Pagpapalakas ng samahan ng media at gobyerno, isinusulong ng PCOO

  • July 11, 2017

LUNGSOD NG BATANGAS, Hulyo 11 (PIA)-Patuloy ang pagsusulong ng pamahalaan ng mga programang makakapagpalakas sa samahan ng media at gobyerno.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Jose Ruperto Martin Andanar sa isang panayam ng Radyo Totoo Balita sa Batangas ngayong araw.

“Ginagawa ng administrasyong Duterte ang lahat upang maipahatid at maipaabot sa mga kababayan natin ang lahat ng programa ng pamahalaan. Sa loob ng isang taon maraming mga accomplishments ang maituturing na nakikitang tagumpay tulad ng kampanya kontra droga kung saan may 1.3 milyong katao ang sumuko at nais magbagong buhay. Bunsod nito tumaas ang halaga ng droga sa merkado kaya’t hindi na basta basta lamang ito maa-avail ng ordinaryong tao. Namahagi din ng mahigit 24,000 ektarya ng lupain para sa mga magsasaka; ang pagkakaroon ng peace talks sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF; $35-$46B halaga ng proyekto sa ilalim ng Build,Build,Build program;mga subway projects at ang pagsisimula ng konstruksyon para sa mga tulay na magdudugtong sa Bohol,Cebu at Leyte sa 2018.”, ani Andanar.

Sa usapin naman ng pagpapalakas ng samahan ng media at pamahalaan kasama ang publiko, napagtibay ang Executive Order No. 2 o Freedom of Information Bill kung saan nagbibigay kapangyarihan ito upang buksan ang libro ng Executive Department at mga ahensya sa ilalim nito at alamin kung saan napupunta ang ginagastos na pera ng pamahalaan. Isinusulong nito ang pagkakaroon ng gobyernong walang korapsyon at nakakapagbaba ng programa at proyekto lalo na sa maliliit na Pilipino.

Binanggit pa ni Andanar ang kanilang revitalization ng Philippine News Agency kung saan sa darating na Setyembre ay magsisimula na din ang radio at tv program nito.

Ang Philippine Information Agency naman na direktang bahagi din ng PCOO ay naatasang siyang magsagawa ng on-ground communication katuwang ng online,on air at on print strategies ng ahensya upang mas mapabilis ang pagpapalaganap ng mga impormasyong dapat malaman ng mga tao.

Bagamat maraming tinukoy na accomplishments, hindi itinatanggi ni Andanar na may kakulangan pa rin ang gobyerno tulad ng pagbibigay solusyon sa trapiko sa Metro Manila at aminado itong hindi ito kayang solusyunan sa loob ng magdamag lamang dahil isang kumprehensibong pagpaplano ang kailangan dito katuwang ang iba pang national agencies tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Agriculture (DA), Department of Transportation and Communication (DOTr) at Department of Finance (DOF).

Gayundin ang usapin sa Endo dahilan sa hindi pa lahat ng kumpanyang ay nakakasunod dito bagamat marami na ang sumunod at nagbigay ng regular na posisyon sa kanilang mga empoleyado ngunit kinakailangan pa ding ikonsidera ang business climate at patuloy itong hinahanapan ng solusyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa usapin naman ng Extra Judicial Killings (EJK) sinabi nito na hindi ito state sponsored at hindi pinapayagan ng pamahalaan ang ganitong gawain dahil una ito ay labag sa batas at hindi ito ang dapat na maging standard operating procedure, ang lahat ng mga pagkamatay na nangyayari ay sumasailalim sa imbestigasyon ng kapulisan.

Sa huli ay nagpasalamat si Andanar sa lahat ng mga patuloy na naniniwala sa kakayanan ng pamahalaan na maisaayos ang lahat lalo na ang pagpapaganda ng takbo ng ekonomiya ng bansa kung saan ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa sampung bansa na tumataas ang investment. HInikayat din nito na bigyan ng pagkakataon ang gobyerno upang baguhin ang mga kailangang baguhin upang ang bansa ay maging tiger economy. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

 


Other News

President Duterte reiterates his commitment to quality basic education
  • July 28, 2017
PASIG CITY, July 28 – President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) reaffirmed his strong support for quality basic education during his 2nd State of the Nation Address (SONA) last July 24, highlighting the continuous empowerment of young and adult Filipino learners through wider and better access to academic and skills enhancement.   "In our bid to accelerate human capital development, we seek to ensure lifelong opportunities by enhancing the quality of and access to education and training programs… We have sustained investments in higher education and committed to the full implementation...Read more
Info officers, media turn PWD advocates
  • July 28, 2017
SAN FERNANDO CITY, July 28 (PIA) – Thirty government information officers and media practitioners in Ilocos region turned Persons with Disabilities (PWDs) advocates after undergoing a Basic Sign Language Training on Tuesday, July 25 at the Dacanay Hall, City Hall, here. The training, spearheaded by the Philippine Information Agency (PIA) Region 1, aimed to equip communicators, both from the private and public sectors with basic knowledge in sign language which shall bridge the gap when they deal with clients specifically with those with hearing impairment. “As media practitioners, i...Read more
Grade 12 learner emerges as most bemedalled athlete for PH in the 9th ASEAN Schools Games
  • July 27, 2017
    PASIG CITY, July 27 – Maurice Sacho Ilustre, Grade 12 student from De La Salle, Zobel emerged as the most bemedalled athlete for Philippines as the 9th Association of South East Asian Nations (ASEAN) Schools Games (ASG) came to a close.   The Filipino tanker sealed his ASEAN Schools Games campaign with four golds in boys 200m butterfly (2:03.67), 200m freestyle (1:53.21), 100m freestyle (52.23), and 100m butterfly (55.97). He also bagged two silvers in the 400m freestyle (4:05.44) and 50m butterfly (25.61).   Ilustre swept all of his seven events in last May’s...Read more
MSMEs competitiveness enhanced
  • July 27, 2017
MANILA, July 27 -- Labor Secretary Silvestre Bello III yesterday said that the Department of Labor and Employment (DOLE), on its first year under the administration of President Rodrigo Duterte, has equipped micro, small, and medium enterprises (MSMEs) with knowledge and skills on productivity to enhance their competitiveness.   Through the National Wages and Productivity Commission (NWPC) and the Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB), DOLE has assisted MSMEs in implementing productivity improvement programs through the NWPC Productivity Toolbox.    Producti...Read more