P751.2M halaga ng proyektong pangimprastraktura ng Malolos, sabay-sabay itinatayo sa dating lupa ng PIA

  • July 16, 2017
  • Shane F. Velasco

LUNGSOD NG MALOLOS, Hulyo 16 (PIA) -- Laganap sa Malolos ang konstruksyon ng malalaking istrakturang pampamahalaan at pangdalubhasaan na umaabot sa ngayon sa halagang 751.2 milyong piso.

 

Sabay-sabay ang pagtatayo ng malalapad at matataas na istraktura mula sa limang palapag na gusali ng bagong magiging Malolos City Hall, tatlong palapag na Malolos Central Terminal, limang palapag na Research Building ng Bulacan State University o BulSU na may kasamang road network, mga bagong pasilidad ng Bulihan Cooperative, Malolos Senior Citizen Center at ang bubuksang bagong Malolos Police Station.

 

Ang akanteng lupain na dating lpag-aari ng Philippine Information Agency o PIA ay lugar na ngayon kung saan kahit saan lumingon ay panay mga bakal at konkretong semento ang makikita.

 

New Malolos City Hall

 

Nasa limang palapag na ngayon ang ginagawang magiging bagong Malolos City Hall.

 

Naitayo na ito matapos ang dalawang beses na groundbreaking ceremony noong 2010 at 2013.

 

Tatlong taong ipinagtanggol sa korte ang tuluyang konstruksiyon nito na nagdulot ng iba pang uri ng pagkabalam.

 

May 227 mga pilote ang ibinaon sa lupa upang magsilbing pundasyon sa itinatayong limang palapag na istraktura.

 

Ayon kay Malolos City Engineer Sol Milan, nagkakahalaga ang proyekto ng 284 milyong piso na target tapusin sa susunod na dalawang taon o sa Marso 2018.

 

Malolos Central Terminal

 

Nasa kasagsagan na rin ang konstruksyon ng mas pinalaki at modernong Malolos Central Terminal.

 

Ayon kay Mayor Christian Natividad, dinisenyo ang nasabing proyekto upang lubusang mapagkalooban ang mga Malolenyo ng ligtas, maayos at mabilis na sistema ng transportasyon.

 

Tatlong palapag na gusali ang itinatayo sa nasabing terminal na binuksan noong 2009.

 

Bukod dito, lalagyan ng mga pasilidad na pasok sa konsepto ng pagiging Intermodal Terminal.

 

Ibig sabihin, bukod sa mga dyip, magkakaroon ito ng pila sa mga UV Express Van, mga tricycle at maging ang malalaking bus ay uubrang pumasok.

 

Base sa inilabas na plano, mahigit 100 mga pampublikong sasakyan ang uubrang gumamit nito ng salitan sa bawat oras ng pagsasakay.

 

Bulacan State University Research Building

 

Matapos naman ang 17 taong mahabang pagpaplano, pag-aaral at pananaliksik, tuluyan nang nasimulan na ang pagtatayo ng kauna-unahang gusali ng BulSU sa 25 ektaryang lupang magiging extension campus ng Malolos Main.

 

Noong 2016, ipinasubasta na ni Dr. Cecilia Gascon, pangulo ng BulSU, ang pagtatayo sa limang palapag na Research Building na nagkakahalaga ng 248.4 milyong piso.

 

Sa halagang ito, 150 milyong piso ang gagastusin mula sa sariling kita ng pamantasan mula sa commercialization habang may 90 milyong piso ang inilaan ni noo’y Pangulong Benigno S. Aquino III na ipinasok sa pambansang badyet ng 2016.

 

New BulSU Road Network Development

 

Sinimulan na rin ang paglalatag ng unang bahagi ng Road Network sa 25 ektartang lupa mula sa bukana ng Gate 4 ng kasalukuyang campus.

 

Nagkakahalaga naman ng 13 milyong piso ang ginugugol mula sa sariling kita ng pamantasan para sa nasabing Road Development.

 

Taong 1999 nang ipagkaloob ng noo’y Pangulong Joseph Ejercito Estrada, sa kahilingan ng noo’y Gobernador Josefina Mendoza Dela Cruz, sa BulSU ang may 25 ektarya na bahagi ng kabuuang 50 ektaryang lupang pag-aari ng PIA.

 

Ang PIA ay siyang pangunahing institusyon ng tanggapan ng pangulo ng Pilipinas, na nangunguna sa pagtataguyod at pagpapalaganap ng mga impormasyong may kinalaman sa iba’t ibang proyekto at programa ng mga ahensya ng pamahalaan.

