DepEd-Nueva Ecija, nanawagan ng tulong hinggil sa pag-aaral ng mga kabataang may kapansanan

  • July 17, 2017
  • Camille C. Nagaño

LUNGSOD NG CABANATUAN, Hulyo 14 (PIA) -- Ipinanawagan ng Department of Education o DepEd Nueva Ecija sa mga lokal na pamahalaan ang kinakailangang tulong pinansyal sa pag-aaral ng mga nasasakupang kabataang may kapansanan.

 

Ayon kay DepEd Values Education, Guidance and Special Education o SPED Program Supervisor Evelyn Solis, pangunahing pangangailangan ng tanggapan ay mga guro at silid aralan na magagamit sa pag-aaral ng mga kabataang may kapansanan upang sila ay mapalaking may kakayahan at maging kapaki-pakinabang na mamamayan.

 

Aniya, ang tulong mula sa mga lokalidad ay magsisilbing daan upang maging magaan ang pagpasok sa eskwela ng mga batang nangangailangan ng mas tutok na atensyon.

 

Pahayag pa ni Solis, kagaya ng mga ordinaryong estudyante ay libreng nakapag-eenrol at nakapapasok sa paaralan ang mga batang itinuturing na PWD o person with disability base sa kanilang mga kondisyon.

 

Wala namang dapat ikabahala aniya dahil ang mga gurong tumitingin sa kanila ay sinanay upang maging angkop sa  pagtuturo sa mga bata.

 

Base sa talaan ng opisina ay aabot sa kumulang isan-libong kabataang may kapansanan ang nag-aaral sa SPED Program ng DepEd at inaasahang madaragdagan sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.

 

Paglilinaw pa ni Solis, bibigyang solusyon din ng tanggapan na maabot ng proyekto ang mga malalayong bayan ng Carranglan at Talugtug na natitira na lamang na walang SPED Program upang maipaabot ang karapatang makapag-aral sa mga batang musmos. (CLJD/CCN-PIA 3)


Other News

Valenzuela wins second E-Readiness award
  • July 21, 2017
VALENZUELA CITY, July 21 (PIA)—The City Government of Valenzuela received its second bags this year's e-Readiness Leadership Award during the Electronic Business Permits and Licensing Summit held at the Novotel Manila in Quezon City, July 18, 2017. The award recognizes local chief executives who are pioneering the adoption and strategic use of Information and Communications Technology (ICT) to enhance their delivery of government services, improve revenue/tax collection efforts, improve business permits application and renewal processes, and to promote transparency in government o...Read more
DSWD, other 'Task Force Bangon Marawi' members intensify preps for Marawi rehab
  • July 20, 2017
MANILA, July 20 -- The Department of Social Welfare and Development (DSWD) continues to strengthen its coordination with other members of the ‘Task Force Bangon Marawi’ to intensify preparations for recovery and rehabilitation of Marawi City, where government forces continue to battle the Maute terror group.   Task Force Bangon Marawi is the government’s inter-agency task force for the recovery, reconstruction, and rehabilitation of Marawi City and other localities affected by the ongoing armed conflict in Lanao Del Sur. It was created by President Rodrigo R. Duterte under Admini...Read more
Over 1M benefit from OSSCO
  • July 20, 2017
MANILA, July 20 -- Government frontline services were made accessible to more than one million overseas Filipino workers (OFWs) in the first year of the Duterte administration, as the labor department managed to put up One-Stop-Service Centers nationwide.   Labor Secretary Silvestre Bello III said the over one million OFWs were served and benefited from efficient and speedy delivery of various government services brought by OSSCO after it was launched last August.   “We established 17 One-Stop-Service Centers all over the country to reduce the expenses of OFWs as the services or...Read more
WV crime volume dips by 8.5%
  • July 20, 2017
ILOILO CITY, July 19 (PIA6) ---  The Police Regional Office (PRO)-6 reported that crime volume in Western Visayas decreased by 8.5 percent. Data from the PRO-6 Crime Information, Reporting and Analysis System (CIRAS) showed that 36,690 crime incidents were recorded for the period July 1, 2016 to June 30, 2017. This figure is lower by 3,410 incidents or a drop of 8.5 percent as compared to the 40,100 crime incidents registered from July 1, 2015 to June 30, 2016. PRO-6 data also showed there was a significant decrease of index crimes with 8,582 recorded incidents which is 21.02 per...Read more