NEDA, tiniyak ang mga inisyatibo upang makaagapay ang agrikultura sa sektor ng indutriya, serbisyo

  • May 16, 2017
  • Marie Joy L. Simpao

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Mayo 15 (PIA) -- Sa kabila ng tila mabagal na pag-unlad ng agrikultura sa Gitnang Luzon, tiniyak ng NationalEconomic Development Authority (NEDA) sa publiko na may mga inisyatibo ang pamahalaan upang makaagapay ito sa iba pang sector, partikular na ang pagmamanupaktura.

 

Ayon kay NEDA 3 Regional Director Severino Santos, kahit na bahagya lamang ang nagging pagtaas ng agrikultura, tinuturing pa rin sunshine industry dahil nananatili ang rehiyon bilang isa sa may pinakamalaking na kontribusyon sa  pangkalahatang agrikultura ng bansa.

 

Base sa pinakahuling tala ng regional gross domestic product (GRDP), makikitang pinakahuli ang agrikultura sa paglago nitong 0.1 porsyento, kumpara sa iba pang sector na nagtala ng higit sa dobleng paglago.

 

Gayunman, ipinaliwanag ni Santos na hindi ito nangangahulugang bigo tayo sa pagkamit n gating target, kundi may mga industriya lamang na sadyang mabilis ang paglago kaysa sa agrikultura.

 

Aniya pa, mayroon ding mga salik na nakaaapekto sa pag-unlad nito, kabilang na ang pagbabago ng klima at mga bagyo.

 

Dahil dito, naglatag ang pamahalaan ng mga istratehiya upang makaagapay ang agrikultura sa iba pang sector sa rehiyon.

 

Kabilang sa mga ito ay ang pagkakaroon ng 19 agri-research centers sa lalawigan ng Nueva Ecija na nagsasagawa ng mga pag-aaral kung paano lalong madaragdagan ang ani ng mga magsasaka.

 

Mayroon ding mga modernong teknolohiya na makatutulong sa mga magsasaka upang madagdadagan ang kanilang ani.

 

Ayon kay Santos, kung dati ay nakakaani lamang ng 100 hanggang 150 kaban ng palay kada ektarya ang mga magsasaka, nakakaani na sila ngayon ng hanggang 300 kaban kada ektarya sa tulong combined harvester.

 

Bukod dito, mababawasan anng pagkalugi ng mga magsasaka at madaragdagan ang kanilang kita sa pagkakaroon ng modernong gamit pansaka.

 

Tinututukan rin ng pamahalaan ang paggawa ng mga imprastuktura upang protektahan ang mga sakahan mula sab aha at iba pang uri ng mga kalamidad; gayundin ang paggamit ng hybrid technology upang magkaroon ng mga pananim na mabubuhay sa matinding init at lamig.

Sa bahagi naman ng aquaculture, inilahad ng direktor na patuloy ang pamahalaan sa pamamahagi ng mga bankga at fingerlings sa mga mangingisda; pati na rin ang pagtulong sa mga ito na ibenta ang kanilang mga produkto.

 

Aniya, sa pamamagitan ng mga nasabing hakbang, inaasahang mas mapauunlad ang agrikultura sa Gitnang Luzon.

 

Tiniyak rin niya na patuloy na magsisikap ang pamahalaan upang mapanatili ang food sufficiency at patuloy na paglago ng lahat ng sektor para sa mas inklusibong paglago na ramdam ng bawat mamamayan. (CLJD/MJLS-PIA 3)


Other News

NDRRMC rolls out Bida Ang Handa Campaign for the 2nd quarter nationwide EQ drill
  • June 27, 2017
MANILA, June 27 (PIA) -- The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) through the Regional DRRM Councils will hold the 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) on 29 June 2017, Thursday, 2PM at Bolton Street in Davao City as the ceremonial venue.   In line with this, OCD kicks off the Bida ang Handa Campaign which generally aims to promote disaster preparedness through public’s participation in the NSED. The main goal of the activity is to gather the maximum number of commitments via social media.   This campaign involves the participa...Read more
Roses for peace on Eid'l Ftr
  • June 27, 2017
BURU-UN, LANAO DEL NORTE – Roses for Peace on Eid'l  Fitr as intense gun battles continued to erupt in the heart of Marawi City, a celebration was taking place in the open grounds of the Iligan City National School of FIsheries which served as an evacuation center for civilians who fled the armed conflict. The mood was festive, as the more than 180 families who have been living in the evacuation center for a month commemorated Eid al-Fitr, or the end of the observance of Ramdhan. But what struck a sensitive chord among the hundreds of people gathered at the site was the excha...Read more
Vizcaya eyes more tourism projects
  • June 27, 2017
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, June 27 (PIA) – An official of the  tourism body here has vowed more tourism-related projects and activities to boost tourist arrivals in the province.   Former Governor Ruth Padilla, president of the Nueva Vizcaya Tourism Council, said they are now preparing the documents for the declaration of the Capissaan Cave System in Kasibu town, Mt. Palali in Bayombong town and Mt. Ugo in Kayapa town as protected areas through the Department of Environment and Natural Resources (DENR).     “These are some of our eco-tourism attractions that need to be pre...Read more
US Embassy, UP-IIS host ‘iftars’ in honor of Ramadan
  • June 27, 2017
BUTUAN CITY, June 27 (PIA) - In culmination of the holy month of Ramadan, the United States (U.S.) Embassy in the Philippines has partnered with the University of the Philippines (UP) Institute of Islamic Studies (IIS) in hosting two simultaneous iftar activities on Wednesday.  One at IIS in Quezon City and the other at the Santa Elena Evacuation Center in Iligan City serving 1,140 Marawi evacuees.  The two communities shared food and fellowship, and strengthened their resolve in solidarity with victims of the Marawi siege.   Following Maghrib, the sunset prayer, U.S. Embassy Deputy ...Read more