Filipino news: Singil na Airport Fee sa mga OFW Ipinatitigil ni Bello

  • March 20, 2017

LUNGSOD MAYNILA, Marso 19 -- Nagbabala na si Labor Secretary Silvestre H. Bello III na gagawa ng legal na hakbangin laban sa mga airline companies upang mapilitan silang itigil ang pangongolekta o pagsingil ng travel tax at terminal fee sa mga overseas Filipino workers (OFW).

 

“Ang patuloy na paniningil ng travel tax at terminal fee sa mga OFW ay hindi tama dahil hindi na sila saklaw ng batas na ipinatupad na tatlong taon na ang nakararaan. Dapat ay matagal na ring itinigil ng mga airline company ang paniningil nila,” wika ni Bello.

 

Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos na igiit ng mga airline companies na ititigil lamang nila ang pangongolekta ng nasabing kabayaran sa darating pang Abril 30.

 

Dagdag pa ni Bello, wala umanong legal na basehan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at airline companies na mangolekta ng travel tax at terminal fee sa mga OFW dahil hindi na sila kasama rito batay na rin sa bisa ng Presidential Decree No. 1183 at R. A. No. 8042, o ang Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995, as Amended by R. A. No. 10022.

 

Ang CAAP ang siyang namamahala sa pangongolekta ng mga kaukulang bayarin kaugnay sa operasyon ng mga pampublikong serbisyong panghimpapawid, kabilang na rin ang pagpapanatili ng kaayusan sa mga pambansang paliparan at air navigation.

 

“Idudulog namin ito sa Office of the Solicitor General upang malaman ang mga legal na aksyon na maaaring gawin para agad itong matigil. Hindi sa Abril 30, kung hindi ngayon na,” sinabi pa ni Bello.

 

Sinabi rin ng kalihim na ang CAAP ang dapat na nagre-remit ng mga non-refunded na travel tax at terminal fee sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na siyang nangangalaga ng pondo ng OFW. Bilang ahensya ng DOLE, ang OWWA ang siyang namamahala sa mga programa para sa mga OFW.

 

“Ang mga travel tax at iba pang bayad na nakokolekta mula sa mga OFW at hindi naibabalik sa kanila ay dapat na naire-remit sa OWWA,” dagdag pa ni Bello.

 

Noong nakaraang buwan, sumulat si Bello kay Director General Jim Sydiongco ng CAAP, at binigyan rin ng kopya nito sina Secretary Arthur Tugade ng Department of Transportation, General Manager Eddie V. Monreal ng Manila International Airport Authority (MIAA), at Atty. Guiller B. Asido ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, upang gumawa na ng kaukulang hakbangin ang mga nasabing opisina sa ibat ibang terminal ng paliparan para sa pagpapatigil ng pangongolekta ng tax at terminal fee sa mga OFW. (DOLE)


Other News

PHLPost announces “Salamat Po” raffle winners
  • May 28, 2017
MANILA,  May 28 (PIA) – Its PHLPost turn to say “Salamat Po” to more than 400,000 students from all over the country who wrote and mailed personal “Thank You letters” through the “Salamat Po (Thank You) Letter Writing Promo.”   Two lucky winners of P50,000 were drawn in the grand raffle event held at the Canossa School in San Pablo City, Laguna. Ms. Shaina Gammayao of Ballesteros National High School in Cagayan (Student Category) and Ms. Liezel Capate of Tacloban City (Employee Category) won in the contest.   Postmaster General Joel Otarra congratulated the winners...Read more
Medium-term fiscal program to sustain the PH economy's growth momentum
  • May 27, 2017
MANILA, May 27 -- From 2017 to 2022, the government will embark on an expansionary fiscal policy to finance the country’s development priorities, boost economic growth, and ultimately achieve the administration’s objectives of rapid poverty reduction. The expansionary fiscal policy will be characterized by increased government spending, particularly on public infrastructure and social services. This fiscal strategy will be made possible by maintaining the deficit-to-GDP ratio at 3 percent while improving revenue effort through tax policy and tax administration reforms. The deficit wi...Read more
DSWD provides relief aid to families displaced by Marawi siege
  • May 27, 2017
QUEZON CITY, May 27 -- The Department of Social Welfare and Development (DSWD), through its concerned Field ​Offices​ (FOs)​ in Mindanao, has started to provide relief assistance today in the form of family food packs (FFPs) and food and non-food items (FNFIs) to families affected by the ongoing armed operation in Marawi City, Lanao del Sur between the Armed Forces of the Philippines (AFP) and members of the Maute Group and Abu Sayyaf Group (ASG) who have pledged allegiance to the international terrorist group, Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). DSWD FO in Region XII will delive...Read more
President Duterte issues E.O. 25, renames 'Benham Rise' to 'Philippine Rise'
  • May 27, 2017
TAGUIG CITY, May 27 -- On 16 May 2017, President Rodrigo R. Duterte issued Executive Order No. 25 (E.O. 25) which effectively changed the name “Benham Rise” to “Philippine Rise.”   The Philippine Rise is an undersea feature, east of Luzon island. The shallowest part, which is the Benham Bank, is less than 50 meters deep. It is connected to the Luzon margin through the Palanan and Bicol Saddle. Section 2 of the said E.O. states that, the National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) shall henceforth produce maps and charts, and indicate the name “Philippi...Read more