Tagalog news: Mga barkong patungong Batangas, sinigurong ligtas ng Coast Guard Romblon

  • April 20, 2017
  • Dinnes M. Manzo

ROMBLON, Romblon, Abril 20 (PIA) --- Kaugnay sa patuloy na pagpapatupad ng “Oplan Ligtas Biyahe,” tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG)-Romblon na ligtas at maginhawa ang biyahe ng mga barko paluwas ng kalakhang Luzon pagkatapos na gunitain ang Semana Santa ngayong taon.

Gaya ng inaasahan, dagsa na naman ang mga pasahero sa mga port terminal at daungan ng mga barko upang sumakay pabalik sa kamaynilaan matapos na magbakasyon noong nakaraang linggo sa kani-kanilang bayan sa Romblon.

Kapansin-pansin rin ang mahabang pila sa mga ticketing office ng mga kumpanya ng ferry boat at barkong rumuruta sa Romblon, Sibuyan at Tablas island para kumuha ng ticket papuntang Batangas port.

Tiniyak ng pamunuan ng PCG-Romblon na mahigpit silang nagbabantay sa mga pier upang maiwasan ang overloading sa mga barko dahil sapat naman ang bilang ng biyahe ng mga barko sa lalawigan kung kaya naiiwasan ang paglulan ng pasahero na lagpas sa kapasidad dahil halos araw-araw ay mayroong bumibiyahe kung kaya’t maisasakay ang lahat ng mga ito.

Ayon pa sa Phil. Coast Guard-Romblon, halos taun-taon ay nakapagtatala sila ng mahigit 3,000 pasahero na sumakay paluwas ng Batangas sa mga pangunahing pantalan gaya ng Poctoy Port, Romblon Port at Cajidiocan Port pagkatapos ng Mahal na Araw.

Mahigpit din nilang minamatyagan ang sitwasyon  sa iba pang maliliit na pantalan na matatagpuan sa island municipalities kung saan ang mga pasahero sa lugar na ito ay sumasakay lamang sa pampasaherong bangka o pumpboat.

Apat na shipping lines ang nag-ooperate sa lalawigan Romblon na kinabibilangan ng Navios Shipping Lines, 2Go Travel, Montenegro Shipping Lines at Starlite Reliance.

Ipinaalala rin ng pamunuan ng Coast Guard sa publiko na maaaring dumulog sa kanilang tanggapan at mga sub-station na nasa daungan kapag nangangailangan ng serbisyo o kung mayroong idudulog na reklamo.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)


Other News

ASEAN to hold first Prosperity for All Summit
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma “Joey” Concepcion III on Thursday, April 27, announced the holding of the first Prosperity for All Summit of the ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) during a press briefing held at The Conrad Manila. PA Concepcion, also the Chairman of the ASEAN – BAC, hopes to convince the more developed countries in the region to help those countries lagging behind, and for big business to give a lending hand to micro, small and medium enterprises (MSMEs). “ASEAN stands as 10 countries and it is my belief that 10 coun...Read more
KWF to launch first-ever Sebwano novel in Filipino
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- Walay Igsoon, the first-ever Sebwano novel written by the first Sebwano novelist Juan Villagonzalo, will be launched by the Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) in this year’s Philippine International Literary Festival (PILF). Published in 1912—more than a century ago—Walay Igsoon, which means “without a brother,” is a story of two brothers who got orphaned and separated from each other because of the cruelties of the Spanish occupation—a separation that will later tear them apart as brothers because of the differences in their beliefs and in the social class t...Read more
DOLE issues pay rules for April 28 special non-working day in Metro Manila
  • April 28, 2017
MANILA, April 28 -- The Department of Labor and Employment (DOLE) issued yesterday Labor Advisory No. 4, series of 2017 or the Payment of Wages for the Special Non-Working Day today, 28 April 2017, as the country hosts the summit of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) this week.  "Malacanang has declared April 28 as a non-working day in view of the ASEAN Summit meeting, but some of our workers are still required to go to work. We are issuing this pay rules advisory for the guidance and compliance of both workers and employers," Labor Secretary Silvestre Bello III said....Read more
DSWD-7 wins national awards
  • April 28, 2017
CEBU CITY, April 23 (PIA) --- The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VII under Regional Director Ma. Evelyn Macapobre took home several awards during the recently concluded DSWD Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) awarding ceremony at the Land Bank Auditorium in Ermita, Manila.  According to Regional Information Officer Leah Quintana, DSWD-7’s Social Marketing Unit (SMU)  won first place for the Gawad #DSWDMayMalasakit.   The award recognizes the proactive move of the Department through the use of social media such as Fa...Read more