Modernisasyon ng tatlong ospital sa Bulacan, nilaanan ng P36.9M ng DOH

  • May 18, 2017
  • Shane F. Velasco

LUNGSOD NG MALOLOS, Mayo 18 (PIA) -- Sabay-sabay na isasailalim sa modernisasyon ang tatlong pampublikong ospital sa Bulacan kasunod ng paglalaan ng halagang 36.9 milyong piso mula sa Department of Health o DOH.

 

Ayon kay DOH Secretary Paulyn Jean Ubial, magiging mabilis ang pagsasaayos sa mga pasilidad sa mga pampublikong ospital sa bansa kasabay ng tuluyang pagdadagdag at pagkukumpleto ng mga kagamitan at kasangkapan.

 

Patunay dito ang gagawing pagsubasta sa mga kontrata upang maisaayos ang Ospital ng Guiguinto at Baliwag District Hospital.

 

Popondohan din ang konstruksiyon ng bagong gusali para sa out-patient department ng Ospital ng San Jose Del Monte.

 

May halagang 6.9 milyong piso ang pondong inilaan para sa pagkukumpuni at renobasyon ng Ospital ng Guiguinto na muling binuksan sa publiko noong 2008.

 

Aabot naman sa 20 milyong piso ang matatanggap na pondo ng Baliwag District Hospital na gagastusin sa pagpapabuti ng mga pasilidad partikular na ang rewiring ng linya ng kuryente at pagpapalit ng nabubulok nang bubong.

 

Sa pondo rin ito bibili ng dagdag na kagamitan ang naturang ospital kabilang na ang tatlong set ng EENT (Ear-Eyes-Nose and Throat) Diagnostic Set, isang Defibrillator with monitor, isang Cardiac monitor, dalawang Pulse oximeter, dalawang Emergency cart, tatlong Food conveyors na may 30 trays, dalawang Wheeled stretcher, anim na Examining table na may stirrups, isang Operating room table, isang Operating Room (OR) LED Light-single head-ceiling mounted, dalawang mobile OR room light, dalawang Electrosurgical cautery machine, dalawang Suction machine 5L, apat na Chart file carriage stainless mobile at isang Automatic processor (X-Ray) Dae Sung Pro 14 Film Processor.

 

Madadagdagan din ng 50 bagong hospital bed sets na may bedside table, overbed and footstool, IV Sole at iba pang kailangan.

 

Samantala, 10 milyong piso ang kaloob ng DOH para sa itatayo na ang bagong Out-Patient Department o OPD ng Ospital ng San Jose Del Monte. (CLJD/SFV-PIA 3)

 

 


Other News

DOLE intensifies employment facilitation
  • July 22, 2017
MANILA, July 22 -- Emphasizing the government’s overall effort to invest in human capital development, Secretary Silvestre Bello III said the labor department is steadfast in providing employment facilitation to the public.   On its first year under the administration of President Rodrigo Duterte, the Department of Labor and Employment (DOLE) has served as the catalyst for the meeting of employers and jobseekers through the conduct of job fairs and created a job-ready workforce through its youth employment programs.   Among the beneficiaries are the over 140,000 jobseekers w...Read more
DSWD Chief leads distribution of P5,000 aid to ‘Yolanda’ survivors in Negros
  • July 22, 2017
NEGROS OCCIDENTAL, July 22 -- Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy M. Taguiwalo flew to Negros Island Region (NIR) on Monday this week to lead the distribution of the P5,000 Presidential Financial Assistance (5KPFA) to the survivors of Super Typhoon Yolanda in Sagay City, Negros Occidental who have not received help from the government.   The 5KPFA is the financial aid intended for ‘Yolanda’-affected households in Regions VI, VII, VIII, and Negros Island Region (NIR) who have not received the government’s Emergency Shelter Assistance (ESA) since the ...Read more
Antique IOs, media briefed on ASEAN
  • July 22, 2017
SAN JOSE, Antique, July 21 (PIA6) - - The Philippine Information Agency (PIA) Antique Office gathered the local media and government information officers in the province for a briefing about the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) and the significance of the country’s hosting of the ASEAN summit this year.   “We recognize your role in delivering information and as important link between the government and people,” said PIA Antique Manager Vicente W. Villavert during the program where he also said that the ASEAN briefing is one of the activities of PIA aimed to highlight und...Read more
PIA launches first ASEAN info kiosk in Basilan
  • July 22, 2017
by Rene V. Carbayas   ISABELA CITY, Basilan, July 19 (PIA) – In line with the Philippines’ chairmanship of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), the Philippine Information Agency (PIA) Region 9 formally launched its first ASEAN Info Kiosk at Isabela City Port Terminal on July 14.   The installation of the information kiosk at the passengers’ terminal showcased audio-visual presentation videos of ASEAN and IEC materials that will provide the public information on the Philippines’ chairmanship that coincides with the 50th Anniversary of ASEAN.   Philipp...Read more