Tagalog news: Suspensyon sa direct hire, inalis na ni Secretary Bello

  • May 19, 2017

LUNGSOD MAYNILA, Mayo 19 -- Inalis na ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang suspensyon sa pagpoproseso sa mga direct hire na overseas Filipino workers (OFWs) matapos ang isinagawang imbestigasyon ng mga opisyal kaugnay sa napaulat na anomalya sa loob ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

“Inalis ko na ang suspensyon sa mga direct hire na OFW dahil tapos na rin ang isinagawang imbestigasyon rito. Minabuti ko na imbestigahan na muna, at ngayong tapos na ang imbestigation, alam na namin kung sino ang mga involved, at nagkakaroon ng re-organization within the agency (POEA),” ayon kay Bello.

Sinabi pa niya na ang pansamantalang suspensyon sa pagpoproseso at pagpapalabas ng mga Overseas Employment Certificate (OEC) para sa lahat ng direct-hire na OFW ay para na rin sa kanilang kaligtasan at upang hindi sila maging biktima ng mga iligal na aktibidad sa loob ng POEA.

Sa pamamagitan ng Administrative Order No. 155-A, Series of 2017, inatasan ni Bello ang POEA at ang Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na ipagpatuloy ang pagpoproseso at pagpapalabas ng OEC, na isa sa mga kinakailangan sa ilalim ng panuntunan at regulasyon ng POEA para sa recruitment at pagtanggap ng mga OFW upang matiyak ang kanilang proteksyon at tamang dokumentasyon.

“Dapat nating siguruhin na ang mga OFW ay nabibigyang proteksyon sa oras na lumabas sila ng bansa. Dapat ay maiiwas rin sila na maging biktima ng anumang anomalya,” dagdag pa ni Bello.

Batay sa 2016 Revised Rules and Regulations on the Recruitment and Deployment of OFWs of the POEA, isinasaad sa Section 123 na ‘Walang employer ang pinapayagang direktang tumanggap ng mga overseas Filipino worker para sa trabaho sa ibang bansa.’

Gayunman, isinasaad ng Section 124 ang ilang exemption na kinabibilangan ng mga employers na malapit na kamag-anak ng OFW, miyembro ng diplomatic corps; international organizations; heads of state at opisyal ng pamahalaan na may ranggo na deputy minister; at iba pang employer na pinapayagan ng kalihim ng paggawa. (Abegail De Vega/ Paul Ang-DOLE)

 


Other News

President Duterte seeks robust, comprehensive, and mutually-beneficial partnership with Russia
  • May 23, 2017
DAVAO CITY, May 23  ─ President Rodrigo Roa Duterte on Monday, May 22 left for Russia, saying that his landmark visit will emphasize the Philippines’ independent foreign policy. In his departure statement, the Chief Executive said the most anticipated visit highlights the independence of the Philippines’ foreign policy and the firm resolve to broaden the horizons of friendship and cooperation with other nations. He further noted that Russia is a country that the Philippines must work with and that there are opportunities for cooperation that cannot be ignored. “With its geogr...Read more
DOF study links infra, social investments to inclusive growth
  • May 23, 2017
MANILA, May 23 -- Quicker economic growth sets the stage for wider fiscal space through greater investments in infrastructure, conditional cash transfer (CCT) and micro-lending programs, which, in turn, accelerate poverty reduction and spell financial inclusion, according to a Department of Finance (DOF) study. This study by the DOF—its first major research paper for the year and led by Finance Undersecretary Gil Beltran—noted that higher remittances by overseas Filipino workers (OFWs) also foster economic inclusion because many of these remitters’ beneficiaries in the country end up...Read more
GSIS allots P143 million in emergency loan in 2 Mindanao areas
  • May 23, 2017
PASAY CITY, May 23 -- The Government Service Insurance System (GSIS) is allocating P143 million in emergency loans for its active members and old-age pensioners in Jolo, Sulu and Concepcion, Misamis Occidental, which are affected by flashfloods and agricultural damages resulting from heavy rains. The application deadline for Jolo is June 3 and for Concepcion, June 9. A total of 5,051 active members who are working or residing in the calamity-declared areas, are not on leave of absence without pay, have no arrears in paying premium contributions, and have no unpaid loans for more than...Read more
Watch group finds school gardening tools laden with toxic lead
  • May 23, 2017
QUEZON CITY, May 23 -- An advocate for the prevention of childhood lead exposure alerted school authorities against the use of gardening tools that are coated with lead-containing paints. The EcoWaste Coalition, a non-profit environmental and health group, aired the warning following the detection of high concentrations of lead, a potent neurotoxin, in eight of 20 samples of gardening tools. The tools, which are commonly used in home, community and school gardening activities, were purchased for P20 to P65 each from general merchandise stores, hardware centers and sidewalk vendors in Mo...Read more