Tagalog news: Pamilihang bayan ng Mamburao, bubuksang muli sa publiko

  • May 12, 2017

MAMBURAO, Occidental Mindoro, May 12 (PIA) –  Muling magbubukas sa bayan ng Mamburao ang kanilang pamilihang bayan.

Posibleng matapos ang pagsasaayos ng naturang pamilihan sa ika-17 ng Mayo.

Ayon kay Mayor Angelina F. Tria, kinailangang sumailalim muna ang nasabing palengke sa ilang improvements. Kabilang sa mga ginagawa ay ang pagpapalaki ng stalls, pagkumpuni sa drainage system ng ikalawang palapag at pagpipintura ng buong gusali.

“Nakapagpondo tayo ng P2.35 milyon para sa 'improvements' na kailangan ng palengke”, saad ni Mayor Tria. Higit na pinagtuunan ng pansin ay ang drainage pipes ng ikalawang palapag kung saan, base sa disenyo ng palengke, ay siyang paglalagyan ng wet market section. Ipinaliwanag ng punong bayan, na lumabas sa kanilang inspeksyon, malaki ang problemang idududlot ng mga sirang drainage pipes sa mga ilalagay na tindahan sa unang palapag kapag hindi ito isinaayos. “Dahil nga wet market, malansa ang duming manggagaling sa drainage pipes”, dagdag pa ng mayor.   

Ang pamilihang bayan ng Mamburao at matagal na hindi nagamit. Iniutang sa bangko ng nakaraang administrasyon ang pagpapagawa sa nasabing pamilihang bayan sa halagang higit sa P100 milyon. Ayon kay Mayor Tria, hindi naging tama ang proseso ng pangungutang na siyang nagsilbing basehan upang paboran ang kasalukuyang pamahalaang lokal (LGU Mamburao) sa kasong kinaharap nito laban sa bangko na nagpautang. “Ipinangako natin sa taong bayan ang muling pagbubukas ng palengke, at ito ngayon ay malapit nang matupad”, ayon pa sa punong bayan.

 Matapos ang isinasagawang improvements ay agad na isasaayos ng LGU Mamburao ang ilan pang mga detalye upang muling mapakinabangan ang pamilihang bayan ng mga mamamayan ng Mamburao. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)


Other News

President Duterte seeks robust, comprehensive, and mutually-beneficial partnership with Russia
  • May 23, 2017
DAVAO CITY, May 23  ─ President Rodrigo Roa Duterte on Monday, May 22 left for Russia, saying that his landmark visit will emphasize the Philippines’ independent foreign policy. In his departure statement, the Chief Executive said the most anticipated visit highlights the independence of the Philippines’ foreign policy and the firm resolve to broaden the horizons of friendship and cooperation with other nations. He further noted that Russia is a country that the Philippines must work with and that there are opportunities for cooperation that cannot be ignored. “With its geogr...Read more
DOF study links infra, social investments to inclusive growth
  • May 23, 2017
MANILA, May 23 -- Quicker economic growth sets the stage for wider fiscal space through greater investments in infrastructure, conditional cash transfer (CCT) and micro-lending programs, which, in turn, accelerate poverty reduction and spell financial inclusion, according to a Department of Finance (DOF) study. This study by the DOF—its first major research paper for the year and led by Finance Undersecretary Gil Beltran—noted that higher remittances by overseas Filipino workers (OFWs) also foster economic inclusion because many of these remitters’ beneficiaries in the country end up...Read more
GSIS allots P143 million in emergency loan in 2 Mindanao areas
  • May 23, 2017
PASAY CITY, May 23 -- The Government Service Insurance System (GSIS) is allocating P143 million in emergency loans for its active members and old-age pensioners in Jolo, Sulu and Concepcion, Misamis Occidental, which are affected by flashfloods and agricultural damages resulting from heavy rains. The application deadline for Jolo is June 3 and for Concepcion, June 9. A total of 5,051 active members who are working or residing in the calamity-declared areas, are not on leave of absence without pay, have no arrears in paying premium contributions, and have no unpaid loans for more than...Read more
Watch group finds school gardening tools laden with toxic lead
  • May 23, 2017
QUEZON CITY, May 23 -- An advocate for the prevention of childhood lead exposure alerted school authorities against the use of gardening tools that are coated with lead-containing paints. The EcoWaste Coalition, a non-profit environmental and health group, aired the warning following the detection of high concentrations of lead, a potent neurotoxin, in eight of 20 samples of gardening tools. The tools, which are commonly used in home, community and school gardening activities, were purchased for P20 to P65 each from general merchandise stores, hardware centers and sidewalk vendors in Mo...Read more