Street Dance Competition, salubong sa selebrasyon ng Maytime Festival sa Antipolo

  • May 18, 2017

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Mayo 18-- Kagiliw-giliw na pagsasayaw at makukulay na kasuotan ang pumarada sa mga kalye ang Antipolo sa isinasagawang Street Dance Competition ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, bilang pagsalubong sa selebrasyon ng Maytime Festival noong Mayo 1.

Nagtagisan ang iba’t ibang mga paaralan at kolehiyo sa lungsod upang maipakita sa lahat ang kagalingan at kasiyahan tuwing buwan ng Mayo sa lungsod. Pinangunahan ng Antipolo City Culture, Arts and Tourism Promotions Office (AnCATTPO) ang pagdiriwang na may layong paunlarin ang turismo ang ipakilala ang makulay na tradisyon at kultura ng Antipolo.

Ayon kay Mayor Ynares, hindi matatawaran na ang lungsod ng Antipolo ay mas lalong umuunlad pa dahil patunay rito ang patuloy na pagdami taun-taon ng mga turista na nakikilahok at nakikiisa sa mga pagdiriwang ng Antipolo. “Nakakatuwang isipin na sa pag-unlad ng ating lungsod ay buhay na buhay pa rin sa atin ang kultura at pagpapahalaga sa tradisyon,” aniya.

Nagsimula ang parada sa Sumulong Park at ginanap naman ang Final Salvo sa Ynares Center. Nagtagisan ng galing ang 19 na eskwelahan sa buong Antipolo na nagpamangha sa kanilang inihandang cultural presentation.

Sa huli, itinanghal na kampeyon ang “Dancing Engineers”  ng Antipolo City Institute of Technology (AiTech) habang 1st runner up naman ang University of Rizal System Antipolo. Kinilala rin ang Gateways Institute of Science Technology, San Roque National High School at Sumulong College of Arts and Science bilang 2nd,3rd, at 4th runner up.

Marami pang nakalinyang mga programa ang lungsod para sa pagdiriwang ng Maytime Festival katulad ng Antipolo Idol, Queen of  Antipolo 2017, Grand Sagala, Musiclaban at iba pa. (PIA-Rizal/ N/ Leyva, Antipolo PIO)


Other News

QC Council passes ordinance granting P5k emergency medical assistance for elderlies
  • August 23, 2017
QUEZON CITY, Aug. 23 (PIA)--The Quezon City Council has passed an ordinance granting a P5,000 emergency medical assistance for elderly residents admitted in hospitals owned by the city government.   City Ordinance 2598-2017 also known as “Quezon City Emergency Medical Benefit Assistance for Senior Citizens” authored by Councilor Rogelio P. Juan aims to provide financial relief to our senior citizens and to their families who are already burdened emotionally and economically of the medical condition of their elderly.   Funding for the assistance will be taken from the one perc...Read more
CRDRRMC advises tourists against trekking with the inclement weather
  • August 22, 2017
  BAGUIO CITY, Aug. 22 (PIA) - - The Cordillera Disaster Risk Reduction and Management Council(CDRRMC)  advises the public not to go trekking or mountain hiking with the  enhanced Southwest monsoon due to Tropical Storm “Isang”. Leticia Dispo of PAGASA Baguio, in the CRDRRMC Emergency Response Preparedness (ERP) meeting  today, affirmed that light to moderate rains with occasional moderate to heavy rainfall will prevail over Cordillera until Wednesday as even though TS “Isang” is now moving out of the Philippine Area of Responsibility, it continues to enhance the southwest m...Read more
34-nation ACD kicks off series of meetings in Panglao
  • August 22, 2017
PANGLAO, August 7 (PIA) -- The four-day Asia Cooperation Dialogue (ACD) that tackles energy security, sustainability and resiliency started their series of meetings on August 7 at the Plenary Hall of Be Grand Resort in Panglao Island, Bohol. Gov. Edgar Chatto welcomed the delegates to the conference, as he thanked the organizers for giving Bohol the opportunity to host this international event.  Chatto said Boholanos are extremely impressed that the ACD, which has 34 member countries, chose Bohol as this year's venue.  Bohol also hosted the meetings of the Association of S...Read more
DENR-EMB grants P500K for Larena solid waste management program
  • August 22, 2017
SIQUIJOR, August 9 (PIA) -- The municipal government of Larena is a recipient of a grant of P500,000 from the Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environment Management Board (EMB) in Region 7. The amount is intended for the construction of a Material Recovery Facility (MRF) building and purchase of a shredder machine in line with the Solid Waste Management program. The required documents were already submitted to DENR to support the immediate release of the funds. These include ownership of the lot (Certificate of Land Title, Deed of Donation, Tax Declaration), De...Read more