NEAPWD, may bagong tagapamuno

  • July 17, 2017
  • Camille C. Nagaño

LUNGSOD NG CABANATUAN, Hulyo 17 (PIA) -- Bago ang pagpili ng mga bagong manunungkulang tagapamuno ng Nueva Ecija Association of Person with Disability o NEAPWD ay nagsisilbing Officer-in-Charge si Ramonito Sanchez na dating nasa ingat-yaman.

 

Si Sanchez ang humalili sa dating pinuno ng asosasyon na si Rudy Mendoza na pumanaw kamakailan dahil sa sakit na kanser.

 

Ayon kay Sanchez, ipagpapatuloy ng samahan kung ano ang nasimulan ni Mendoza partikular na ang mga proyektong pangkabuhayan na malaking tulong sa mga nasasakupang miyembro.

 

Kabilang dito aniya ang vermiculture na mayroong 30 beds na nakapagpoprodyus ng 100 sakong pataba kada anihan gayundin ang paggawa ng mga upuan para sa mga pampublikong paaralan katuwang ang Department of Education.

 

Pahayag pa ni Sanchez, inaasahan din ng grupo ang parating na agapay mula sa Department of Trade and Industry at Central Luzon State University na pamamahagi ng mga alagaing kambing bukod pa ang mga sewing machine na mula naman sa Department of Social Welfare and Development.

 

Sa ngayon aniya ay mayroong 30 yunit na pabahay ang inaakupahan at pagmamayari na ng mga kasamang PWD sa barangay Bakod Bayan sa lungsod na pagtatayuan din ng mga paparating na proyekto.

 

Pagpapasalamat naman ang nais ipaabot ni Sanchez sa mga ahensiya ng pamahalaan na patuloy umaagapay sa pangkabuhaya’t pangangailangan ng samahan.

 

Kaya’t ang patuloy pa ding panawagan sa mga kapwa may kapansanan ay maging aktibo, makilahok sa mga proyekto ng kooperatiba upang sama-samang mapalakas ang sektor sa patuloy na ikauunlad ng pamumuhay. (CLJD/CCN-PIA 3)


Other News

CARAT Expo 2017 to increase agro marine productivity in Caraga
  • July 21, 2017
BUTUAN CITY, July 20 (PIA) – In keeping the momentum of advancing the region’s rich agricultural and fishery products, the Butuan City Chamber of Commerce and Industry Foundation, Inc. will once again hold this year’s Caraga Agricultural Trade and Marketing Exposition or CARAT Expo 2017 on August 10-13, here. CARAT Expo 2017 carries the theme, “Zoom up Caraga! Responding to challenges in agri-aqua productivity, responsible mining and progressive entrepreneurship.” “It will be a four-day event and is highlighted by hosting the 21st Caraga Business Conference slated also on Au...Read more
Valenzuela wins second E-Readiness award
  • July 21, 2017
VALENZUELA CITY, July 21 (PIA)—The City Government of Valenzuela received its second bags this year's e-Readiness Leadership Award during the Electronic Business Permits and Licensing Summit held at the Novotel Manila in Quezon City, July 18, 2017. The award recognizes local chief executives who are pioneering the adoption and strategic use of Information and Communications Technology (ICT) to enhance their delivery of government services, improve revenue/tax collection efforts, improve business permits application and renewal processes, and to promote transparency in government o...Read more
SSS ready to implement EC Funeral benefit hike in 1 month from effectivity date
  • July 21, 2017
BUTUAN CITY, July 21 - State-run Social Security System (SSS) on Thursday said it is ready to implement the recently issued Executive Order No. 33 by President Rodrigo Duterte ordering the increase of the Employees’ Compensation (EC) funeral benefits for government and private sector employees from P20,000 to P30,000 within 30 days from the publication date of the Implementing Rules and Regulations to be issued by the Employees’ Compensation Commission. "We just need a month to make system adjustments to implement the P10,000 increase in EC funeral benefit. We are one with Pres. Dutert...Read more
Gov’t broadens horizons for PWDs
  • July 21, 2017
CAGAYAN DE ORO CITY, July 20 (PIA) – To foster beneficial programs for the persons with disabilities (PWDs) and ensure their access to public services, various national line agencies highlighted their programs, projects and services for the sector during the Talakayan sa PIA on July 14.   On upholding the rights of PWDs on transportation, Land Transportation Office (LTO) Regional Director Oscar Salcedo said that they are constantly monitoring the compliance of drivers and passengers on reserving one space or seat for PWDs.   “The moment nga naa’y pasahero nga PWD (when ther...Read more