Tagalog News: Bitamina A: pampalinaw ng mata, panlaban sa impeksiyon pa!

  • May 18, 2017

LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 18 - Sa lahat ng gamit ng bitamina A sa katawan, pinakasikat na yata ang pampalinaw ng mata. Ngunit alam nyo ba na kailangan din ang bitaminang ito para labanan ang iba't ibang impeksiyon at para sa maayos na paglaki ng mga bata?

Ang bitamina A ay kailangan upang mapanatili ang normal na dami ng cells at matiyak na sapat ang mucous na nagpapanatiling basa at malagkit ang mga ilang bahagi ng katawan. Katulad nito ay ang gilid sa loob ng ating baga, lalamunan at bituka, pinagdadaanan ng ihi at ang ating mga nervous at reproductive systems. Ang mucous na galing sa mga cells ay may mga sangkap na nakapupuksa ng mga mikrobyo, kaya lumalakas ang resistensya at nalalabanan ang impeksiyon ng katawan. Kapag may kakulangan sa bitamina A, madaling dapuan ng sakit katulad ng sakit sa baga (respiratory infection) at pagtatae. Maaari ding lumala ang tigdas lalo na sa mga bata kung kulang sa bitamina A.

Bukod dito, ang bitamina A ay kailangan din para sa maayos na paglaki. Tumutulong ito sa paglaki ng mga buto o bone growth. Ang bitamina A ang nagpapanatili sa pagiging flexible ng mga buto para madali at normal ang paglaki nito.

Upang magkaroon ng sapat na bitamina A sa ating katawan, ugaliing kumain ng mga pagkaing mayaman sa bitaminang ito. Kabilang na dito ang atay, itlog, keso, dilis, mga lamang dagat tulad ng tahong at tulya, dilaw at berdeng gulay, at dilaw na prutas. Halimbawa ng dilaw at berdeng gulay ay carrot, kamatis, kalabasa, dahon ng malunggay, kamote, kangkong, pechay at saluyot. Ang mga prutas tulad ng mangga, papaya, saging at melon naman ay halimbawa ng mga dilaw na prutas. Marami na ring mga pagkain ang dinagdagan o fortified ng bitamina A tulad ng noodles, mga inumin, sawsawan, mantika at asukal. Piliin ang mga pagkain mayroong Sangkap Pinoy Seal (SPS) dahil ito ang mga pagkain dinagdagan ng bitamina A.

Kaya sa susunod na kakain ng mga pagkaing mayaman sa bitamina A, isipin ninyo na ito'y para mapanatiling malinaw ang mata at lumakas rin ang inyong resistensiya.

Para sa karagdagang impormasyon at kaalaman sa pagkain at nutrisyon, sumulat o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Direktor, FNRI-DOST sa kanyang email address: mvc@fnri.dost.gov.ph o mar_v_c@yahoo.com o sa telepono bilang 837-2934/837-3164. Maaari ding bisitahin ang FNRI website: http://www.fnri.dost.gov.ph.  I-Like din ang aming Facebook page sa facebook.com/FNRI.DOST o sundan kami sa aming Twitter account sa twitter.com/FNRI_DOST.  (Charina A. Javier, DOST-FNRI S&T Media Service/PIA-Caraga)

 


Other News

President Duterte arrives in Russia for official visit
  • May 24, 2017
MOSCOW, Russia, May 24 -- President Rodrigo Roa Duterte arrived here on Monday, May 22, for a four-day official visit which aims to further strengthen bilateral relations with Russia. The plane carrying President Duterte and his official delegation touched down at Vnukovo International Airport at 11:18 p.m. (Moscow time). Moscow is five hours behind Manila. The President was accompanied by Cabinet members led by Executive Secretary Salvador Medialdea, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Finance Secretary Carlos Dominguez, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Agriculture Secret...Read more
Avail of DOLE’s job facilitation services
  • May 24, 2017
MANILA, May 24 -- Labor Secretary Silvestre H. Bello III encouraged jobseekers anew to make full use of the government’s employment facilitation services to ease unemployment and underemployment in the country. “We are bringing employment facilitation services closer to the public. Jobseekers may browse PhilJobNet, search for vacancies, and conveniently apply online. They may also look up the job fair schedules posted at the online portal and personally go to the job fairs in their areas,” Bello said.    PhilJobNet is the internet-based job and applicant matching system of the D...Read more
DPWH to complete P114-M bypass road project in Iloilo this year
  • May 24, 2017
MANILA, May 24 -- A new by-pass road would soon be serviceable to lessen the traffic congestion within the highly urbanized roads of Iloilo City, providing more convenient trip for local residents and tourists. The Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office 6 is presently undertaking the construction of four lanes Nabitasan – San Rafael Bypass Road in the amount of P114.461-million to shorten the travel time from Iloilo City downtown area to Benigno S. Aquino, Jr. Avenue by ten (10) to fifteen (15) minutes. The project involves the construction of 834 lineal meters...Read more
DSWD allocates additional P1B for the twice-a-day feeding program for daycare children
  • May 24, 2017
 QUEZON CITY, May 24, (PIA) – The government through the Department of Social Welfare and Development (DSWD) has allocated an additional P1 B for the pilot implementation of twice-a-day feeding program for daycare (DC) children in 450 local government units (LGUs) nationwide through its Supplementary Feeding Program (SFP).    DSWD regularly implements a 120-day feeding program which provides hot meals once a day in all LGUs nationwide to ensure that daycare children are able to consume nutritious food for their well-being. Under the regular SFP, hot meals are provided to children en...Read more