Tatlong bayan sa Lalawigan ng Batangas, idineklarang nasa State of Calamity

  • April 12, 2017

LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 12(PIA)- Idineklara ang tatlong lugar sa lalawigan ng Batangas sa nasa ilalim ng State of Calamity matapos ang lindol na naranasan dito kamakailan.

Sa special session na isinagawa ng Sangguniang Panlalawigan, idineklarang nasa state of calamity ang mga bayan ng Mabini at Tingloy at Lungsod ng Batangas matapos ang mga epektong naranasan matapos ang magkasunod na paglindol noong nakaraang Sabado, Abril 8.

Naranasan ang 5.6  magnitude earthquake sa pagitan ng Mabini at Tingloy bandang 3:08PM noong Abril 8 na sinundan ng isa pang pagyanig na tinatayang nasa magnitude 6.

Bunsod nito, agarang nakipag-ugnayan ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga local disaster officers sa lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan.

Sa tala ng PDRRMO sa kabuuan ay may 3,508 apektadong pamilya o 11,348 na Batangueno sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan. May naitala ring 810 na partially damaged houses at 822 na totally damaged houses.

Malaki ang mga pinsalang natamo sa bayan ng Mabini kung saan may naitalang injured, pagkasira ng isang resort, pagguho ng seawall, pagkasira ng ilang bahagi ng Mabini General Hospital at ilang bahagi ng Anilao Market. Karamihan din sa mga residente sa naturang bayan ay pansamantalang humimpil sa harap ng munisipyo dahilan sa takot na naranasan.

Sa bayan naman ng Tingloy,maraming mga bahay ang nasira at nagkaroon ng pagguho ng mg abato mula sa itaas gayundin ang pagkasira ng eskwelahan.

Malaki naman ang naging pinsala sa Basilica Immaculada Concepcion kung saan may bahagi nito na gumuho dahilan sa katandaan na ng simbahan. Ang mga pasyente naman sa iba’t-ibang ospital sa lungsod ay nanatili sa labas ng gusali upang masiguro ang kaligtasan sakaling magkaroon ng mga aftershocks.

Ayon kay Governor Hermilando Mandanas, hindi nagpapabaya ang pamahalaang panlalawigan dahil agarang tulong ang ibinibigay nila sa pangangailangan ng mga apektadong Batangueno. Kaugnay nito, nanawagan siya na maging kalmado ang lahat at huwag kalimutan ang manalangin sa Panginoon.

“Sa dami ng kalamidad na dumarating sa atin, marahil isang paraan lang ito ng ating Panginoon dahil ipinapaaalala niya na bago ang lahat dapat ay huwag nating kalimutan ang pagtawag sa kanya. Walang dapat ikabahala dahil lahat tayo ay magtutulong tulong upang isaayos ito at maibalik sa normal ang buhay ng mga naapektuhan.”,ani Mandanas. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

 


Other News

BPO tops job vacancy list at PhilJobNet - DOLE
  • August 24, 2017
MANILA, August 24 (PIA) – The Department of Labor and Employment (DOLE) reported that business process outsourcing (BPO) was listed on the Top 20 Job Vacancies at PhilJobNet, an internet-based job applicant matching portal.   According to the Bureau of Local Employment of DOLE, the BPO service posted a total of 8,588 vacant jobs wherein more than half or 4,487 vacant positions are for call center agents.   Other jobs posted online are Staff Nurse with 545 vacant positions; Specialized Nurse – 400; Line Installer – 400; Customer Service Assistant – 321; Food Server – 300...Read more
DA: Cagayan Valley is bird-flu free
  • August 24, 2017
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, August 24 (PIA) – The Department of Agriculture (DA)  in Cagayan Valley assured the public that region 2 remains free from avian influenza, also known as bird flu.   Narciso Edillo, regional executive director, said despite this assurance, they are still implementing precautionary measures to bar possible entry of poultry and poultry products coming from the 7km radius bird flu-infected areas in Pampanga.   He said they intensified their monitoring and checkpoint activities especially in Nueva Vizcaya and Quirino to prevent the possible entry of poult...Read more
DILG to LGUs: Ensure public compliance to smoking ban
  • August 24, 2017
MANILA, Aug. 24(PIA) -- The Department of the Interior and Local Government (DILG) said local chief executives should undertake efforts to inform persons-in-charge of their key role in the implementation of Executive Order No. 26 as well as their duties and obligations under the said law.   In a statement, the DILG said local government units should ensure the support and compliance of company and school heads and other persons-in-charge to the nationwide smoking ban or the latter will be held liable and face corresponding sanctions if they fail to do so.   EO 26, which took eff...Read more
QC Mayor Herbert Bautista all praises for PH athletes in SEA Games
  • August 24, 2017
  Agatha Wong gets gold in Wushu for PH sixth #SEAGames2017 QUEZON CITY, Aug. 24 (PIA)-- Mayor Herbert M. Bautista has extended congratulations to the athletes competing in the ongoing 29th Southeast Asian Games in Kuala Lumpur, Malaysia.   “On behalf of the people of Quezon City, let me congratulate  Reyland Capellan and Kaitlin de Guzman and our bets in triathlon, wushu, sepak takraw who will come home with medals. Of course, the entire Philippine team deserves commendation. By earning the right to carry our nation’s colors is in itself a victory and recognition of you...Read more