Karagdagang 5 ospital sa Metro Manila para sa Libreng Gamot Para sa Masa Program, inihayag ng DSWD

  • July 14, 2017
  • Lucia F. Broño

LUNGSOD QUEZON, Hulyo 14, (PIA) - -Karagdagang limang pampublikong ospital sa Metro Manila ang magpapatupad ng Libreng Gamot Para sa Masa Program (LINGAP) na pinamamahalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula sa Agosto 1.

 

Ang mga bagong kapartner ng DSWD sa proyektong  ito ay ang Jose Reyes Memorial Hospital, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Hospital, at San Lazaro Hospital.

 

Sa ngayon, kasama ang Philippine General Hospital (PGH) na inisyal na kapartner sa programa, anim na ospital sa Metro Manila ang magpapatupad ng LINGAP.

 

Pahayag ni DSWD Secretary Judy M. Taguiwalo, “Simula Agosto 1, may dagdag na tulong nang makukuha ang mga nangangailangang indigent na pasyente sa Metro Manila. Mahalaga itong  binuo nating kaisahan kasama ang limang malalaking pampublikong hospital na maging katuwang natin sa pagpapatupad ng LingaP. Alam naman nating madaming mahihirap tayong mga kababayan ang pumupunta sa mga nasabing hospital at malaking tulong sa kanila ang makakuha ng libreng gamot.  Ngayon, siguradong mas marami na tayong mabibigyang mga pasyente.

 

Ang Lingap ay proyekto ng Pangulong Rodrigo Duterte na na nagbigay ng P1-bilyon pondo para matulungan ang mga mahihirap na pasyenteng makabili ng kanilang gamut.

 

Sa kabuuan, 11 na ang kapartner na ospital sa buong bansa ng DSWD sa pagpapatupad ng programa para matulungang mabigyan ng libreng gamot ang mga mahihirap nating kababayan.

 

Nang pinasimulan ang programa noong nakaraang Marso ay anim lamang na ospital sa limang rehiyon ang kasama.  Ang  mga ito ay  ay: Philippine General Hospital para NCR; Jose B. Lingad Memorial Hospital sa San Fernando City, Pampanga para sa Central Luzon; Western Visayas Medical Center sa Iloilo City para sa Western Visayas; Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City para saCentral Visayas; at Southern Philippines Medical Center in Davao City at Davao Regional Hospital sa Tagum City, para sa  Davao Region.

Sa huling tala nitong nakaraang Hulyo 7, 2017, ang  Lingap ay nakapagsilbi na sa abot sa 13,142 indigenteng pasyente sa limang rehiyon na mayroong kabuuang tulong halaga na P96,659,339.76.

 

Ang programa ay nakapagbigay tulong gamot sa pamamagitan ng UP-PGH sa 1,614 mahihirap na pasyente na umabot sa halagang P11,962,603. 

 

Ayon sa DSWD, maaring humingi ng tulong in-patient o out-patient man ang mga sumusunod: 1] Pamilya o indibiduwal na mahihirap at bulnerable; 2] Ang mga nasa impormal sektor na mahihirap na  kabilang sa Listahanan ng DSWD; 3] Yaong mga nasa krisis na sitwasyon batay sa pagtasa ng mga social worker 4] Mga empleyado ng pamahalaan na nalagay sa krisis na sitwasyon at; 5] Mga dependente ng sundalo at pulis na namatay habang ginagawa ang kanilang tungkulin.

 

Sa mga hihingi ng tulong, maari lamang na dalhin ang mga sumusunod: 1] balidong ID ng pasyente; 2] balidong ID ng kumakatawan sa pasyente at otorisasyon na pirmado ng pasyente; 3] Preskripsiyon ng doctor na naisyu sa loob ng nakalipas na tatlong buwan na may petsa, pangalan ng pasyente, pirmado ng kaniyang doctor at nakasaad ang kaniyang license no at mga kontak no; 4] Katunayan ng pagiging mahirap o sertipiko ng barangay o ng social worker ng isang kilalang ospital.  Maaari din nilang lapitan ang mga medical social workers sa mga kapartner ospital ng LINGAP.

 

Muli, nananawagan ang DSWD sa mga kwalipikadong indibidwal na nangangailangan ng tulong-gamot na aplayan ang programa. (DSWD/RJB/LFB/PIA/PIA-NCR)

 


Other News

CARAT Expo 2017 to increase agro marine productivity in Caraga
  • July 21, 2017
BUTUAN CITY, July 20 (PIA) – In keeping the momentum of advancing the region’s rich agricultural and fishery products, the Butuan City Chamber of Commerce and Industry Foundation, Inc. will once again hold this year’s Caraga Agricultural Trade and Marketing Exposition or CARAT Expo 2017 on August 10-13, here. CARAT Expo 2017 carries the theme, “Zoom up Caraga! Responding to challenges in agri-aqua productivity, responsible mining and progressive entrepreneurship.” “It will be a four-day event and is highlighted by hosting the 21st Caraga Business Conference slated also on Au...Read more
Valenzuela wins second E-Readiness award
  • July 21, 2017
VALENZUELA CITY, July 21 (PIA)—The City Government of Valenzuela received its second bags this year's e-Readiness Leadership Award during the Electronic Business Permits and Licensing Summit held at the Novotel Manila in Quezon City, July 18, 2017. The award recognizes local chief executives who are pioneering the adoption and strategic use of Information and Communications Technology (ICT) to enhance their delivery of government services, improve revenue/tax collection efforts, improve business permits application and renewal processes, and to promote transparency in government o...Read more
SSS ready to implement EC Funeral benefit hike in 1 month from effectivity date
  • July 21, 2017
BUTUAN CITY, July 21 - State-run Social Security System (SSS) on Thursday said it is ready to implement the recently issued Executive Order No. 33 by President Rodrigo Duterte ordering the increase of the Employees’ Compensation (EC) funeral benefits for government and private sector employees from P20,000 to P30,000 within 30 days from the publication date of the Implementing Rules and Regulations to be issued by the Employees’ Compensation Commission. "We just need a month to make system adjustments to implement the P10,000 increase in EC funeral benefit. We are one with Pres. Dutert...Read more
Gov’t broadens horizons for PWDs
  • July 21, 2017
CAGAYAN DE ORO CITY, July 20 (PIA) – To foster beneficial programs for the persons with disabilities (PWDs) and ensure their access to public services, various national line agencies highlighted their programs, projects and services for the sector during the Talakayan sa PIA on July 14.   On upholding the rights of PWDs on transportation, Land Transportation Office (LTO) Regional Director Oscar Salcedo said that they are constantly monitoring the compliance of drivers and passengers on reserving one space or seat for PWDs.   “The moment nga naa’y pasahero nga PWD (when ther...Read more