Tagalog news: SSS makakakolekta ng mahigit P13B sa Loan Restructuring Program

  • July 17, 2017

MAYNILA, Hulyo 17 -- Sa loob lamang ng isang taon ay mahigit  P5.22 bilyon na ang nakolektang utang ng Social Security System (SSS) mula sa mga miyembrong sumali sa Loan Restructuring Program (LRP) at madadagdagan pa ito ng  P9 bilyon sa darating na limang taon.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, umabot sa P13.83 bilyon ang kabuuang halaga ng makokolekta ng SSS mula sa loan repayments ng mahigit 850,000 miyembrong sumali sa LRP. 

“Dinagsa po ang ating mga opisina ng mga miyembro na nais makinabang sa LRP lalo na noong malapit na ang deadline noong Abril 28. Inaasahan naming magiging matapat sila sa pagbabayad ng kanilang buwanang obligasyon para manatili silang nasa good-paying status. Nasa P8.6 bilyon pa ang makokolekta natin sa LRP sa susunod na limang taon na pinakamahabang palugit sa pagbabayad dito,” ani ni Dooc.

Dahil maraming sumali aa LRP, umaasa ang SSS na muling makapaglunsad ng loan condonation program para sa mga miyembro na mapapadali kung aaprubahan ang kasalukuyang panukalang batas na palawigin ang kapangyarihan at responsibilidad ng ahensya.

Isa sa mga probisyon ng panukalang batas ay ang pagpapalawig ng kapangyarihan ng Social Security Commission kabilang na ang  pagbibigay ng pahintulot na magpatupad ng loan condonation program sa halip na mula sa pangulo ng Republika ng Pilipinas. 

Mula nang inilunsad ang programa noong Abril 28, 2016, nagkaroon ng pagkakataon ang mga  miyembrong may utang sa SSS na bayaran ang kanilang obligasyon sa mas magaan na paraan  at mababang interes na 3 porsyento lamang kada taon.

"Nais naming ipaalala sa mga sumali sa LRP na tatanggalin lamang ang multa kapag nabayaran ng buo ang prinsipal at interes ng restructured loan. Kaya dapat silang magbayad sa oras para hindi madagdagan ang kanilang utang ng 0.5 porsyentong multa kada buwan,” ani ni Dooc.

Para sa mga miyembrong sumali sa LRP, maaari nilang bayaran ang restructured loan sa loob ng 30 araw na walang dagdag interes, o 'di kaya ay maghulog nang hanggang limang taon na may pinakamababang interes na 3 porsyento bawat taon.

Bahagi ng alituntunin ng programa ay hindi na muling makasasali sa anumang loan condonation program ang mga miyembrong sumali sa LRP. Gayunpaman, maaari pa rin silang mag-apply ng panibagong SSS loan makalipas ang anim na buwan mula sa huling pagbabayad ng kanilang LRP.

Sa kabuuang koleksyon, karamihan ay mula sa mga empleyadong miyembro na umabot sa P3.23 bilyon. Sinundan ito ng P1.38 bilyon mula sa mga boluntaryong miyembro ng SSS.
  
Mahigit 39,000 miyembrong self-employed ay sumali din sa LRP na may katumbas  P194.37 milyong koleksyon, habang mahigit 46,000 OFW-members ang nakinabang sa programa na may kabuuang remittance na P412.76 milyon.

Nakatanggap naman ang National Capital Region nang pinakamaraming aplikasyon ng LRP na umabot sa 372, 469 . Sinundan ito ng Luzon, Visayas at Mindanao area na may 258,916; 103,329; at 96,609 aplikasyon. Halos 25,515 aplikasyon naman ang ipinroseso ng mga foreign office ng SSS.

Ang SSS branches naman sa Diliman, Davao, Calamba, Bacoor at Cebu naman ang tumanggap ng pinakaraming aplikasyon sa LRP. Habang ang mga foreign offices sa Dubai, Riyadh, Hongkong, Doha at Singapore ang nangasiwa ng pinakamaraming aplikasyon ng LRP sa ibang bansa. (SSS)


Other News

President Duterte reiterates his commitment to quality basic education
  • July 28, 2017
PASIG CITY, July 28 – President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) reaffirmed his strong support for quality basic education during his 2nd State of the Nation Address (SONA) last July 24, highlighting the continuous empowerment of young and adult Filipino learners through wider and better access to academic and skills enhancement.   "In our bid to accelerate human capital development, we seek to ensure lifelong opportunities by enhancing the quality of and access to education and training programs… We have sustained investments in higher education and committed to the full implementation...Read more
Info officers, media turn PWD advocates
  • July 28, 2017
SAN FERNANDO CITY, July 28 (PIA) – Thirty government information officers and media practitioners in Ilocos region turned Persons with Disabilities (PWDs) advocates after undergoing a Basic Sign Language Training on Tuesday, July 25 at the Dacanay Hall, City Hall, here. The training, spearheaded by the Philippine Information Agency (PIA) Region 1, aimed to equip communicators, both from the private and public sectors with basic knowledge in sign language which shall bridge the gap when they deal with clients specifically with those with hearing impairment. “As media practitioners, i...Read more
Grade 12 learner emerges as most bemedalled athlete for PH in the 9th ASEAN Schools Games
  • July 27, 2017
    PASIG CITY, July 27 – Maurice Sacho Ilustre, Grade 12 student from De La Salle, Zobel emerged as the most bemedalled athlete for Philippines as the 9th Association of South East Asian Nations (ASEAN) Schools Games (ASG) came to a close.   The Filipino tanker sealed his ASEAN Schools Games campaign with four golds in boys 200m butterfly (2:03.67), 200m freestyle (1:53.21), 100m freestyle (52.23), and 100m butterfly (55.97). He also bagged two silvers in the 400m freestyle (4:05.44) and 50m butterfly (25.61).   Ilustre swept all of his seven events in last May’s...Read more
MSMEs competitiveness enhanced
  • July 27, 2017
MANILA, July 27 -- Labor Secretary Silvestre Bello III yesterday said that the Department of Labor and Employment (DOLE), on its first year under the administration of President Rodrigo Duterte, has equipped micro, small, and medium enterprises (MSMEs) with knowledge and skills on productivity to enhance their competitiveness.   Through the National Wages and Productivity Commission (NWPC) and the Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB), DOLE has assisted MSMEs in implementing productivity improvement programs through the NWPC Productivity Toolbox.    Producti...Read more