Pagpili ng 2017 Huwarang Pantawid Pamilya ng NCR sinimulan na

  • August 11, 2017

LUNGSOD MAYNILA, Agosto 11, (PIA) - - Sinimulan na kahapon, Agosto 9, ng National Capital Region Regional Inter-Agency Committee for Filipino Family ( NCR RIAC-FF) ang pagpili ng 2017 Huwarang Pantawid Pamilya.

Abot sa 17 na pamilya mula sa parehong bilang ng mga  lokal na pamahalaan sa NCR ang pagpipilian ng komite batay sa itinakdang panuntunan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office.

Nauna nang ipinahayag ni DSWD Regional Director Andrew Vince Leyson na ang pagpili ng Huwarang Pantawid Pamilya ay pagkilala sa pamilyang kahit naghihirap ay nasusunod ang mga kondisyon ng programa at gumagawa ng mga hakbang upang makawala sa kadena ng kahirapan.

Layunin ng aktibidad na gawing ehemplo ang mga pamilyang ito at ipaalam sa publiko ang magagandang nagagawa ng programa.

Kasama sa mga batayang tiningnan ay ang mga sumusunod: a) 100% pagsunod sa mga  kondisyones na kaakibat ng programang Pantawid Pilipino; b) isinasagawa at isinusulong ang “Healthy Living”; aktibo sa mga gawaing komunidad, kasama ang pangangalaga sa kapaligiran;  may paggalang at pagmamahal sa pamilya at sa kanilang komunidad, at, maayos na paggamit ng cash grant.

Ang mga pagpipilian naman ay ang mga sumusunod na pamilya:  Antoniano ng Taguig City, Magtibay mula sa Makati City, Luzano ng Paranaque City, Balague ng Muntinlupa City, Mojados ng Las Pinas, Domingo mula sa Navotas City, Belarmino ng Valenzuela City, De Guzman ng Caloocan City, Enriquez ng Marikina City, Ongas ng Quezon City, Oconer mula sa Pasig City, Ayao ng Mandaluyong City, Atibagos ng San Juan, Bigkas ng Pateros at Lachica ng Manila. 

Ang mga Pantawid City Link kasama ang mga social worker ng mga lokal na pamahalaan ang namili ng Huwarang Pamilya na siyang inilaban sa rehiyon.

Ang RIAC-FF naman na siyang nagtatasa ng mga pamilya mula sa iba’t ibang LGU upang mapili ang Huwarang Pantawid Pamilya ng rehiyon ay binubuo ng mga focal person ng iba’t ibang ahensiya at non-government organization (NGO) sa NCR tulad ng: CHED, DSWD, DepEd, DOH, NCMF, MMDA, NHA, POPCOM, PIA, PSA, at ERDA Foundation.

Ang  “Search for Huwarang Pantawid Pamilya” ay sinimulan ng NCR noong 2010, at inadap ng DSWD Central Office noong 2012 na ibinaba iba’t ibang rehiyon sa buong bansa. Layon ng “Search” na itampok ang kahalagahan ng Pamilyang Filipino para sa matibay  na pundasyon ng  bansa.

"Kinikilala namin ang kontribusyon ng mga pamilya sa pagsulong ng bansa, at kinikilala rin namin ang mga hamon at balakid na kanilang kinaharap. Ipinapakita ng mga modelyong pamilyang ito na sa pamamagitan ng pagsisikap, determinasyon at tulong ng pamahalaan, maiaangat nila ang kanilang mga sarili pati na rin ang kanilang komunidad,” talumpati ni Secretary Taguiwalo sa naunang pagpaparangal ng Huwarang Pantawid Pamilya. (RJB/LFB/PIA-NCR)


Other News

High, Inclusive Growth Plan starts picking up steam
  • August 18, 2017
MANILA, Aug. 18 -- Finance Secretary Carlos Dominguez III said the Gross Domestic Product (GDP) expansion of 6.5 percent in the second quarter is “solid proof” that the government’s “unparalleled” investment strategy anchored on the ‘Build, Build, Build” program has started to “pick up steam,” and is on course to steering the Philippine economy towards a growth path of 6.5 to 7.5 percent for 2017.   Dominguez expressed the hope that the Senate would help the government meet this high growth target by passing soon enough—and in full—its own version of the compre...Read more
DSWD-7 gives free meds, cash grants, trainings under Lingap sa Masa
  • August 18, 2017
CEBU CITY, August 2 (PIA) --- More than a thousand indigent people in the region accessed free medicine through the Libreng Gamot Para Sa Masa or LINGAP SA MASA Program of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region-7.  Social Welfare and Development (SWAD) Cebu Team Leader Timotea Gadapan said that 1,656 patients were admitted at Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) up to P75,000 worth of medicines per patient as of July 25, 2017. LINGAP sa Masa, which began in Februray, has a budget of P121 million, of which P 18.7 million or 15 percent have already been...Read more
DTI-7 launches Kapatid “Mentor Me” Program Batch 3
  • August 18, 2017
CEBU CITY, August 2 (PIA) -- The Department of Trade and Industry (DTI) in Region 7, in cooperation with the Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) and Go Negosyo, launched the Kapatid “Mentor ME” Batch 3 and Aral Negosyo-Angat Kapatid Countryside Negosyo Program at the Marco Polo Plaza Hotel today. Twenty-eight micro, small and medium enterprises (MSMEs) comprised the 3rd batch of mentees under the Kapatid Mentor Micro Entrepreneurs (KMME) Program. The mentees tackled Module 1 (Enterpreneurial Mind-Setting and Deepening-Values) and Module 2 (Enterpreneurial Marketing Minds...Read more
EDC Negros-wide quiz bee semi-finals set
  • August 18, 2017
NEGROS ORIENTAL, Aug 2 (PIA) -- The Energy Development Corporation’s (EDC) Negros Island Battle of the Brains (BOTB) kicks off this month of August, with elimination rounds scheduled in five areas of Negros: Bacolod City on August 7, Bago on August 9, Kabankalan on August 11, Dumaguete City on August 15, and Bais on August 17. The regional science trivia contest is open to the all junior and senior high schools in Negros Island Region (NIR). EDC Corporate Communication Officer Frances Ariola said the youth of Negros are highly encouraged to join, if not as contestants, then as audienc...Read more