Negosyo at benepisyo ng pag-gugulay, pinag-usapan sa lungsod ng Antipolo

  • May 18, 2017

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Mayo 18-- Napaligiran ng luntian at sariwang mga pananim ang isinagawang “Usapang Gulayan – Vegetable Expo” ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo katuwang ang East-Seed Philippines na ginanap sa Boso-Boso, Barangay San Jose noong nakaraang Abril 20, 2017.

Pinangasiwaan ng City Agriculture Office ang programa na may temang “Asensado ang Buhay sa Negosyong Pag-gugulay!” kung saan ibinahagi sa mga dumalo ang mga tamang paraan ng pagtatanim at benepisyo sa pagtatanim at pagkain ng gulay.

Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, ang gulay ay hindi lang pangunahing pagkain ng tao kundi maaari ding pagkakitaan. Dahil dito, ang pamahalaang lokal ay nagsasagawa ng ganitong programa upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga Antipolenyo sa pag-gugulay at mabigyan sila ng pagkakataon na makapag-negosyo sa pamamagitan nito.

Mayroong 200 na magsasaka ang nabiyayaan ng libreng binhi ng gulay upang kanilang itanim sa kanilang mga sariling lupa. Nagbigyan din sila ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga dekalidad na binhing gulay at ang mga makabagong teknolohiya sa pagpapalago ng pananim.

Nakiisa rin sa nasabing programa si Vice Mayor Josefina “Pining” Gatlabayan upang magpakita ng suporta sa mga dumalo na balak mag-negosyo sa tulong ng pagtatanim ng gulay.

Noong 2015 ay nagkaroon na din ng parehong programa sa Sitio Pantay kung saan ang nabahagian ng impormasyon tungkol sa pagtatanim ng gulay ay ang mga representante ng barangay at ibang mga mag-aaral at guro sa lungsod. (PIA-Rizal/ N. Leyva, Antipolo PIO)


Other News

DepEd, partners conduct Psychological First Aid for displaced Marawi teachers, personnel
  • June 26, 2017
CAGAYAN DE ORO CITY, June 26 – A total of 44 public school teachers and personnel form Marawi City were among the first to receive Psychological First Aid (PFA) conducted by the Department of Education (DepEd) and its partners from June 20 - 22, 2017 at the National Educators Academy of the Philippines (NEAP) Region 10 in Cagayan de Oro City. Reaffirming Education Secretary Leonor Magtolis Briones’s commitment to help and assist all affected learners, teachers and other DepEd personnel in re-establishing a sense of normalcy, DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) D...Read more
Report establishments that refuse to give Senior Citizen privileges-Angeles
  • June 26, 2017
TARLAC CITY, June 26 (PIA) -- Mayor Cristy Angeles encouraged the elderly to report establishments that refuse to give Senior Citizen privileges.   In her speech during the recently concluded Federation of Senior Citizens Association of the Philippines Leadership and Records Management Training and Seminar, Angeles reiterated that the city government strictly implements the privileges and benefits for the senior citizens as mandated by Republic Act 9994 or the Expanded Senior Citizens Act of 2010.   “According to RA 9994, senior citizens shall be entitled to 20% discount and ex...Read more
ARMM pursues IdoMalPhil trilateral maritime patrols
  • June 26, 2017
COTABATO CITY, June 26(PIA)—In a move to boost business confidence in the region, the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) regional government welcome the establishment of the trilateral maritime patrol (TMP) arrangement between Indonesia, Malaysia and the Philippines. Regional Board of Investments (RBOI) chair Ishak Mastura acknowledges the significance of the arrangement in boosting the cross-border trading in the ARMM’s island provinces. “This (TMP) is an important development for the ARMM because people from our island provinces have been doing cross-border trading since...Read more
Campaign for “Letters of Hope” for soldiers and civilians in Marawi City on
  • June 26, 2017
COTABATO CITY, June 26 (PIA)—People from other regions and even those living abroad can reach out and offer prayers to soldiers and affected residents in Marawi City through “letters of hope”. Cabinet Secretary Khal Mambuay-Campong of the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) said a group of private individuals in Luzon started the campaign in coordination with the autonomous region. “Actually this idea started when a doctor who visited Marawi City launched a donation drive for garments and thank you notes to soldiers in the city fighting the local terror groups,” Sec. C...Read more