Tagalog news: Drug surrenderers na nagtapos sa CRBP, tagumpay ng Antipolo kontra-droga  

  • August 09, 2017

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Agosto 9 (PIA) -- Nabigyan ng bagong pag-asa ang 26 drug surrenderers na nagtapos sa Muntindilaw Community-Based Rehabilitation Program (MCBRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo kamakailan sa Barangay Muntindilaw.

 

Ito ang kauna-unahang Graduation Exercise ng CRBP sa barangay na may layong ipakita sa lahat na ang pagbabago at pagliligtas sa mga nalulong sa masamang droga ay posible.

 

“Kung ang CSWD ay may 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ang CBRP naman ay may 3Ps – Pagbabago, Pag-asa, at Paki-usap. Pagbabago dahil ang bawat isa sa atin ay dapat mabigyan ng pangalawang pagkakataon. Pag-asa dahil may mga tulong at programang nakalaan na para sa ikakabubuti ng mga nagsipagtapos. Ang panghuli ay Pakiusap sa lahat na hikayatin pa ang karamihan na makiisa na rin sa programa ng pamahalaang lungsod at mga katuwang na ahensiya na sinisiguradong hindi lang ang pagsugpo ng droga sa lungsod kundi ang pagliligtas sa mga nalulong dito,” pahayag ni Antipolo City Mayor Jun Ynares.

 

Nagbigay ng testamento ang ilan sa mga nagsipagtapos tungkol sa kanilang pinagdaanan at ang mabuting epekto ng tuluyang paglayo sa bawal na gamot.

 

Tuloy-tuloy din ang pakikipagtulungan sa lungsod ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Antipolo – PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Dangerous Drugs Board (DDB), Department of Education (DepEd), at Technical Education and Skills Development Agency (TESDA).

 

Kaugnay nito, nagdaos ng OPLAN SAGIP Orientation Seminar ang Dangerous Drugs Board (DDB) sa Ciudad Christhia Resort, Brgy. Ampid, San Mateo, Rizal noong Hulyo 31 hanggang Agosto 2, 2017 para sa mga miyembro ng Antipolo City Anti-Drug Abuse Council (ACADAC), iba’t ibang barangay sa lungsod at mga departamento sa buong Rizal na may layunin at kinalaman sa pagsugpo ng iligal na droga. Ito ay bilang paghahanda ng mga impormasyon at pagpaplano ng mga kailangang serbisyo upang tugunan ang problema sa droga at ang pagsagip sa mga drug users at surrenderers. (PIA-Rizal/ N. Leyva, Antipolo PIO)


Other News

DepEd, other agencies participate in the HDPR Community Forum and Serbisyo Caravan
  • August 21, 2017
PASIG CITY, Aug. 21 – To ensure that students, parents, and other stakeholders have the necessary information on its priority programs and projects, the Department of Education (DepEd) participated at the Community Forum and Serbisyo Caravan held on 12 August 2017 at the Commonwealth Elementary School in Quezon City.   With the theme, Edukasyon, Kalusugan, at Proteksyon, this inter-agency initiative aimed to bring government services directly to the people from the various government agencies under the Human Development and Poverty Reduction (HDPR) Cabinet Cluster.   The ...Read more
DepEd inks pacts with educ partners, receives donations for learners
  • August 21, 2017
PASIG CITY, Aug. 21 – Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Magtolis Briones expressed her gratitude toward various education partners for always putting high value and extending help and assistance to the education sector.   The Education Chief conveyed this during the ceremonial turnover of donations for learners and signing of Memorandum of Agreements (MOA) with DepEd partners on 10 August 2017 at the Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office in Pasig City.   “DepEd is feeling very blessed and spoiled because we are always number one whenever a business in...Read more
ALC Foundation celebrates World Bamboo Day with ​​‘Camp Kawayan’ bamboo planting event
  • August 21, 2017
  Got nothing to do this September? Are you looking for an exciting adventure with a cause for your family and squad? Join Kawayanihan 2017: Camp Kawayan and be a bamboo warrior!   In celebration of World Bamboo Day 2017, ALC Foundation is organizing a bamboo planting trail dubbed as “Camp Kawayan” under its Kawayanihan project. The half-day event hopes to gather around 2,000 volunteers from Metro Manila, Central Luzon, and South Luzon along the riverbanks of San Mateo, Rizal (starting from Dulongbayan 1) on 23 September 2017, 6 am onwards.   It is hoped that this uni...Read more
Exclusive breastfeeding campaign continues in CDO
  • August 21, 2017
CAGAYAN DE ORO CITY, Aug. 21 (PIA) – In an episode of Talakayan sa PIA on 15 August 2017, Department of Health (DOH) region 10 explained the importance of mothers giving exclusive breastfeeding to their newborn up to six months. This is a crucial stage wherein a mother’s milk is what the baby needs and nothing else. Apart from that, this is where the baby gets all the nutrients and immunity to survive the world outside the womb. Gilda Ajoc, Baby Friendly Hospital Initiative Program Coordinator of DOH region 10 shared that some mothers might think that they don’t have the milk or ...Read more