DSWD patuloy ang pamamahagi ng tulong sa Typhoon ‘Niña’ survivors

  • May 18, 2017
  • Francisco B. Tumalad Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Mayo 18(PIA)—Magpapatuloy ang pamamahagi ng  Department of Social Welfare and Development Regional Office ng ayudang pinansyal o Emergency Shelter Assistance (ESA) sa mga pamilyang nawalan ng tahanan nang manalasa ang bagyong Niña sa Kabikolan nung nakaraang Disyembre.

 

Ayon kay DSWD Regional Director Arnel Garcia, namahagi na sila ng pangunang bayad na nagkakahalaga ng P 5,000- P27,257 sa mahigit 50 libong residenteng nagsisikap na muling maitayo ang tahanan na winasak ng bagyo.

 

Sa tulong pinansyal ng DSWD, maari na silang makabili ng mga kagamitan para sila ay makabangon at makapagsimulang muli.

 

Naglaan naman ang pamahalaan ng  P10,000 para sa mga bahagyang  napinsala ang tirahan.

 

Kaugnay nito, nanawagan si Garcia sa publiko  at sa mga benipisyaryo ng ESA na maging mahinahon at lawakan ang kanilang pang-unawa sapagkat ginagawa aniya ng kanilang tanggapan ang lahat upang lahat ng lihitimo at naapektuhang pamilya ay makakatanggap ng emergency assistance.

 

Siniguro ni Garcia na lahat ng benipisyaryo ay kabilang sa listahang isinumite ng lokal na pamahalaan na sumailalim sa masusing pagsusuri at balidasyon ng DSWD field workers.

 

Naghihintay na lamang aniya ang kanilang tanggapan ng natitirang balanseng ibubuhos ng Department of Budget and Management.

 

Tiniyak ni Garcia na sa oras na dumating ang pondo ay awtomatiko na nilang ipapamahagi ang  P25,0000 para sa ganap na nawasak ang tirahan habang P10,000 para naman sa bahagya lamang ang sira ng tahanan.(EAD/FBTumalad, PIA 5/Sorsogon)


Other News

PNP, water district sign MOA to protect Isarog watershed in Bicol
  • August 17, 2017
NAGA CITY, Aug. 16 (PIA) – With its mandate to protect, manage, develop and conserve the Mt. Isarog Natural Park (MINP) in Camarines Sur, the Metro Naga Water District (MNWD) had the Naga City Police Station as its newest stakeholder in the collaboration to protect and conserve the MINP. On Aug. 7, the Naga police and the MNWD signed a memorandum of agreement (MOA) to firm up the cooperation and collaboration between the two entities.   MNWD Board Chairman Jorge T. Palma said the MOA intends to address the protection, conservation and rehabilitation of a portion of the MINP wate...Read more
Surigao delegates join global waste management confab in Bangkok
  • August 17, 2017
SURIGAO CITY, Surigao del Norte, Aug. 17 (PIA) – In an effort to gain insights and learn best practices of proper waste management abroad, Governor Sol F. Matugas led the Surigao del Norte delegation who participated in the Global Waste Management Conference 2017 in Bangkok, Thailand last August 1-2. With the theme, “Building Sustainability in an Urbanized World through Strategic Waste Management,” the International Global Waste Management Conference 2017 is the first in Asia, designed to provide a platform to address the rising issues in relation to the negative impacts of waste on h...Read more
DepEd School Building Program: A Briefer
  • August 17, 2017
PASIG CITY, Aug. 17 -- On par with the President’s directive to “Build, Build, Build”, the Department of Education (DepEd) has entered into a Memorandum of Agreement with the Department of Public Works and Highways (DPWH) to outline the strategy for the implementation of the Basic Education Facilities Fund (BEFF).   Part of the agreement was for DepEd and DPWH to jointly conduct the validation of proposed school building to determine: a) buildable spaces, b) classroom building types, and c) actual project costs. An important part of this strategy is the conduct of geo-technical...Read more
Congressman Bordado highlights achievements in State of the District Address
  • August 17, 2017
NAGA CITY, Aug. 17 (PIA) –Camarines Sur Rep. Gabriel H. Bordado Jr. (third district) delivered the first ever State of the District Address last Saturday, Aug. 12, at the Eurotel Convention Center here.   Before a well-attended gathering of local officials and civil society leaders in his district, Bordado presented a summary of his accomplishments for July 2016  to July 2017.   For his legislative work, Bordado had a perfect attendance during sessions in Congress where he was present 97 times in 97 session days.  He also authored and co-authored 93 Bills, made five manife...Read more