(UPDATED) DSWD: Family food packs para sa mga kababayang maaring maaapektuhan ng Bagyong Crising, nakahanda na

  • April 15, 2017
  • Lyndon Plantilla

LUNGSOD QUEZON, ika-15 ng Abril (PIA) --- May magagamit na family food packs ang mga kababayan maapektuhan ng Bagyong Crising kung saka-sakali.

Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may 418,290 family food packs ang nakapwesto na sa kanilang bodega at ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Kasama na rito ang mga lalawigang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 1.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Warning Signal No.1 sa Aklan, Antique, Iloilo, Capiz, Northern Cebu, Northern Negros Occidental, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Sorsogon, Burias island, Romblon, Masbate kabilang ang Ticao island.

Tuloy-tuloy ang pag-eempake ng mga tauhan ng DSWD at mga lokal na pamahalaan ng mga family food pack.

Bukod sa family food packs, mahigit sa 755-M mga relief goods (mga pinagsamang food at non-food items) na nakahanda na rin sa mga tanggapan ng DSWD.

Halos mag-iisang bilyong pisong pondo pa ang nakahanda sa DSWD para magamit sa iba pang mga pangangailangan ng mga pamilyang maapektuhan ng bagyo.

Patuloy ang panawagan ng DSWD at ng iba pang ahensiya sa NDRRMC para maghanda sa paparating na Bagyo.

Samantala, sa ulat ng Pagasa-DOST ngayong ika-2 ng hapon, napatili ng Bagyong Crising ang kanyang direksyon papuntang Samar.

Kaninang ika-1 ng hapon, namataan ng Pagasa-DOST ang Bagyong Crising sa layong 130 silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay pa rin  ni Crising ang lakas ng hangin na 45 kilometro bawat oras at pagbugso na 55 kilometro bawat oras.  (LP) 


Other News

ASEAN to hold first Prosperity for All Summit
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma “Joey” Concepcion III on Thursday, April 27, announced the holding of the first Prosperity for All Summit of the ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) during a press briefing held at The Conrad Manila. PA Concepcion, also the Chairman of the ASEAN – BAC, hopes to convince the more developed countries in the region to help those countries lagging behind, and for big business to give a lending hand to micro, small and medium enterprises (MSMEs). “ASEAN stands as 10 countries and it is my belief that 10 coun...Read more
KWF to launch first-ever Sebwano novel in Filipino
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Walay Igsoon, the first-ever Sebwano novel written by the first Sebwano novelist Juan Villagonzalo, will be launched by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) in this year’s Philippine International Literary Festival (PILF). Published in 1912—more than a century ago—Walay Igsoon, which means “without a brother,” is a story of two brothers who got orphaned and separated from each other because of the cruelties of the Spanish occupation—a separation that will later tear them apart as brothers because of the differences in their beliefs and in the social class t...Read more
DOLE issues pay rules for April 28 special non-working day in Metro Manila
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- The Department of Labor and Employment (DOLE) issued yesterday Labor Advisory No. 4, series of 2017 or the Payment of Wages for the Special Non-Working Day today, 28 April 2017, as the country hosts the summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) this week.  "Malacanang has declared April 28 as a non-working day in view of the ASEAN Summit meeting, but some of our workers are still required to go to work. We are issuing this pay rules advisory for the guidance and compliance of both workers and employers," Labor Secretary Silvestre Bello III said....Read more
DSWD-7 wins national awards
  • April 28, 2017
CEBU CITY, April 23 (PIA) --- The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VII under Regional Director Ma. Evelyn Macapobre took home several awards during the recently concluded DSWD Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) awarding ceremony at the Land Bank Auditorium in Ermita, Manila.  According to Regional Information Officer Leah Quintana, DSWD-7’s Social Marketing Unit (SMU)  won first place for the Gawad #DSWDMayMalasakit.   The award recognizes the proactive move of the Department through the use of social media such as Fa...Read more