Baler, isa sa nagbigay liwanag sa pagdiriwang ng ika-50 taon ng ASEAN

  • August 09, 2017
  • Joselito S. Libranda

BALER, Aurora, Agosto 9 (PIA) -- Kabilang ang bayan ng Baler sa Aurora sa mga napiling lokal na pamahalaan sa buong bansa para sa simultaneous landmark lighting ceremony kaugnay ng ika-50 anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

   

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Nelianto Bihasa na napakapalad ng Baler sapagkat isa ito sa napiling magsagawa ng pagpapailaw.

 

Naipakita aniya nila sa buong mundo at sa siyam na iba pang bansa na kasapi sa ASEAN ang kanilang pagkakaisa.

 

Inilawan ang ASEAN Lantern ng bayan sa tabi ng 400 Years Monument sa tapat mismo ng palatandaan ng Baler.

 

Ayon kay Municipal Tourism Officer Riza del Rosario, ang naturang monumento ay simbolo ng katatagan ng bayan pagkat kumakatawan ito sa apat na raang taong kasaysayan.

 

Kilala na ang Baler noon pa man hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

 

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa bansa, ipinakita ng mga taga-Baler ang kanilang katapangan at kababaang loob.

 

Ipinakita rin ng mga taga-Baler ang kanilang kabutihang loob at pagkamaawain noong hindi nila ginalaw at pinatay ang mga Kastila na kumubkob sa simbahan ng Baler o ang kilala ngayon bilang Siege of Baler. (CLJD/JSL-PIA 3)

 


Other News

DepEd, other agencies participate in the HDPR Community Forum and Serbisyo Caravan
  • August 21, 2017
PASIG CITY, Aug. 21 – To ensure that students, parents, and other stakeholders have the necessary information on its priority programs and projects, the Department of Education (DepEd) participated at the Community Forum and Serbisyo Caravan held on 12 August 2017 at the Commonwealth Elementary School in Quezon City.   With the theme, Edukasyon, Kalusugan, at Proteksyon, this inter-agency initiative aimed to bring government services directly to the people from the various government agencies under the Human Development and Poverty Reduction (HDPR) Cabinet Cluster.   The ...Read more
DepEd inks pacts with educ partners, receives donations for learners
  • August 21, 2017
PASIG CITY, Aug. 21 – Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Magtolis Briones expressed her gratitude toward various education partners for always putting high value and extending help and assistance to the education sector.   The Education Chief conveyed this during the ceremonial turnover of donations for learners and signing of Memorandum of Agreements (MOA) with DepEd partners on 10 August 2017 at the Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office in Pasig City.   “DepEd is feeling very blessed and spoiled because we are always number one whenever a business in...Read more
ALC Foundation celebrates World Bamboo Day with ​​‘Camp Kawayan’ bamboo planting event
  • August 21, 2017
  Got nothing to do this September? Are you looking for an exciting adventure with a cause for your family and squad? Join Kawayanihan 2017: Camp Kawayan and be a bamboo warrior!   In celebration of World Bamboo Day 2017, ALC Foundation is organizing a bamboo planting trail dubbed as “Camp Kawayan” under its Kawayanihan project. The half-day event hopes to gather around 2,000 volunteers from Metro Manila, Central Luzon, and South Luzon along the riverbanks of San Mateo, Rizal (starting from Dulongbayan 1) on 23 September 2017, 6 am onwards.   It is hoped that this uni...Read more
DTI gears up for IDP’s livelihood programs
  • August 21, 2017
By Lou Ellen Antonio ILIGAN CITY/Mindanao Hour, Aug. 21 (PIA) - The Department of Trade and Industry (DTI) has intensified its efforts at providing livelihood programs for the internally displaced persons (IDPs) from Marawi City. In a recent visit to Sta. Elena Evacuation Center, Undersecretary Zenaida Maglaya of Department of Trade and Industry (DTI) said that "the livelihood assistance is the best help that the government could provide for the IDPs." “For them, iba yung pakiramdam na ikaw ay kumikita at alam mong may pera ka para sa mga pangangailanan mo at hindi ka talaga always ...Read more