Tagalog News: Konsumo ng prutas, gulay at lamang-ugat bumaba

  • May 16, 2017

LUNGSOD NG BUTUAN, May 16 -- Maraming Pilipino ang hindi kumakain ng tamang dami ng gulay, prutas, at lamang-ugat.

Ayon sa isinagawang survey noong 2013 ng Department of Science and Technology’s  Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), napag-alaman na karamihan sa mga Filipino ay hindi kumakain ng prutas at gulay. Nakita rin sa naturang survey na bagama’t tumaas ng bahagya ang konsumo ng gulay, ang konsumo ng prutas ay patuloy na bumaba  simula pa noong 1970s.

Kaya naman ipinapayo at itinataguyod ng mga dalubhasa sa nutrisyon at kalusugan ang pagkain ng maraming gulay, prutas, at lamang-ugat upang mapunuan ang mga kakulangan sa micronutrients.  Ang lamang-ugat ay dapat ding kainin dahil nakadaragdag ang mga ito ng enerhiya o lakas sa ating katawan at fiber para sa regular na pagdumi.

Ano ba ang kahalagahan ng regular na pagkain ng gulay?  Ang mga green leafy at yellow vegetables o berde, madahon at dilaw at madahong gulay ay mayaman sa beta-carotene na nagiging bitamina A sa katawan.  Ang sariwa at katamtamang luto ng mga berdeng madahong gulay ay pinanggagalingan ng vitamin C, iron, calcium, dietary fiber, folic acid, vitamin E, at ilang phytochemicals na napatunayang tumutulong laban sa kanser at ibang sakit.

‘Yun namang ‘‘di madahong gulay” tulad ng okra, sayote, upo, at ampalaya ay nakadaragdag ng dietary fiber, iron at B-complex vitamins. 

Ang pagkain ng gulay ay nakatutulong sa pag-iwas sa vitamin A deficiency disorders o VADD, na isa sa mga laganap na uri ng malnutrisyon sa Pilipinas.  Dahil sa VADD, bumababa ang resistensya laban sa impeksyon na nagbubunga ng madalas at malalang pagkakasakit.  Bumabagal din ang paglaki ng mga bata.

Ang unang palatandaan ng VADD ay ang nightblindness o kahirapang makakita sa gabi.  At kung matindi ang kakulangan sa bitamina A, maaaring magkaroon ng lesion o sugat sa mata na tawag ay xerophthalmia na posibleng tumuloy sa pagkabulag.  Pero huwag kayong mag-alala, ang mga ito ay maaaring maiwasan.

Katulad ng gulay, mahalaga ang prutas sa ating diet dahil mayaman ang mga ito sa vitamin C, lalo na ang bayabas, mangga at papaya.  Nakatutulong ang vitamin C upang maiwasan ang scurvy o pagdurugo o pamamaga ng mga gilagid at upang tumibay ang ating resistensiya laban sa impeksyon.

Nagtataglay naman ng beta-carotene ang madilaw na prutas.  Mayaman sa bitamina at mineral ang saging, melon, at pinya.  Meron ding dietary fiber ang mga prutas upang makatulong sa regular na pagdumi.

Kadalasan, ang lamang-ugat ay hindi kasama sa diet ng mga Pilipino, maliban sa mga lugar na ito talaga ang karaniwang kinakain o ang staple food.  Ang pagkain ng lamang-ugat gaya ng patatas, gabi, at kamote ay nakapag-dudulot ng enerhiya sa katawan.  Nagdudulot din ito ng dietary fiber at vitamins.  Ang dilaw na kamote ay nakapagbibigay ng beta-carotene habang ang patatas naman ay mapagkukunan ng vitamin C.  Dapat na kumain ng lamang-ugat kahit mga tatlong beses sa isang linggo.

Kaya isama natin sa ating listahan ng bibilhin ang mga ito.  Tandaan, ang pagkain ng iba’t-ibang uri ng pagkain araw-araw, kabilang ang prutas, gulay at lamang-ugat ang pinakamahalagang gabay para sa ating kalusugan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkain at nutrisyon, lumiham o tumawag kay Dr. Mario V. Capanzana, Director, Food and Nutrition Research Institute-DOST, Bicutan, Taguig, Metro Manila, Tel. No. 837 2934 or 837 2071 loc. 2287, email: mvc@fnri.dost.gov.ph, o mar_v_c@yahoo.com; FNRI-DOST website: http://www.fnri.dost.gov.ph. I-like ang aming Facebook page sa facebook.com/FNRI.DOST o sundan kami sa aming Twitter account sa twitter.com/FNRI_DOST.  (Divorah V. Aguila, DOST-FNRI S&T Media Services/PIA-Caraga)


Other News

PNP, water district sign MOA to protect Isarog watershed in Bicol
  • August 17, 2017
NAGA CITY, Aug. 16 (PIA) – With its mandate to protect, manage, develop and conserve the Mt. Isarog Natural Park (MINP) in Camarines Sur, the Metro Naga Water District (MNWD) had the Naga City Police Station as its newest stakeholder in the collaboration to protect and conserve the MINP. On Aug. 7, the Naga police and the MNWD signed a memorandum of agreement (MOA) to firm up the cooperation and collaboration between the two entities.   MNWD Board Chairman Jorge T. Palma said the MOA intends to address the protection, conservation and rehabilitation of a portion of the MINP wate...Read more
Surigao delegates join global waste management confab in Bangkok
  • August 17, 2017
SURIGAO CITY, Surigao del Norte, Aug. 17 (PIA) – In an effort to gain insights and learn best practices of proper waste management abroad, Governor Sol F. Matugas led the Surigao del Norte delegation who participated in the Global Waste Management Conference 2017 in Bangkok, Thailand last August 1-2. With the theme, “Building Sustainability in an Urbanized World through Strategic Waste Management,” the International Global Waste Management Conference 2017 is the first in Asia, designed to provide a platform to address the rising issues in relation to the negative impacts of waste on h...Read more
DepEd School Building Program: A Briefer
  • August 17, 2017
PASIG CITY, Aug. 17 -- On par with the President’s directive to “Build, Build, Build”, the Department of Education (DepEd) has entered into a Memorandum of Agreement with the Department of Public Works and Highways (DPWH) to outline the strategy for the implementation of the Basic Education Facilities Fund (BEFF).   Part of the agreement was for DepEd and DPWH to jointly conduct the validation of proposed school building to determine: a) buildable spaces, b) classroom building types, and c) actual project costs. An important part of this strategy is the conduct of geo-technical...Read more
Congressman Bordado highlights achievements in State of the District Address
  • August 17, 2017
NAGA CITY, Aug. 17 (PIA) –Camarines Sur Rep. Gabriel H. Bordado Jr. (third district) delivered the first ever State of the District Address last Saturday, Aug. 12, at the Eurotel Convention Center here.   Before a well-attended gathering of local officials and civil society leaders in his district, Bordado presented a summary of his accomplishments for July 2016  to July 2017.   For his legislative work, Bordado had a perfect attendance during sessions in Congress where he was present 97 times in 97 session days.  He also authored and co-authored 93 Bills, made five manife...Read more