Kampanya laban sa droga sa Antipolo, pinaigting sa mga empleyado

  • April 18, 2017

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Abril 17 (PIA) -- Upang masiguradong wala ng kawani pa ang masasangkot sa droga, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa tulong ng Antipolo City Anti-Drug Abuse Council (ACADAC), ng “Seminar on Drug Abuse Prevention in the Workplace” noong Marso 22, 2017 na ginanap sa City Hall. Dinaluhan ng 75 mula sa iba’t ibang departamento ang seminar kung saan tinalakay ang mga isyu tungkol sa droga at ang layon ng pamahalaang lokal na gawin “drug-free” ang lungsod.

 

“Nalulungkot po ako kapag mayroon tayong empleyado na nagpopositibo sa droga dahil ang kasunod po noon ay pagkatanggal sa trabaho. Ito po ay patunay lamang na kahit kalian ay walang magandang maidudulot ang dorga sa buhay ng tao. Sisirain nito ang mga pangarap mo, trabaho mo at relasyon mo sa pamilya. Sa madaling salita, sisirain nito ang buhay mo. Ang kampanya po natin sa droga ay mananatili hanggat may nasisirang buhay dahil dito,” pahayag ni Antipolo City Mayor Jun Ynares.

 

Simula pa noong 2013, umabot na sa 72 na kawani ang nagpositibo sa droga pagkatapos sumailalim sa drug test.

 

Binigyan ang mga dumalo sa seminar ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002 at ang mga sintomas na isang lulong sa droga.

 

Inilatag din ng ACADAC ang mga kampanya ng pamahalaang lokal sa pagsugpo sa iligal na droga at ang pagbibigay ng bagong buhay sa mga “drug surrenderers” katulad na lamang ng Community-Based Rehabilitation Program (CBRP) at After-Care Services.

 

Kaugnay dito, may nakatakdang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) Summit na gaganapin sa darating na Abril bilang paghahanda at pagpapalakas ng mga kailangang serbisyo at impormasyon para sa mga drug surrenderers sa Antipolo. (PIA-Rizal/ N. Leyva, Antipolo PIO)


Other News

QC Council passes ordinance granting P5k emergency medical assistance for elderlies
  • August 23, 2017
QUEZON CITY, Aug. 23 (PIA)--The Quezon City Council has passed an ordinance granting a P5,000 emergency medical assistance for elderly residents admitted in hospitals owned by the city government.   City Ordinance 2598-2017 also known as “Quezon City Emergency Medical Benefit Assistance for Senior Citizens” authored by Councilor Rogelio P. Juan aims to provide financial relief to our senior citizens and to their families who are already burdened emotionally and economically of the medical condition of their elderly.   Funding for the assistance will be taken from the one perc...Read more
CRDRRMC advises tourists against trekking with the inclement weather
  • August 22, 2017
  BAGUIO CITY, Aug. 22 (PIA) - - The Cordillera Disaster Risk Reduction and Management Council(CDRRMC)  advises the public not to go trekking or mountain hiking with the  enhanced Southwest monsoon due to Tropical Storm “Isang”. Leticia Dispo of PAGASA Baguio, in the CRDRRMC Emergency Response Preparedness (ERP) meeting  today, affirmed that light to moderate rains with occasional moderate to heavy rainfall will prevail over Cordillera until Wednesday as even though TS “Isang” is now moving out of the Philippine Area of Responsibility, it continues to enhance the southwest m...Read more
34-nation ACD kicks off series of meetings in Panglao
  • August 22, 2017
PANGLAO, August 7 (PIA) -- The four-day Asia Cooperation Dialogue (ACD) that tackles energy security, sustainability and resiliency started their series of meetings on August 7 at the Plenary Hall of Be Grand Resort in Panglao Island, Bohol. Gov. Edgar Chatto welcomed the delegates to the conference, as he thanked the organizers for giving Bohol the opportunity to host this international event.  Chatto said Boholanos are extremely impressed that the ACD, which has 34 member countries, chose Bohol as this year's venue.  Bohol also hosted the meetings of the Association of S...Read more
DENR-EMB grants P500K for Larena solid waste management program
  • August 22, 2017
SIQUIJOR, August 9 (PIA) -- The municipal government of Larena is a recipient of a grant of P500,000 from the Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environment Management Board (EMB) in Region 7. The amount is intended for the construction of a Material Recovery Facility (MRF) building and purchase of a shredder machine in line with the Solid Waste Management program. The required documents were already submitted to DENR to support the immediate release of the funds. These include ownership of the lot (Certificate of Land Title, Deed of Donation, Tax Declaration), De...Read more