Tagalog news: Rehab program ng DOH-Mimaropa, 50 pang surrenderee ang nakinabang

  • July 17, 2017
  • Lyndon Plantilla

LUNGSOD QUEZON, Hulyo 17 (PIA) --- Papalawakin ng Department of Health-Mimaropa ang coverage ng kanilang rehabilitation program para sa mga drug surrenderee.

Ito ay matapos may 50 pang drug surrenderee ang nakatapos ng Advance Intensive Outpatient Rehabilitation Program sa Bongabong, Oriental Mindoro.

Ngayong umakyat na sa 89 ang mga drug surrenderee na napagbago ng nasabing programa, tiniyak ni Director Eduardo Janairo ng DOH-Mimaropa na kanilang  ipagpapatuloy  ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para mas maraming maabot pa ng programa sa rehiyon.

Bagamat wala nang bakas ng droga sa mga katawan, sinabi ni Director Janairo na magpapatuloy ang pagbabantay sa 50 drug surrenderee para matiyak na hindi sila babalik sa dating gawi.

Ang Advance Intensive Outpatient Rehabilitation Program ay isang buwang pangagamot na binabuo ng behavioural counselling at medication evaluation.

Kasama sa programa ang paggamot sa pabalik-balik na sakit sa isip gaya ng depression at anxiety.  

Gumagamit din ng telemedicine system para kumunsulta ang mga drug surrenderee sa mga psychologist o psychiatrist sa Metro Manila.

Pero ang natatanging bahagi ng programa ay ang paggamit ng isang matandang paraan ng pangagamot mula sa India na kung tawaging ay Ayurveda.

Ang Ayurveda ay mayroong detoxification process na kung tawagin ay Pancha Karma na naglalayong gamutin ang pinaka-ugat ng sakit at maibalik ang wastong kalusugan ng katawan.

Ayon kay Director Janairo, walang ibang layunin ang programa kundi gawing produktibo muli ang mga drug surrenderee sa kanilang pamayanan at suportahan ng mga kabuhayan para hindi na bumalik sa bentahan ng iligal na droga. (LP/DOH-Mimaropa) 


Other News

Valenzuela wins second E-Readiness award
  • July 21, 2017
VALENZUELA CITY, July 21 (PIA)—The City Government of Valenzuela received its second bags this year's e-Readiness Leadership Award during the Electronic Business Permits and Licensing Summit held at the Novotel Manila in Quezon City, July 18, 2017. The award recognizes local chief executives who are pioneering the adoption and strategic use of Information and Communications Technology (ICT) to enhance their delivery of government services, improve revenue/tax collection efforts, improve business permits application and renewal processes, and to promote transparency in government o...Read more
DSWD, other 'Task Force Bangon Marawi' members intensify preps for Marawi rehab
  • July 20, 2017
MANILA, July 20 -- The Department of Social Welfare and Development (DSWD) continues to strengthen its coordination with other members of the ‘Task Force Bangon Marawi’ to intensify preparations for recovery and rehabilitation of Marawi City, where government forces continue to battle the Maute terror group.   Task Force Bangon Marawi is the government’s inter-agency task force for the recovery, reconstruction, and rehabilitation of Marawi City and other localities affected by the ongoing armed conflict in Lanao Del Sur. It was created by President Rodrigo R. Duterte under Admini...Read more
Over 1M benefit from OSSCO
  • July 20, 2017
MANILA, July 20 -- Government frontline services were made accessible to more than one million overseas Filipino workers (OFWs) in the first year of the Duterte administration, as the labor department managed to put up One-Stop-Service Centers nationwide.   Labor Secretary Silvestre Bello III said the over one million OFWs were served and benefited from efficient and speedy delivery of various government services brought by OSSCO after it was launched last August.   “We established 17 One-Stop-Service Centers all over the country to reduce the expenses of OFWs as the services or...Read more
WV crime volume dips by 8.5%
  • July 20, 2017
ILOILO CITY, July 19 (PIA6) ---  The Police Regional Office (PRO)-6 reported that crime volume in Western Visayas decreased by 8.5 percent. Data from the PRO-6 Crime Information, Reporting and Analysis System (CIRAS) showed that 36,690 crime incidents were recorded for the period July 1, 2016 to June 30, 2017. This figure is lower by 3,410 incidents or a drop of 8.5 percent as compared to the 40,100 crime incidents registered from July 1, 2015 to June 30, 2016. PRO-6 data also showed there was a significant decrease of index crimes with 8,582 recorded incidents which is 21.02 per...Read more