Pagpapalaki ng tollgate sa Meycauayan, Mindanao at Balintawak, matatapos sa Mayo 2017

  • April 12, 2017
  • Shane F. Velasco

LUNGSOD NG MALOLOS, Abril 12 (PIA) -- Target tapusin ng NLEX Corporation ang mga nilalakihang tollgate sa North Luzon Expressway o NLEX partikular na sa Meycauayan Exit, Mindanao, at sa Balintawak.

 

Ayon kay NLEX Corporation President Rodrigo Franco, tatapusin ngayong Mayo 2017 ang mga naturang proyekto.

 

Bukod sa pagdadagdag ng isang linya sa tollgate ng Meycauayan, sa southbound lane o paluwas ng Metro Manila, iniusog din ang nasabing tollgate palabas sa NLEX.

 

Bahagi ito ng kahilingan ng pamahalaang lungsod ng Meycauayan sa pamamagitan ni Mayor Henry Villarica.

 

Samantala, dinagdagan ng tatlong tollbooth ang tollgate sa Mindanao Avenue exit, northbound o papuntang Bulacan.

 

Ipinaliwanag ni Franco na dahil natutunan na nang maraming mga motorista na gamitin ang Mindanao Avenue exit upang makaiwas sa trapik sa Munoz at Balintawak, kinakailangang madagdagan ang bilang ng tollbooths sa bagong bahaging ito ng NLEX.

 

Ang Mindanao Avenue exit ay nagsisilbing alternatibong daan ng mga motoristang mula sa NLEX patungong silangang bahagi ng Quezon City gaya ng North Avenue, Visayas Avenue, Luzon Avenue, Commonwealth Avenue, Katipunan Avenue at C-5 Road.

 

Nakatayo na rin ang walong bagong tollbooths sa Balintawak Toll Plaza sa Caloocan.

 

Ito ang pambungad at pangunahing tollgate ng NLEX na unang sasalubong sa mga biyaheng Gitna at Hilagang Luzon.

 

Ang disenyo ng bagong walong tollbooths sa Balintawak ay katulad ng disenyong ginawa sa Bocaue Toll Plaza na binuksan noong 2016.

 

Umabot sa halagang 354.3 milyong piso ang ginugugol ng NLEX Corporation para sa ginagawang pagpapalaki ng mga tollgate.

 

Samantala, sisimulan naman sa Hunyo 2017 ang pagpapalaki ng tollgate ng Subic-Clark-Tarlac Expressway sa Tipo na bungad papasok sa Subic Bay Freeport Zone.

 

Mula sa kasalukuyang apat na tollgates, gagawin na itong anim sa halagang 22 milyong piso. (CLJD/SFV-PIA 3)

 


Other News

Diokno highlights the role of fiscal policy in DuterteNomics part 2
  • April 27, 2017
MANILA, April 27 -- On April 25, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin E. Diokno once again joined senior officials of the national government at the Conrad Hotel in Pasay City for “Dutertenomics II”, a rerun of the forum “Dutertenomics” organized by the Department of Finance (DOF) and the Presidential Communications Operations Office (PCOO) held at the same venue last April 18, 2017. Similar to Dutertenomics I, the second forum dealt on the economic policies and development blueprint of President Rodrigo Duterte. This time, however, delegates of the foreign m...Read more
Projects registered with BOI increase over 30% in the first 4 months of 2017
  • April 27, 2017
MAKATI CITY, April 27 -- Preliminary estimates of investment figures approved by the Philippine Board of Investments (BOI) in the first four months of 2017 reached P154 billion. DTI Secretary and BOI Chair Ramon M. Lopez said the figure is tracking an increase of over 30 percent compared to last year over the same period, which registered P117.2 billion. Projects registered with the agency during the period grew to 194, or an increase of 92 percent from the 101 projects registered in the same frame in 2016. These projects are expected to generate 46,018 new jobs once operational—an ...Read more
DPWH to repair 8 roads this weekend
  • April 27, 2017
MANILA, April 27 -- Motorists are advised that the Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) will resume weekend road repair and reblocking on eight road sections in the cities of Quezon, Makati, Pasig, and Valenzuela. DPWH-NCR Director Melvin B. Navarro said repairs will be undertaken starting at 11 am on Friday, April 28, 2017 at the second lane, southbound direction of Epifanio delos Santos Avenue from Roosevelt Avenue to Quezon Avenue in Quezon City; along southbound direction of C5 before Lanuza Avenue, Pasig City and from Makati/Pasig Boundary to ...Read more
Deadline for submission of SSS-loan restructuring program (LRP) application today
  • April 27, 2017
QUEZON CITY, April 27 -- To cut the waiting time and accommodate all applicants, the Social Security System (SSS) will only accept and stamp Loan Restructuring Program (LRP) applications subject to its evaluation and approval at a later time. The change in the procedure is due to the influx of members going to branches to beat the deadline for the submission of LRP applications today. Applications will be accepted by SSS branches and members will be notified via text when they can claim their approval slip. Members can only pay once they get their approval slip. SSS branches in Manila, ...Read more