ASEAN hub, binuksan sa PIA Calabarzon

  • March 17, 2017

LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 17(PIA)- Pormal na binuksan ang PIA CALABARZON  ASEAN Hub sa tanggapan nito sa Calamba City, Laguna noong Marso 15.

Layunin nitong lalong mapalakas ang pagpapakalat ng mga kabatiran ukol sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations kung saan sa taong ito ay ang Pilipinas ang nakatalaga para sa chairmanship at may temang “Partnering for Change, Engaging the World”.

Ang pagbubukas ng naturang hub ay bahagi ng ASEAN Awareness campaign ng Philippine Information Agency at isang paraan upang maipalaganap ang mga impormasyon ukol sa ASEAN sa pamamagitan ng mga flyers, leaflets at iba pang information materials.

Ayon kay PIA IV-A Regional Director Cristina Arzadon maraming mga nakalatag na aktibidad para sa ASEAN kabilang na dito ang paglulunsad ng chairmanship nito na isinagawa noong Enero sa SMX Davao. Magkakaroon din ng 30th ASEAN Summit sa darating na Abril; grand celebration 50th anniversary of ASEAN sa Agosto 8, 2017 at 31st ASEAN Summit sa Nobyembre ng taon.

Aniya, may tatlong pillars ang ASEAN kabilang ang socio-cultural community na pinamamahalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), economic community sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Foreign Affairs (DFA) para sa political security community.

Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni Gng. Teresita Gonzaga mula sa DTI SME Development Division ang mga hakbang na ginagawa ng kanilang ahensya upang maging competitive ang lahat ng micro-small and medium enterprises hindi lamang sa buong bansa kundi maging sa buong mundo.

Ayon kay Gonzaga, patuloy ang kanilang SME Roving Academy kung saan itinuturo nila sa mga SMEs ang capability building katulad ng tamang branding at marketing para sa kanilang mga produkto at serbisyo gayundin ang pagsali sa mga trade fairs upang mas makilala ang kanilang mga negosyo.

Bukod pa rito, nagbibigay din sila ng productivity trainings para mas lalong mapalakas at mapaganda ang mga serbisyo at produkto upang mas maging globally competitive gayundin din ang kapasidad ng mga MSMEs na ito .

Maraming mga Shared Service Facilities na din ang ipinagkaloob ng DTI sa mga kooperatiba o asosasyon na may kaugnay sa manufacturing kung saan nagbibigay sila ng mga kagamitan o makina na kailangan upang mas mapaganda ang serbisyo.

Sinabi pa ni Gonzaga na patuloy rin ang paglalagay nila ng mga Negosyo Centers sa iba’t-ibang tanggapan ng DTI gayundin sa mga lokal na pamahalaan. Pangunahing layunin nito na mabigyan ng gabay ang lahat ng nagnanais magtayo ng maliit na negosyo.

Ang ASEAN ay binubuo ng ten-member countries kabilang ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Singapore, Myanmar, Thailand, Philippines at Vietnam. (GG/BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)


Other News

DAP forges partnership with American universities
  • March 31, 2017
 MANILA, March 31 -- The Development Academy of the Philippines, through its Institutional Marketing Center, has forged partnerships with two American universities in its effort to explore and create partnerships with academic institutions in the United States while strengthening relations with similar groups and organizations in general.   This was done through memorandums signed during the US visit of DAP President Antonio Kalaw Jr. and IMC Managing Director Merliza Makinano, with a memorandum of agreement being forged with American University in Washington, D.C., and a memorandum o...Read more
SSS to release P71M for P1,000 benefit under special cases
  • March 31, 2017
QUEZON CITY, March 31 --  State-run Social Security System on Thursday said it has released about P71.84 million to its partner banks for the P1,000 additional benefit of the first batch of pensioners under special cases.   SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc said that the first batch of the pensioners under the special cases may withdraw their additional P1,000 benefit on Friday, Mar 31.   “We are glad to announce that some 41, 000 pensioners under the special cases may withdraw their additional P1,000 benefit for the months of January to March on Frid...Read more
44 barangays in Iligan city conduct barangay assembly
  • March 31, 2017
ILIGAN CITY, March 31 (PIA)—Barangays in Iligan city have complied the mandatory conduct of Barangay Assembly for the first semester set March 25 this year.   According to Elizabeth Buna, local government operations officer of the Department of Interior Local Government (DILG) Iligan City, all the 44 barangays in the city have joined the nationwide Barangay Assembly Day.   Buna said, through this Assembly, barangay constituents would be informed on how barangay officials are spending barangay funds, and this is the proper venue to discuss community concerns. The punong barang...Read more
QC opens animal bite treatment center in Batasan
  • March 31, 2017
QUEZON CITY, March 31 (PIA)--Quezon City Mayor Herbert Bautista recently opened a satellite animal bite treatment center in Barangay Batasan Hills.   The newly-inaugurated center now brings to two the number of animal bite facilities maintained by the QC government. The other animal bite center is located at QC Hall.   The Batasan animal bite treatment center provides at least four free post-exposure treatments to animal bite patients.   Bautista, in his speech, underscored the importance of establishing additional animal bite centers for rabies prevention and control. ...Read more