Tagalog news: Overseas Jobs, hatid ng SRA sa Antipolo

  • August 09, 2017

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Agosto 9 (PIA)-- Oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa ang nakamit ng mga jobseekers sa Lungsod ng Antipolo sa isinagawang Special Recruitment Activity (SRA) kamakailan na ginanap sa Gender Advocacy Development (GAD) Center. 

 

Sa ilalim ng temang “Sa Bawat Bahay May Hanapbuhay,” umabot sa may 65 aplikante ang lumahok sa paghahanap ng papasukan sa ibang bansa sa SRA na isinagawa ng pamahalaang lungsod katuwang ang Public Employment Service Office (PESO), ito ang pangalawang SRA na nailunsad sa buwan ng Hulyo.

 

“Patuloy po ang mga progama ng lokal na pamahalaan na magpapadali at magpapabilis sa paghahanap ng mga trabaho upang mas maraming Antipoleño po ang makakuha ng pagkakataong makapasok sa kanilang nais na propesyon. Malaking ginhawa po ang mararanasan ng mga mamamayan dahil ilalapit po namin ang opurtunidad sa inyo sa pag-iimbita ng mga employers dito sa lungsod para hindi na po kayo lumuwas sa malayong lugar upang makapag-apply,” pahayag ni Antipolo City Mayor Jun Ynares.

 

Malugod na nakiisa sa programa ang Magsaysay Careers kung saan kanilang binigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makakuha ng trabaho sa ibang bansa gaya ng Oman at iba pang bansa sa Middle East. Nakiisa rin at nagsagawa ng browsing ang SM Appliance sa mga active resume ng PESO sa paghahanap nila ng mga bagong empleyado.

 

Maliban sa SRA, walang tigil din ng pagsasagawa ang pamahalaang lokal ng mga Local Recruiment Acitivities (LRA), Job Fair at Daily Employment Referral upang mas marami ang mabigyan ng trabaho sa lungsod. (PIA-Rizal/ P. Cabasbac, Antipolo PIO)


Other News

DepEd, other agencies participate in the HDPR Community Forum and Serbisyo Caravan
  • August 21, 2017
PASIG CITY, Aug. 21 – To ensure that students, parents, and other stakeholders have the necessary information on its priority programs and projects, the Department of Education (DepEd) participated at the Community Forum and Serbisyo Caravan held on 12 August 2017 at the Commonwealth Elementary School in Quezon City.   With the theme, Edukasyon, Kalusugan, at Proteksyon, this inter-agency initiative aimed to bring government services directly to the people from the various government agencies under the Human Development and Poverty Reduction (HDPR) Cabinet Cluster.   The ...Read more
DepEd inks pacts with educ partners, receives donations for learners
  • August 21, 2017
PASIG CITY, Aug. 21 – Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Magtolis Briones expressed her gratitude toward various education partners for always putting high value and extending help and assistance to the education sector.   The Education Chief conveyed this during the ceremonial turnover of donations for learners and signing of Memorandum of Agreements (MOA) with DepEd partners on 10 August 2017 at the Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office in Pasig City.   “DepEd is feeling very blessed and spoiled because we are always number one whenever a business in...Read more
ALC Foundation celebrates World Bamboo Day with ​​‘Camp Kawayan’ bamboo planting event
  • August 21, 2017
  Got nothing to do this September? Are you looking for an exciting adventure with a cause for your family and squad? Join Kawayanihan 2017: Camp Kawayan and be a bamboo warrior!   In celebration of World Bamboo Day 2017, ALC Foundation is organizing a bamboo planting trail dubbed as “Camp Kawayan” under its Kawayanihan project. The half-day event hopes to gather around 2,000 volunteers from Metro Manila, Central Luzon, and South Luzon along the riverbanks of San Mateo, Rizal (starting from Dulongbayan 1) on 23 September 2017, 6 am onwards.   It is hoped that this uni...Read more
Exclusive breastfeeding campaign continues in CDO
  • August 21, 2017
CAGAYAN DE ORO CITY, Aug. 21 (PIA) – In an episode of Talakayan sa PIA on 15 August 2017, Department of Health (DOH) region 10 explained the importance of mothers giving exclusive breastfeeding to their newborn up to six months. This is a crucial stage wherein a mother’s milk is what the baby needs and nothing else. Apart from that, this is where the baby gets all the nutrients and immunity to survive the world outside the womb. Gilda Ajoc, Baby Friendly Hospital Initiative Program Coordinator of DOH region 10 shared that some mothers might think that they don’t have the milk or ...Read more