 

Ang hiwalay na 10 ektarya naman ay ipinagkaloob ni noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa pamahalaang lungsod ng Malolos noong 2004 upang pagtayuan ng gagawing bagong Malolos City Hall at ng Malolos Sports and Convention Center noong 2009.

 

Sa ipinalabas na proklamason ni Pangulong Arroyo, layunin nito na gawing isang integrated government center ang lugar na ito kung saan pagsasama-samahin ang mga tanggapan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaang nasyonal at lokal, upang mapadali at mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa taumbayan.

 

New PEZA-accredited investment site

 

Samantala, nito lamang 2013, panibagong 10 ektaryang lupa pa ang hinugot ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III upang ipagkaloob sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan upang pagtayuan ng mga Cyber-corridor investments habang may 5 ektarya na lamang ang natitirang pag-aari ng PIA.

 

Nakarehistro na ito sa Philippine Economic Zone Authority bilang lugar na iaalok sa mga mamumuhunan at siyang pagkakalooban ng mga investment incentives o tax holiday.

 

Senior Citizens’ Building, Bulihan Cooperative Building

 

Kaugnay nito, ang Malolos Division Office ng Department of Education o DepEd ay nakapagtayo na ng sarili at bagong opisina na nagagamit na ngayon.

 

Tapos na ring maitayo ang unang palapag ng Senior Citizens Center sa tabi nito na pinondohan ng tanggapan ni dating Pangalawang Pangulong Jejomar Binay sa halagang 1.8 milyong piso.

 

Iba pa rito ang 1 milyong pisong Bulihan Cooperative Building na itinatayo na rin sa tabi ng DepEd-Malolos Division.

 

New Malolos Police Station

 

Sa Lunes, Hulyo 17, nakatakdang pasinayaan ang bago at magiging modernong Malolos City Police Station na ginastusan ng 3 milyong piso ng pamahalaang lungsod ng Malolos.

 

Ito’y bilang tugon sa masikip at hindi maayos istasyon ng pulis sa kasalukuyang kinalalagyan nito. (CLJD/SFV-PIA 3)

 


Other News

CARAT Expo 2017 to increase agro marine productivity in Caraga
  • July 21, 2017
BUTUAN CITY, July 20 (PIA) – In keeping the momentum of advancing the region’s rich agricultural and fishery products, the Butuan City Chamber of Commerce and Industry Foundation, Inc. will once again hold this year’s Caraga Agricultural Trade and Marketing Exposition or CARAT Expo 2017 on August 10-13, here. CARAT Expo 2017 carries the theme, “Zoom up Caraga! Responding to challenges in agri-aqua productivity, responsible mining and progressive entrepreneurship.” “It will be a four-day event and is highlighted by hosting the 21st Caraga Business Conference slated also on Au...Read more
Valenzuela wins second E-Readiness award
  • July 21, 2017
VALENZUELA CITY, July 21 (PIA)—The City Government of Valenzuela received its second bags this year's e-Readiness Leadership Award during the Electronic Business Permits and Licensing Summit held at the Novotel Manila in Quezon City, July 18, 2017. The award recognizes local chief executives who are pioneering the adoption and strategic use of Information and Communications Technology (ICT) to enhance their delivery of government services, improve revenue/tax collection efforts, improve business permits application and renewal processes, and to promote transparency in government o...Read more
SSS ready to implement EC Funeral benefit hike in 1 month from effectivity date
  • July 21, 2017
BUTUAN CITY, July 21 - State-run Social Security System (SSS) on Thursday said it is ready to implement the recently issued Executive Order No. 33 by President Rodrigo Duterte ordering the increase of the Employees’ Compensation (EC) funeral benefits for government and private sector employees from P20,000 to P30,000 within 30 days from the publication date of the Implementing Rules and Regulations to be issued by the Employees’ Compensation Commission. "We just need a month to make system adjustments to implement the P10,000 increase in EC funeral benefit. We are one with Pres. Dutert...Read more
Gov’t broadens horizons for PWDs
  • July 21, 2017
CAGAYAN DE ORO CITY, July 20 (PIA) – To foster beneficial programs for the persons with disabilities (PWDs) and ensure their access to public services, various national line agencies highlighted their programs, projects and services for the sector during the Talakayan sa PIA on July 14.   On upholding the rights of PWDs on transportation, Land Transportation Office (LTO) Regional Director Oscar Salcedo said that they are constantly monitoring the compliance of drivers and passengers on reserving one space or seat for PWDs.   “The moment nga naa’y pasahero nga PWD (when ther...Read more