ng hybrid seeds; financing kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka at mangingisda na mangutang na walang collateral at babayaran sa loob ng dalawang taon; at ang marketing kung saan nagtatatag ng bagong marketing system.

 

Ilan pa sa mga programa ng ahensiya ang patuloy na pagwawaksi ng korapsyon kaya’t binigyang diin niya ang mga scams gayundin ang pagmamadaling gastusin ang pera upang di madelay ang proyekto para sa sektor ng agrikultura, pagpapaigsi ng procurement process. (Bhaby P. De Castro, PIA-Batangas)

 

 

 


Other News

DepEd, other agencies participate in the HDPR Community Forum and Serbisyo Caravan
  • August 21, 2017
PASIG CITY, Aug. 21 – To ensure that students, parents, and other stakeholders have the necessary information on its priority programs and projects, the Department of Education (DepEd) participated at the Community Forum and Serbisyo Caravan held on 12 August 2017 at the Commonwealth Elementary School in Quezon City.   With the theme, Edukasyon, Kalusugan, at Proteksyon, this inter-agency initiative aimed to bring government services directly to the people from the various government agencies under the Human Development and Poverty Reduction (HDPR) Cabinet Cluster.   The ...Read more
DepEd inks pacts with educ partners, receives donations for learners
  • August 21, 2017
PASIG CITY, Aug. 21 – Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Magtolis Briones expressed her gratitude toward various education partners for always putting high value and extending help and assistance to the education sector.   The Education Chief conveyed this during the ceremonial turnover of donations for learners and signing of Memorandum of Agreements (MOA) with DepEd partners on 10 August 2017 at the Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office in Pasig City.   “DepEd is feeling very blessed and spoiled because we are always number one whenever a business in...Read more
ALC Foundation celebrates World Bamboo Day with ​​‘Camp Kawayan’ bamboo planting event
  • August 21, 2017
  Got nothing to do this September? Are you looking for an exciting adventure with a cause for your family and squad? Join Kawayanihan 2017: Camp Kawayan and be a bamboo warrior!   In celebration of World Bamboo Day 2017, ALC Foundation is organizing a bamboo planting trail dubbed as “Camp Kawayan” under its Kawayanihan project. The half-day event hopes to gather around 2,000 volunteers from Metro Manila, Central Luzon, and South Luzon along the riverbanks of San Mateo, Rizal (starting from Dulongbayan 1) on 23 September 2017, 6 am onwards.   It is hoped that this uni...Read more
Exclusive breastfeeding campaign continues in CDO
  • August 21, 2017
CAGAYAN DE ORO CITY, Aug. 21 (PIA) – In an episode of Talakayan sa PIA on 15 August 2017, Department of Health (DOH) region 10 explained the importance of mothers giving exclusive breastfeeding to their newborn up to six months. This is a crucial stage wherein a mother’s milk is what the baby needs and nothing else. Apart from that, this is where the baby gets all the nutrients and immunity to survive the world outside the womb. Gilda Ajoc, Baby Friendly Hospital Initiative Program Coordinator of DOH region 10 shared that some mothers might think that they don’t have the milk or ...Read more