Pagtataas sa mga kalsada sa Kapitolyo, pinabibilisan ni Gob. Willy

  • April 21, 2017
  • Shane F. Velasco

LUNGSOD NG MALOLOS, Abril 21 (PIA) -- Target ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado na mapadaanan ang marami sa pangunahing road network sa bakuran ng Kapitolyo bago dumating ang tag-ulan. 

 

Nasa kasagsagan na ngayon ng ginagawang pagtataas sa mga kalsada sa paligid ng Kapitolyo ng Bulacan. 

 

Sarado pa rin ngayon ang papasok na kalsada sa Kapitolyo mula sa Mac Arthur Highway at ang karugtong nito papunta sa lumang kampus ng Marcelo H. Del Pilar High School habang sinimulan nang itaas ang bahagi nito sa harapan ng gusaling Ople. 

 

Ayon kay Engr. Glen Reyes ng Provincial Engineering Office, ipinapantay sa kasalukuyang itinaas ng MacArthur Highway at mga kalsada sa loob ng main campus ng Bulacan State University ang magiging taas ng gagawing kalsada.

 

May halagang 87 milyong piso ang ginagastos ngayon ng Kapitolyo para sa naturang proyekto. 

 

May kapal na walong pulgada ang konkretong semento na inilalatag dito habang kasing taas ng baywang ng taong matangkad ang itinambak na lupa upang tumaas ang lebel ng kalsada.

 

Mas malapad ang mga bangketa na nilagyan ng disenyong hindi makakadulas sa mga taong maglalakad tuwing tag-ulan. (CLJD/SFV-PIA 3)

  

 


Other News

ASEAN to hold first Prosperity for All Summit
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma “Joey” Concepcion III on Thursday, April 27, announced the holding of the first Prosperity for All Summit of the ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) during a press briefing held at The Conrad Manila. PA Concepcion, also the Chairman of the ASEAN – BAC, hopes to convince the more developed countries in the region to help those countries lagging behind, and for big business to give a lending hand to micro, small and medium enterprises (MSMEs). “ASEAN stands as 10 countries and it is my belief that 10 coun...Read more
KWF to launch first-ever Sebwano novel in Filipino
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Walay Igsoon, the first-ever Sebwano novel written by the first Sebwano novelist Juan Villagonzalo, will be launched by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) in this year’s Philippine International Literary Festival (PILF). Published in 1912—more than a century ago—Walay Igsoon, which means “without a brother,” is a story of two brothers who got orphaned and separated from each other because of the cruelties of the Spanish occupation—a separation that will later tear them apart as brothers because of the differences in their beliefs and in the social class t...Read more
DOLE issues pay rules for April 28 special non-working day in Metro Manila
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- The Department of Labor and Employment (DOLE) issued yesterday Labor Advisory No. 4, series of 2017 or the Payment of Wages for the Special Non-Working Day today, 28 April 2017, as the country hosts the summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) this week.  "Malacanang has declared April 28 as a non-working day in view of the ASEAN Summit meeting, but some of our workers are still required to go to work. We are issuing this pay rules advisory for the guidance and compliance of both workers and employers," Labor Secretary Silvestre Bello III said....Read more
DSWD-7 wins national awards
  • April 28, 2017
CEBU CITY, April 23 (PIA) --- The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VII under Regional Director Ma. Evelyn Macapobre took home several awards during the recently concluded DSWD Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) awarding ceremony at the Land Bank Auditorium in Ermita, Manila.  According to Regional Information Officer Leah Quintana, DSWD-7’s Social Marketing Unit (SMU)  won first place for the Gawad #DSWDMayMalasakit.   The award recognizes the proactive move of the Department through the use of social media such as Fa...Read more