ASEAN at ramification nito ang pangunahing paksa sa 'Kapihan sa PIA'

  • August 11, 2017
  • Francisco B. Tumalad Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 10 (PIA)—Ipinaliwanag ng Philippine Information Agency (PIA) ang layunin ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa round-table discussion na ginanap kahapon sa lungsod na ito.

 

Sa Kapihan sa PIA na dinaluhan ng mga kasapi ng lokal na media, isa-isang binanggit at ipinaliwanag ni Dr. Mike dela Rama, ang ASEAN advocacy focal person ng PIA sa Bikol, ang pangunahing hangarin ng pagbuo ng regional alliance sa Southeast Asia, 50 taon na ang nakalipas.

 

Diniinan ni Dela Rama na mahalaganang malaman ng Sorsoganon, kagaya ng ibang Pilipino, ang “ramifications” ng pagiging kasapi ng Pilipinas sa ASEAN.

 

Ayon kay Dela Rama, ang unang layunin ng ASEAN ay makamit  ng 10 bansang kaanib sa ASEAN—Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao People’s Democractic Republic, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand , Vietnam at  Pilipinas—ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa buong rehiyon.

 

Sinabi ni Dela Rama na ang kasunduan ng mga bansang kasapi sa ASEAN ay nagbukas ng oportunidad para sa mga Pilipinong negosyante partikular dito ang mga maliliit na kapitalista o small and medium entrepreneurs.

 

Mas pinaikli at pinadali ang transaksyon, pagdala ng mga produkto at kalakalan sa mga bansang kasapi nito sapagkat mas pinababa ang presyo ng mga bilihin at de-kalidad na mga produkto sa merkado, sabi pa ni Dela Rama.

 

Ito aniya ay nangangahulugang marami ang pagpipiliang mga produkto na gawa sa Southeast Asian countries.

 

Binanggit din ni Dela Rama ang Mutual Recognition Arrangements (MRA) o ang pagkakaisang magkasundo ang 10 bansa para mas mapadali ang pagproseso ng trabaho para sa mga propesyonal tulad ng inhinyero, arkitekto, doktor, narses at iba pang propesyon.

 

Dahil sa MRA, hindi na rin kailangang sumailalim pa sa masusing eksaminasyon ang mga propesyonal sapagkat tinatanggap na ang mga titulo at lisensyang gamit ng mga ito sa kanilang bansa dahil na rin ito sa MRA, sabi pa ni Dela Rama.

 

Sinabi ni Dela Rama na mas madali na ang paglabas masok ng mga citizens sa ASEAN countries sapagkat nagkaroon na ang mga ito ng kasunduan na “ No Visa Policy” para malaya silang makapasok kahit hindi na kumuha ng visa.

 

Inisa-isa rin ni Dela Rama ang mga benipisyo sa edukasyon kabilang dito ang  exchange student program na madali nang pasukan ng mga Pilipino sa alinmang unibersidad sa alinmang bansang kasapi ng ASEAN.

 

Prayoridad din ng ASEAN ang pangangalaga sa likas na yaman ng bawat bansa at pakinabangan ito habang magkakapit kamay ang ASEAN members sa paglaban sa lahat ng uri ng sakit tulad ng human immunodeficiency virus o HIV, tuberculosis, dengue at malaria.  (FBT/ PIA5-Sorsogon)


Other News

DepEd, other agencies participate in the HDPR Community Forum and Serbisyo Caravan
  • August 21, 2017
PASIG CITY, Aug. 21 – To ensure that students, parents, and other stakeholders have the necessary information on its priority programs and projects, the Department of Education (DepEd) participated at the Community Forum and Serbisyo Caravan held on 12 August 2017 at the Commonwealth Elementary School in Quezon City.   With the theme, Edukasyon, Kalusugan, at Proteksyon, this inter-agency initiative aimed to bring government services directly to the people from the various government agencies under the Human Development and Poverty Reduction (HDPR) Cabinet Cluster.   The ...Read more
DepEd inks pacts with educ partners, receives donations for learners
  • August 21, 2017
PASIG CITY, Aug. 21 – Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Magtolis Briones expressed her gratitude toward various education partners for always putting high value and extending help and assistance to the education sector.   The Education Chief conveyed this during the ceremonial turnover of donations for learners and signing of Memorandum of Agreements (MOA) with DepEd partners on 10 August 2017 at the Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office in Pasig City.   “DepEd is feeling very blessed and spoiled because we are always number one whenever a business in...Read more
ALC Foundation celebrates World Bamboo Day with ​​‘Camp Kawayan’ bamboo planting event
  • August 21, 2017
  Got nothing to do this September? Are you looking for an exciting adventure with a cause for your family and squad? Join Kawayanihan 2017: Camp Kawayan and be a bamboo warrior!   In celebration of World Bamboo Day 2017, ALC Foundation is organizing a bamboo planting trail dubbed as “Camp Kawayan” under its Kawayanihan project. The half-day event hopes to gather around 2,000 volunteers from Metro Manila, Central Luzon, and South Luzon along the riverbanks of San Mateo, Rizal (starting from Dulongbayan 1) on 23 September 2017, 6 am onwards.   It is hoped that this uni...Read more
Exclusive breastfeeding campaign continues in CDO
  • August 21, 2017
CAGAYAN DE ORO CITY, Aug. 21 (PIA) – In an episode of Talakayan sa PIA on 15 August 2017, Department of Health (DOH) region 10 explained the importance of mothers giving exclusive breastfeeding to their newborn up to six months. This is a crucial stage wherein a mother’s milk is what the baby needs and nothing else. Apart from that, this is where the baby gets all the nutrients and immunity to survive the world outside the womb. Gilda Ajoc, Baby Friendly Hospital Initiative Program Coordinator of DOH region 10 shared that some mothers might think that they don’t have the milk or ...Read more