DSWD nagbabala laban sa mga pekeng enumerator

  • August 08, 2017
  • Lucia F. Broño

LUNGSOD QUEZON, Agosto 8, (PIA) – Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga nagkukunwaring empleyado ng DSWD o Pantawid Pamilya Enumerator.

Ito ay kaugnay ng ulat mula sa Region VII tungkol sa isang babaeng nag-iikot sa mga komunidad na nagsasabing siya ay isang empleyado ng DSWD at nanghihingi ng halagang P128 para sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento upang maging benipisyaryo ng programang Pantawid.

Ayon kay DSWD FO-VII Director Ma. Evelyn B. Macapobre, sinasamantala ng pekeng enumerator ang kasalukuyang isinasagawang pagtatasa para sa Listahanan On-Demand Application (ODA) ng mga pamilyang hindi nabisita noong pangalawang yugto ng household assessment taong 2015.

Dagdag niya, “Kasalukuyan naming ginagawa ang ‘Listahanan ODA assessment process’. Kailangan naming ipaliwanag sa mga kabahayan na kahit napuntahan na sila ng mga enumerator, hindi ibig sabihin nito na otomatiko na silang magiging benepisyaryo ng anumang programa ng pamahaaan lalo na ng Pantawid. |Sa ngayon po, hindi na kami nagdadagdag ng benepisyaryo.”

Batay sa National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) o Listahanan, meron pang 260,118 pamilya sa buong bansa na hindi dumaan sa pagtatasa nang nagsagawa ng “data collection phase” noong 2015. Sila ang mga pamilyang pagtutuunan ngayon ng mga Enumerator at yaong mga pamilyang nag-apila noong Listahanan validation phase.

Samantala, nabahala si Secretary Judy M. Taguiwalo sa balita ng babaeng nanghihingi ng pera at sinabi niya na mag-ingat ang publiko dahil ang mga ahensiya ng pamahalaan lalo na ang DSWD ay hindi nanghihingi ng pera upang mapabilang ang isang tao o pamilya sa mga programa nito. Aniya pa, ang pagpapalsipika ay isang krimen na may karampatang parusa sa ilalim ng  batas ng bansa. Sinabi rin niyang ang pangongolekta ng pera sa publiko kapalit ngrehistrasyon sa programa ng pamahalaan  ay iligal.

“Inuulit namin hindi nagdaragdag ang DSWD ng mga bagong miyembro ng Pantawid dahil naka-tuon ang ahensya ngayon sa pagsasaayos ng programa,lalo na sa aspeto ng membership nito at sa mga maraming ulat ng mga iregularided pagdidiin ni Taguiwalo.

“Mahigpit na ipinatutupad ng ahensya ang serbisyong walang puwang sa katiwalian kaya hinihikayat namin ang publiko na i-report sa amin o sa hotline 8888 ang kanilang mga reklamo para maitala at matugunan. Ito ang dahilan kaya hinihimok namin ang publiko na ireport sa amin ang kanilang mga reklamo o sa hotline 8888,” dagdag ni Taguiwalo.

Huling paalala ni Taguiwalo, “Hilingin ang ID at tingnan ang ID number, agad na ireport sa tanggapan ng DSWD Listahanan sa anumang reklamo tungkol sa isinagawang assessment katulad ng napaulat na “extortion”. (DSWD SMS/RJB/LFB/PIA-NCR) 


Other News

Palace closely monitoring situation on avian flu
  • August 20, 2017
MANILA, Aug. 20 -- Malacañan on Saturday, August 19, reassured the public that it is keeping a close watch on the developments in Nueva Ecija following reports of poultry deaths, urging the people to refrain from spreading fake news which may cause distress and panic. “We are closely monitoring the situation in Nueva Ecija following the confirmation of poultry deaths in the province yesterday by the Department of Agriculture (DA). We ask our people to remain calm yet vigilant and to refrain from spreading unverified information that may cause undue alarm and panic,” Presidential Spoke...Read more
DPWH resumes road repair in Metro Manila this weekend
  • August 20, 2017
MANILA, Aug. 20 -- The Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) will take advantage of the long weekend to continue its road reblocking activities in 10 major thoroughfares in Metro Manila which began 11PM of Friday, 18 August 2017.   DPWH-NCR Director Melvin B. Navarro reported that road works will include major areas in Quezon City including second lane, northbound direction  of Epifanio delos Santos Avenue before North Avenue; second lane, southbound direction of A. Bonifacio Street between Del Monte Street after Binhagan Street; truck lane,...Read more
Mayor Beng reiterates: Avoid looking for jobs in risky areas
  • August 20, 2017
By Felipo David G. Malcampo ZAMBOANGA CITY, August 16 (PIA) – City Mayor Beng Climaco reiterated her warning to jobseekers to avoid looking for jobs in risky areas since there is plenty of employment opportunities in the city. “Please refrain from looking for work in risky areas because we have a lot of job opportunities in Zamboanga,” Mayor Climaco said during a press briefing Monday (August 14). Last month, four Zamboangueño laborers namely Jayson Vailoces, Joel Adanza, Felimon Guerrero, Jr. and Edmundo Ramos were abducted while doing construction and painting jobs in Sulu. L...Read more
DAR marks CARPER’s 8th Anniversary
  • August 20, 2017
By Alfonso T. Ruda   DIPOLOG CITY, August 16 (PIA)--- The Department of Agrarian of Agrarian Reform held a press conference with the local media in line with the department’s 8th CARPER Anniversary celebration.   According to DAR-Zamboanga del Norte PARPO II Mohammad Dassan Adju, the press conference was called to update the local media on the projects implemented by DAR in the province and to thank the media for their continuous support to its information dissemination campaign.   Adju said that apart from its regular project, presently DAR is implementing two (2) forei...Read more