Tagalog news: Tulong pang-ospital, una sa listahan ng PCSO

  • April 21, 2017

LUNGSOD QUEZON, Abril 21 -- Ang paglalaan ng pondo para sa mga humihingi ng tulong pang-ospital ang nananatiling una sa listahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan.

Mula Enero hanggang Marso 2017, ang PCSO ay nakapaglaan ng mahigit 781 milyong piso para sa 38,685 na pasyente para sa confinement o hospitalization, kumpara noong 2016, kung saan ang PCSO ay nakatulong sa 29,602 na pasyente sa parehong mga buwan.

Idinagdag pa ni GM Balutan na ito ay alinsunod sa programa ni Pangulong Duterte hinggil sa “Libreng Gamot” at pagbibigay ayuda sa mga proyektong pangkalusugan sa mga Pilipinong nangangailangan ng agarang tulong.

“Malaking bahagi ng tulong pinansiyal ng PCSO ay napupunta sa mga nao-ospital, kaya’t nais namin itong palawigin pa.” dagdag ni GM Balutan.

Ikalawa sa listahan ng PCSO pagdating sa pagbibigay ng tulong ay ang para sa Chemotherapy kung saan ang Ahensiya ay gumugol ng halos 365 milyong piso para sa 9,979 na  pasyente mula Enero hanggang Marso sa taong kasalukuyan.  Sinundan naman ito ng ayuda para sa Dialysis, kasama na ang hemodialysis and peritoneal dialysis, kung saan ang PCSO ay nakapaglaan ng mahigit 13 milyong piso para sa 1,352 pasyente sa kaparehong mga buwan.

Ayon kay Assistant General Manager for Charity Dr. Larry Cedro, ang PCSO ay handang tumulong sa lahat ng nangangailangan at bukas-palad nitong tinatanggap ang sino man na nagnanais na makakuha ng serbisyo medikal.

“Mayroong mga pagkakataon kung saan ang malalalang karamdaman gaya ng cancer, chronic kidney diseases, organ transplant at iba pa, na kahit na may kaya ang pasyente ay umaabot din sa puntong mangangailangan ito ng pandagdag pinansiyal,” ani Dr. Cedro.

Sa kasalukuyan ay binibigyan pansin ng tanggapan ang mga suhestiyon at mga pagbabago na dapat ipatupad sa pagbibigay ng serbisyo ng PCSO.  “Ang ating mga kababayan ay may maling akala na ang PCSO ay para lamang sa mayayaman. Ang serbisyo ng PCSO ay para sa lahat ng Pilipino, mayaman man o mahirap,” dagdag pa ni GM Balutan.

Ang PCSO ay may mga bagong programang ipapatupad upang lalo pang mapabuti ang serbisyo ng ahensya sa tulong na rin ng pinalawak na Small Town Lottery (STL) na inaasahang makakapaghatid ng 27 hanggang 30 bilyong pisong dagdag pondo ngayong taon 2017.  “Kaya namin pinapalawak ang ating STL ay upang maisakatuparan ang utos ng ating Presidente na humanap ng paraan para matulungan ang mas marami pa nating mga kababayan sa bawat ng sulok ng bansa” dagdag ni GM Balutan.

Sa kasalukuyan ang PCSO ay may 56 STL Authorized Agent Corporations (AACs) at inaasahan ang karagdagang 35 AACs sa kasalukuyang taon.

“Sa loob ng unang tatlong buwan ngayong taon, kumita na ang PCSO ng karagdagang 2.88 bilyong piso mula STL kumpara sa naitalang kita nito na 1.23 bilyong piso mula Enero hanggang marso noong 2016.  Ang karagdagang kitang ito ay nakatulong sa halos 90,000 na pasyente sa ilalim ng Individual Medical Assistance Program o IMAP sa 17 rehiyon ng ating bansa.  Ito ang tunay na layunin ng STL, ang makapagbigay ng karagdagang pondo para sa mga ipinagkakaloob na tulong ng PCSO gaya ng gamot, implant, prosthesis, medical devices, laboratory, diagnostic procedures, surgery, radiation treatment, laser treatment, medical appliances, blood transplant at iba pa na may kinalaman sa kalusugan,” ayon kay GM Balutan.

“Tulungan natin ang STL at ipagbigay alam ninyo sa awtoridad ang anumang iligal na laro sa inyong lugar. Ang STL ang tanging legal na numbers game sa ating bansa. Tangkilikin natin ang legal at iwasan ang illegal Sa PCSO nakapaglaro ka na, nakakatulong ka pa,” pagtatapos ni GM Balutan. (PCSO)


Other News

ASEAN declares a stronger civil service
  • April 30, 2017
PASAY CITY, April 30 - President Rodrigo Roa Duterte on Saturday led the heads of the ASEAN Member-States in signing the ASEAN Leaders Declaration on the Role of the Civil Service as Catalyst in Achieving ASEAN Community Vision 2025.  “The declaration highlights the important role of the civil service as drivers of national and regional development towards the achievement of ASEAN goals and aspirations,” Civil Service Commission (CSC) Chairperson Alicia de la Rosa-Bala said. The Philippines initiated the development of the ASEAN Leaders Declaration on the Role of the Civil Service a...Read more
President Duterte to lead Labor Day rites in Davao
  • April 30, 2017
MANILA, April 30 -- President Rodrigo R. Duterte will celebrate Labor Day and lead the May 1 activities in Davao City, Labor Secretary Silvestre Bello III announced Tuesday. “We are honored that the President himself will be gracing our main Labor Day celebration," Bello said. President Duterte will be leading the Labor Day assembly and dialog with workers at the People’s Park in Davao City.      The President, together with labor officials will meet trade union leaders from the national and local federations to discuss and address labor and employment issues and concerns....Read more
DOLE reminds employers of pay rules on Labor Day
  • April 30, 2017
MANILA, April 30 -- The Department of Labor and Employment on Friday reminded employers to strictly follow the holiday pay rules for 01 May 2017, Labor Day, a regular holiday. Labor Day is celebrated to give recognition and honor to the sacrifices and hard work of our Filipino workingmen. Pursuant to Proclamation No. 50 issued by President Rodrigo Duterte on August 16, 2016, the labor department issued the rules prescribing the proper payment of wages for regular holidays. The DOLE mandates the following pay rules to be implemented on Labor Day: If the employee did not work, he/she...Read more
Taguig City to hold Mega Job Fair on Labor Day
  • April 30, 2017
TAGUIG CITY, April 30 (PIA) - The city government of Taguig through its Public Employment Service Office (PESO) will hold a Mega Job Fair on Labor Day, May 1, 2017, from 10 a.m. to 5 p.m. The event will be held at All Home/Vista Mall along Levi Mariano Avenue, along Levi Mariano Avenue in Barangay Ususan.   Interested applicants are advised to bring their resumé and ballpen. For more inquiries, please call Taguig City’s PESO at 398-5411.   The job fair is part of the 430th Founding Anniversary of Taguig City. (TAGUIG PIO/RJB/JEG/PIA-NCR) ...Read more